HMHC.25

899 36 1
                                    

Lohan's------------P.O.V.

NAGISING NA NAMAN AKO SA ISA'NG DI PAMILYAR NA SILID. Masakit ang ulo ko. Masakit ang bawat himay nang katawan ko. Masakit kahit ang mga mata ko. Hindi ako maka kilos and hell.. Nag ulanan ang lahat nang mga ala-ala sa isip ko at nag si dagsaan ang sakit sa dib-dib ko. Naramdaman ko nalang ang pag lalandasan nang mga luha ko sa pisngi at tungki nang ilong ko.

"Lohan.." -- banayad ang boses ni Sic nang tawagin niya ako na siya'ng nag palingon sa akin. Nakita ko ang pag labas niya sa C.R na nasa kaliwa'ng bahagi lang nang kuwarto'ng kinaroroonan ko at sa harapang direksiyon ko ay bintana haba'ng sa kanang direksiyon naman ay pinto palabas. I knew it since iyon ang karaniwang disenyo nang hospital. Ganoon din pala dito sa Hiranea.

"Ano'ng nangyari? Bakit nandito ako?" -- tanong ko sa kanya na ngayon ay mabilis lamang naka lapit sa akin gamit ang lumulutang niya'ng sarili. Mayayabang ang mga gaya niya'ng engkantado dahil sa kakayanan nila'ng mag palutang sa sarili nila that made them no need to walk anymore. Sa ganoong paraa naka lapit si Prinsipe Sic sa akin.

"Nawalan ka nang malay. Sobra'ng stress mo at kakulangan nang tubig sa katawan. At saka..." -- pambibitin niya. Para ba'ng nananantiya pa bago sabihin ang huli niya'ng sasabihin.

"At ano?" -- sabi ko. Pinunas ko ang mga luha sa pisngi ko at suminghot dahil sa sipon na na stock sa ilong ko bunga nang iyak ko.

"You need to take care...., I mean extra care from now on dahil hindi lang ikaw ang dapat mo'ng isipin mula ngayon.." -- kinutuban ako sa mga pinag sasasasabi niya. Saka sumagi sa isip ko ang huli niya'ng sinabi kanina bago ako nawalan nang malay.. Kung yun nga talaga iyon..

"You mean...," -- di ko na-tuloy dahil pinutol niya ang sasabihin ko.

"You're Three and a half months Pregnant Princess." -- para'ng may kung ano'ng kasamang tunog ang kasasabi niya lang na salita na nag e-eko sa tenga ko. Na hugot ko ang hininga ko'ng hindi ko namalayan na bunga pala nang pag singhap ko kanina. Para'ng binubundol ang kung ilang ulit ang dib-dib ko nang kung ano'ng bagay. Malalakas at para ba'ng nag iiwan nang after shock.

"Buntis ako? Paano? Ke..kelan..?" -- hindi ko makapaniwala'ng saad. Buntis ako. Hindi ko lang alam. Ibig ba sabihin tinamaan na ako una'ng beses palang na may nangyari? Pero paano na? Wala si Lucian. Paano na kami nang anak ko? Bumigat ang dib-dib ko at nag ka bikig ang lalamunan ko.

"Wag ka masyado'ng mag iisip Lohan.. Makaka sama sa bata." -- sabi ni Sic nang ma halata ang nag babadya ko'ng luha. Nakita niya na iiyak na naman ako. Nasaan na ba kasi siya.? Bakit wala pa siya? Ano nang nangyari sa kanya? Okay lang kaya siya? "Sino ang babae'ng yan?" ang tangi'ng na aalala ko. Hindi ko alam kung totoo'ng narinig yun, kung kailan at kung tunay ba'ng siya ang nag sabi noon. Pero pusible kaya na hindi na niya ako natatandaan?

Ano ba kasi talaga ang nangyari?

Bakit wala siya?

"Si Lucian.." -- hindi tanong ang nasa boses ko. Pero hindi ko sinadya na hindi mag himig tanong iyon. Masyado nang masakit ang puso ko.

"I'm sorry.. Wala pa kami'ng balita sa kanya at sa Babae'ng iyon. Sabay sila'ng nawala kaya malakas ang kutob ko na ang baabe'ng iyon ang kumuha sa Anak ni Naruhara." -- sabi ni Sic. Hindi siya naka tingin sa akin kundi sa iba'ng direksiyon at seryiso'ng-seryoso. Malikot ang mga mata nito at mukha'ng nag aalala.

"Sabi na nga ba! Sa simula palang alam ko na na hindi siya mapapagka tiwalaan!" -- nang-gigigil ko'ng sabi. Totoo naman. Mula palang noong umpisa ayaw ko na sa kanya. Hindi maganda ang kutob ko. Mainit agad ang dugo ko sa kanya. At ngayon, nangyayari naman ang mga kinatatakutan ko.

HEAR MY HEART CALLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon