Kinabahan ako , teka ? Ako ang mommy ng batang ito ? Paano ?
"Christine im asking you ! " lalo akong kinabahan sa sinabi niya . Nawala tuloy ako sa sarili ko .
Di ako umimik . Bagkus hinila ko sila at saka sabay pumasok sa bahay nila . Hinayaan ko si luhan sa labas . Naiinis ako sa ginawa niya pero i feel guilt kasi di ko siya kinausap . Pride ang umiiral sa akin pero bago yun kakausapin ko ang mag-amang ito . Nakakaloka talaga sila .
Pagkapasok namin sa loob ay agad kong nilock ang pinto . Wow , sariling bahay lang ?
"Kayong dalawa ! " harap ko sa kanilang dalawa . Nakita kong natakot ang bata pero niyakap siya ni Winston .
Biglang pumasok sa isip ko ang dalawang image at alaala ko sa dalawang ito .
"Winston and alexandra ! " gigil na sabi ko sa kanila at kasabay non ay pagkahagalpak ng tawa . Sabay pa silang mag-ama . May pinagmanahan talaga . Tsk
" Huli ka tita " sabi ni alexandra at saka tumawa ulit habang tinuturo ako . Tsk itong dalawa na ito lakas makakaba akala ko may asawa na ako at anak kahit di pa ako na experience non . Loko talaga ito .
" Ha-ha ang galing niyo naloko niyo ko ! " sabi ko sa kanila at pumunta ng kusina . Wala akong pakialam kung diresiretsyo lang ako pasaway yang mag-ama na yan eh .
Nagluto nalang ako sa kanila at pagkaraan ng ilang minuto tinawag ko sila .
" wow ! Mommy na mommy ang dating " panunukso ni winston sa akin kaya binato ko sa kanya ang kutsara natamaan naman siya sa dibdib .
"Tigil tigilan mo ko winston ! Ang lakas ng trip niyong mag-ama ! Kung di ko kayo naalala pa siguro para akong tanga na kakaisip ! Geez " reklamo ko at saka sumandok ng ulam at kanin . Sumabay din sila .
Si winston ay isang single parent . Namatay ang asawa niya nung ipinanganak niya si alexandra . Nandoon din ako sa hospital non nung ipinanganak si alexandra at paano gumuho ang mundo ni winston . Ako lang kasi ang kaibigan ni winston at ni Jeraline . Ako pa ang medal of honor nila kasi ako ang dahilan kung paano sila nagkita pero sadly di sila nagkaroon ng happy ending kaya nung namatay si Jeraline , may binilin siya sa akin na alagaan ko daw ang mag-ama niya . I accept it . Nasa america pa kmi magkakilala ni winston at hanggang sa nabalitaan ko nalang na umuwi siya kaya ayun nalafocus na ako sa modeling career ko pero i miss them a lot .
"Kamusta ang pag-uwi mo dito ? " tanong niya sa akin habang ngumunguya . Di pa rin nagbabago ang taong ito . Kumakain pa rin na may laman ang bibig .
"Okay lang sana ako kung hindi kayo nagbiro ng ganoon " reklamo ko sa kanila at saka umirap . Bago ako sumubo ng kanin ay agad nagtanong si Alexandra . My one of my inaanak .
" Tita sino ba yung nasa labas tita ? He looks so serious when he ask you about us ? " Tanong ni alex habang inalalayo niya sa pinggan niya ang beans . She hate beans by the way .
"ah siya ba ? .. " Di ako makasagot . Aba mahirap sumagot ng ganiyan kung di mo alam kung ano ka sa taong mahal mo . Kung bestfriend zoned ka o friendzone .
"K-kaibigan ko ? " Saka ako pasimpleng uminom ng tubig . Nararamdaman ko kasing nanunuyo ang lalamunan ko .
"Kaibigan ? Eh bakit patanong ? " tanong ni winston habang sumusubo ng kanin . Napaka tsimoso nitong unggoy na ito .
" Eh bakit ka tanong ng tanong ?! Kumain ka na nga ! Ang dami pang satsat mamaya mabulunan ka " pagkasabi ko ay nabulunan talaga siya . Dali dali akong tumakbo sa pwesto niya at saka Hinagod ang likod niya . Si alexandra naman tawa ng tawa sa kalokohan ng daddy niya . Hay pasaway talaga ang mag-amang ito . Nasusuffer na ang isa tumatawa pa .
Nang makabawi si Winston sa pagkabulunan niya ay agad siyang Tumawa . Binatukan ko agad siya .
"Ang lakas ng trip niyo sa akin ! Di na kayo naawa ! Oy Winston makikitulog ako ah ? Since nandito na ako . Aba sulitin ko na . " sabi ko sa kanya at saka nagtali ng buhok . Lumabas ako sa kusina. Narinig ko pang sumigaw ng
" honey yung brief ko nasa labas , paki tanggal nalang thank you . I love you na din " tapos ayun humagalpak ng tawa . Kung hindi yun loko loko siguro matagal na akong nabwisit sa lalakeng ito .
" oo na ho honey " Pagsakay ko sa trip niya . Binuksan ko ang pinto papunta sa labas para kunin ang damit ko na gagamitin para sa gabing ito . Pagkalabas ko ng pinto ang siyang pagbungad sa akin ng malakas na ulan at saktong pagkapasok ni luhan sa loob ng sasakyan .
I feel guilt and also naawa ako kay luhan . Di dapat siya nagpapabasa sa ulan .
Tatakbo sana ako para lumusong sa ulan ng hilain ako ni winston .
" you already know na umuulan pero susugod ka . Your so Idiot Christine " sabi niya at pinitik ang noo ko . Susuntukin ko sana siya nang Ibinigay niya sa akin ang payong .
" oh ayan ! Para di ka magmukhang tanga sa pagkuha ng brief ko sa labas " pagkasabi niya sa akin ay agad siyang pumasok at sinarado . Alam niyang ihahampas ko ang payong sa kanya napatawa nalang ako sa ginawa niya .
Binuksan ko ang payong at lumusob sa ulan . Titignan ko sana si luhan sa sasakyan niya ay wala na ito . Nakita kong nakalayo na iyon .
"Luhan .. " yan nalang ang naibulong ko habang tinitignan ang sasakyan niyang nawawala sa aking paningin kasabay ang pag-agos ng luha ko sa aking pisngi .