HMHC.22

930 30 2
                                    


Lohan's P.O.V.
Kung sasabihin ko na masaya ako, nag sisinungaling ako.

Ang totoo kanina pa ako di mapakali.

"Easy. Walang mangyayaring masama. Di'ba baby?" haplos at kausap ko sa mga anak kong nasa sinapupunan ko pa. "Magiging okay lang ang daddy niyo. Makaka uwi siya nang ligtas. Magiging hari pa siya at makikita ka pa niyang mag asawa." sabi ko.

Sinasabi ko ito dahil sa totoo lang ay natatakot na ako. Sobra ang takot ko. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.

Para hindi ako ma inip ay lumabas muna ako nang palasyo at nanatili sa hardine. Nag padala nalang ako nang ilang tela na iba-iba ang kulay, karayom at mga sinulid na ayon sa kulay nang mga dinala nilang tela.

Sinimulan kong tabasin ang mga tela ayon sa sukat nang mga guide sa pag gawa nang damit nang sanggol na nakita ko sa internet.

"Hanapin niyo ang ibang nasugatan!" sabi nang isa sa mga batallion leader nang mga mandirigmang engkanto.

Sa paligid ay puno nang mga sugatang mga ordinaryong engkanto.

Sa di kalayuan ay nag simula ang sigawan. Parang may mga dumating.

"Anak nang Diyosa nang Buwan! May mga Lamang lupang sumusugod sa banda doon!" nag mamadaling sabi nang isang galing sa direksiyong tinuro.

"Ano? Nasaan na ang iba pa? Kamusta ang mga engkanto doon?" sabi ni Lucian.

"Madami na po ang namamatay sa mga mandirigmang engkanto nang palasyo at sa mga mamamayan. Madali kayo! Iligtas po natin sila!" sabi nito. Buhat doon ay binuka ni Lucian ang kanyang pak-pak at buong kisig na lumipad.

Narating nila ang kinaroroonan nang mga dumating na maninila.

May dala silang mga malalaking martilyong espiritwal. Iyon ay tinawag na espiritwal dahil sa dami na nang binawian nang buhay gamit ang mga sandatang iyon.

Kitang kita ko ang pag tursit nang dugo at mga lamang bungo nang nagkaka lasog na bao namg ulo sa tuwing may mamalasing tamaan noon partikular na ang mga ordinaryong Mamamayan.

"Ihinto niyo 'yan!"  sigaw ni Lucian. Binalot ako nang takot.

Masasama at walang awa ang mga ito at natatakot ako. Natatakot akong makita ang pinaka kinatatakutan ko.

"Anak nang buwan!" malagim na sigaw nang isa.

Parang slow motion ang nangyari.

Na sapok nang martilyong malaki sa ulo si Lucian. Durog at nag pisitan ang mga lamang bungo nito sa lupa at hangin kasam nang mga lasog-lasog na bungo nito.

"Lucian! Lucian hindi! Hindi! Huwag!" sigaw ko pero kahit anong sigaw ko ay tila ba walang nakaka rinig sa akin.

"Prinsesa! Prinsesa gising!" napa balikwas ako nang bangon nang marinig ang pamilyar na boses.

"Sic?" sambit ko habang hinihingal.

"Nananaginip ka nang masama kamahalan. Anong nakikita mo?" sabi niyo.

Nayakap ko ang sarili at napa iyak.

Natatakot ako...
.....

HEAR MY HEART CALLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon