pang labing-lima

2 0 0
                                    

Her Point of View

3 days..

Wala akong kain , tulog at halos di na ako makaluha . Siguro pagod na ako sa kakaantay na may tutulong pa sa akin, na darating pa siya sa akin .

Naubusan at napagod na ang mga sistema ko . Gusto ko nang sumuko . Di ko alam kung bakit ganoon si luhan . Di na niya ba ako mahal ? Kahit konting pag-aalala o pagtataka kung may model ramp ako ? Di din ba siya nag-iisip na Photoshoot ang ipinunta ko dito at magbakasyon at hindi magpakamatay . Lalo na magmomodel ramp ? Di niya ba naisip iyon ? . Di ba siya nanood ng TV ? . Bakit ang tanga niya ! Bakit sa kanya pa ako nainlove ! Kunh pwede lang sana kina winston o kay lance .

Alam ko , atensyon lang ang habol ko . Inaantay ko lang na pansinin niya ako . Hindi yung baliwalain niya ako . Kaibigan niya pa rin ako .

"Aba ! Kahit walang kain o tubig . Maganda ka pa din . " Sabi ng isang manyak na halos sa loob ng tatlong araw di niya ako pinapalagpas . Halos mahubaran na nga ako dahil nahuli siya ng kasamahan niya na hinuhubaran ako . Kahit ganoon ay may pasasalamat ako sa dalawa . Binantayan nila ako kahit wala akong kain o tubig .

" tumigil ka sa kamanyakan mo ! May pera ka diba ? Umalis ka ! Maghanap ka ng kachupaan mo doon ! " Banta ng isa at saka napalayo nalang ang manyak na lalake . Napabuntong hininga ako . Napansin nila iyon at saka Hinarap ako .

" Oy babae! Sa tinggin mo darating ba ang Superhero mo ? Bat ang tagal ! Wala ka yatang superhero ! " sabi ng isa habang naninigarilyo . Tinignan ko lang sila at saka sumandal .

"Bat di ka sumasagot ?! " pagalit na tanong niya sa akin kaya napalingon ang isa at binatukan pa .

" Tanga ! Dahil sa kakahithit mo ng sigarilyo nabobo ka na . Kita mong may tape ang bibig ! Uso kayang tanggalin ang tape ! " Sagot ng isa at nakatikim siya ng Tadyak sa tiyan . Hinayaan ko lang sila at saka napatingala .

'Anong meron sa akin at kung bakit wala man lang nakakaaalala sa akin ? Ganyan ba sila ? Hahayaan nilang mawala ako at makita sa daan na walang buhay at saka sila iiyak kung bakit ako ganoon ? My life is so unfair ' Kanina pa ako salita ng salita sa isip ko . Kinakausap ko na kung sino sino pati pa ang sarili ko . Di naman ako baliw . Wala lang akong makausap .

"Butyok ! Parang wala naman na darating sa babaeng ito eh ! Sigurado ka bang Model yan ? Eh bakit hanggang ngayon wala pa ring Sumusundo sa kanya ? Aba ! Pre ! Ayusin mo may anak pa ako . Sumunod lang ako sayo dahil sa nangangailangan ako para sa pag-papagamot ng isa kong anak na babae . " May halong lungkot na sabi ng lalake .

"Parehas tayo ng pangangailangan kaso sa akin sigarilyo lang . Nagmamahal na ang sigarilyo ngayon ! " Sabi pa ng isa na si butyok daw .

" Ano na ? Ano ang gagawin natin sa babae ? Mababaliw lang yan . " sabi ng isa habang ramdam kong nakatingin sila sa akin . Nakatingala lang ako . Wala lang nakakangawit kasing nakayuko .

" Di ko alam pre eh may naiisip ka ba ? Dalian natin bago manyakin pa ng isa pa nating kasama yan . Kawawa pa rin yan . Ayokong matulad ang anak ko sa kanya " Dugtong niya habang nakatingin ang dalawa . Iniisip siguro nila na baliw na ako .

Eh sino ba naman mababaliw sa sitwasyon ko . Kulang na nga lang madedo ako eh .

"May naisip na ako " bigla akong napapikit sa sinabi niya . Kinituban ako bigla sa sinabi nila .

Kahit di naman nila sabihin ganon at ganoon din ang hantungan ko . Wala akong alam sa pangyayari pero alam kong ito ang destiny ko .

Narinig kong sumang-ayon ang isa at saka ko narinig ang mga yabag nila paalis . Tahimik lang ako sa pwesto ko .

Habang tahimik ang paligid ko ay kusa namang nagsituluan ang mga luha ko .akala ko wala na akong mailuluha pa pero ano ito ? Meron pa ?

'kung meron man nakakarinig sa akin , kayo na ang bahala . Mamatay ako ng malungkot at di mahal ng taong mahal ko . Mas okay na yun kaysa masaktan pa ako . '

Replacement LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon