Jessica POV
Aray! Ano ba 'yan ang sakit ng ulo ko. Naalala ko na naman yung lalaki kanina sa mall. Aish. Badtrip yun! Teka nakauwi na kaya yung unggoy 'kong kapatid? Masermunan nga. Tch
Bumangon na ako sa kama malamang alangan naman sa sahig? Tsk. Hay ano ba yan nauuhaw talaga ako makapunta ngang kusina.
Lakad
Lakad
Lakad
Ayan sa wakas at nakarating 'narin. Kumuha na ako ng tubig at ininom ito. Hays salamat.
"Maam!"
"Ay pwet ng kabayo!"
Aba letse 'tong katulog nato ah. Manggulat ba naman. Iuntog ko mukha niya eh.
"BA'T KA BA NANGUGULAT?" Sigaw ko 'sakaniya. Letse kasi eh.
"Sorry po maam"
"Ano 'bang kailangan mo?"
"Ah eh, maam dadating po sina madam at sir bukas"
Ows. Really? Tch.
"Wala akong pakialam kaya pwede ka nang lumayas!"
"Okay po maam" Sabi ng katulong at umalis na.
Harsh ba? Tch. Hate ko talaga mga katulong dito sa bahay kasi mga plastik, yung tipong pag nakaharap ka andaming sinasabing mga papuri pero pag nakatalikod ka andaming sasabihing hindi maganda sayo. See? Gusto mo yung ganun? Mga pisti talaga. Ang sarap nila itapon sa basurahan kasama ng kanilang mga kamag-anak! Tch.
And wait.. Dadating pala bukas sila mama't papa? Oh well wala akong pakialam 'sakanila. Eh sila nga diyan walang pakialam 'saming dalawa ni Tiff edi wala 'nadin akong pake sakanila para patas problema ba yun? Puro nalang sila business eh ba't hindi nalang kaya nila pakasalan yang business na yan? Nang magtanda sila!
*Ding Dong Ding Dong*
Oh. Baka si Tiff 'nayan?
Pumunta ako sa labas para tignan kong sino yung nag dodoorbell, mamaya diyan eh magnanakaw pala yan. Binuksan ko na ang gate and speaking of my sister there she is.
"SANG LUPALOP KA BA NG MUNDO NANGGALING HA TIFF BUENAVISTA. KANINA PA KITA HINAHANAP. TINATAWAGAN KITA PERO CANNOT BE REACHED KA. ANO BANG NANGYARI? PINAGALALA MO AKO!"
Sermon ko sa magaling 'kong kapatid. Kasi naman kanina ko pa yan tinatawagan pero hindi sumasagot sa mga tawag ko nakailang text messages 'narin ako pero wala akong replies na natatanggap kainis kasi yung ganun.
"Sorry ate" Sabi niya ta's dire-diretso nang pumasok sa loob. Walang galang na bata. Psh
But wait? Why she looks so down? Or should I say sad? May nangyari ba na hindi ko alam?
Bryle POV
I'm here at my condo unit, ginagamot yung sugat 'kong sinuntok nung bwesit na babae kanina. Makita ko lang talaga ulit siya talagang ipapamukha ko 'sakaniya na hindi dapat kinakalaban ang isang "BRYLE GONZAGA" Ako pa talaga kinalaban niya? Pwes mali siya ng binangga dahil hinding-hindi ko siya uurungan.
*Ding Dong Dong Dong*
Pisti! Sino ba yang nagdodoorbell sa labas? Kainis! kitang ginagamot ko pa 'tong sugat ko.
"SINO YAN?" Sigaw ko. Kairita.
"Magnanakaw po ako. Pwede po ba magnakaw ng mga gamit niyo?"
-___________- Sa boses pa lang kilalang-kilala ko na. Si Bryan sino pa ba. Ulol talaga ang lalaking 'to. Aba may magnanakaw bang humihingi pa ng permiso sa nanakawan niya? Ulol lang talaga. At tsaka bakit naman yan nandito. Hayss. Panigurado mangungulit na naman yang bwesit na yan 'sakin. At naku panigurado pag nakita niyang may sugat ako sa labi at pag nalaman niyang ang dahilan ay sinuntok ako ng babae? Paniguradong pagtatawanan ako ng gunggong na yun.
"Ulol mo Bryan. Wag mo akong jinojoke time baka mapatay kita ng wala sa oras!"
"Oo nalang brad. Tss.. Hindi mo ba kami papapasukin?"
Binuksan ko na ang pinto at tumambad 'sakin ang dalawang aswang! De joke sina Alex at Bryan lang naman ang tumambad 'saking harapan pagkabukas ko ng pinto ng condo unit ko.
"Yow! Bryle!" Pambungad ni Bryan 'sakin saka siniko ako. Aray! Bwesit 'to ah.
"Ano ba! Wag mo nga akong sikuhin! Papatayin na talaga kita Bryan!" Pagbabanta ko 'sakaniya. Mukhang natakot naman. Hahahahaha.
"Oo na pasok na nga tayo"
Aniya tapos humiga sa couch. Aba feel at home 'tong lalakeng 'to ah. Ang kapal!
"Hoy gunggong! Wag kang feel at home diyan sisipain talaga kita palabas!"
"Oo na. Teka brad ba't may pasa ka? Siguro sinuntok ka sa kalye dahil napagkamalan ka nilang magnanakaw tama ba ako? Hahahaha."
Papatayin ko na talaga 'tong gago na 'to. Sa gwapo kong 'to mapagkakamalan akong magnanakaw?
"Sa gwapo kong 'to? Mukhang magnanakaw? Suntukin kitang gago ka!"
"Ang hangin mo masyado brad. Tss.. Pero sino ba talagang sumuntok sayo?" Tanong naman nitong si Bryan.
Sasabihin ko ba? Baka pagtawanan lang ako ng gagong 'to. Bahala na nga. As if I have a choice. Si Bryan na yan eh. Talagang hindi ka titigilan niyang gagong yan.
"Sinuntok ako ng isang babae."
Limang mga salita lang yan pero napatawa ko ang gagong 'to. Expected ko naman yan eh.
"Grabe as in babae talaga brad? Hahahahaha fvck! Hahahaha!"
Grabe naman 'tong gunggong nato kung makatawa parang wala ng bukas.|
"Walang pakialamanan"
"Naku sabihin mo nga 'sakin Bryle ang buong kwento. Hahahaha grabe hindi 'parin ako makarecover. Hahahaha. Imagine sinuntok niya ang isang BRYLE? Hahahahaha"
-________________________- Naiinis na ako sa pisti na 'to. Tinapon ko nga 'sakaniya ang nakuha 'kong sapatos. Ayun sapul sa mukha. Hahahaha.
"Aray naman Bryle! Ang sakit ng mukha ko aray. Huhuuhu"
"Buti nga sayo."Hahaha. Nakakatawa tignan si Bryan parang paiyak na. Tch. Para siyang bading.
"Hoy! Parang hindi ako nag-eexist sa inyo." Alex. Ui. Nagsasalita pa pala 'to. Akala ko na pipi na.
"Buti naman nagsalita ka na. " Pa cool kong sabi aba inirapan ako ng gago bakla ba 'to?
"Tanggalan kita ng mata gusto mo?" Pagbabanta ko.
"Oo nalang." Aba wala talagang modo 'tong lalakeng 'to.
"Brad diba pasukan na bukas?" Sabat naman nitong si Bryan mukhang nakarecover na yata sa pagtapon ko ng sapatos sakaniyang mukha. Buti nga 'sakaniya yun.
"O ano okay na ba mukha mo?" Sabi ko in sarcastic tone ta's nag smirk 'sakaniya.
"Tss. Pero seryoso brad pasukan na bukas wala pa akong mga gamit. Huhuhu samahan mo ako brad."
"Tumigil ka nga diyan sa kaartehan mo! Tapos na akong mamili nung last week pa kay Alex ka na lang magpasama kung gusto mo!"
"Damot talaga basta Alex samahan mo ako ha." Aniya ta's nagpout pa. Yucks. Kadiri 'tong lalaking 'to. Bakla yata eh.
"Oo nalang. Tch."
"Yehey!"
-______- parang bata talaga 'tong si Bryan. Gago talaga.
"Bahala na nga kayo diyan!" Sabi ko ta's pumuntang kwarto matutulog muna ako.
Pasukan na bukas. Bwesit! Kapagod kayang mag-aral! Tsk. Bahala na.
A/N: Lame update. Tinatamad talaga ako promise. Alex and Bryan on multimedia.
BINABASA MO ANG
It Started With A Deal
Novela JuvenilNagsimula sa pustahan dahil sa isang pabor na buhay ng 'kaniyang kapatid ang nakataya. Pumabor din kaya si Kupido at ang tadhana?