Chapter 30

130 7 5
                                    

Thalia's POV

Nagtatalo ang isip at katawan ko. Sabi ng isip ko, "Hoy Thalia pumunta ka sa restaurant mo mamaya!". Sabi naman ng katawan ko "Wag dito ka na lang please tinatamad akong bumangon". Hay jusko...

Actually 3:00 am pa lang. Madaling araw pa lang kaso eto gising ako. Bigla akong nagcrave for hmmmm... cucumber.

Kaso nagdadalawang isip ako kung babangon ba ako at kukuha ng cucumber o wag na lang. Kasi feeling ko once na bumangon ako susuka ako.

-

Okay hindi ko na kaya. Nagtakbo ako sa cr dahil oh my gosh sumuka na naman ako. Parang ewan lang yung tummy ko. Wala naman akong kinakain gaano tapos hay...

"Mahal anong nangyari sayo!?" hysterical na tanong ni Nathan

"Wala Mahal, sumuka lang ako"

"Magpa- check up ka na kaya Mahal, kelan ka pa suka ng suka"

"Check up agad? Hindi naman siguro kailangan Mahal, sadyang marami lang siguro yung nakakain ko kaya ganon"

"Sige Mahal, pero kung may naramdaman kang iba magsabi ka"

"Okay Mahal,, uhmmm kuha mo kong cucumber sa baba"

"Oh sige cucum---CUCUMBER!???"

Ang OA ah. Para cucumber lang tsk tsk tsk

"Bakit grabe naman ang reaction mo Mahal, para cucumber lang"

"Sigurado ka?"

Napairap na lang ako. Mukha ba kong hindi sigurado? Eh kitang 3:00 am pa lang.

"Oo nga Mahal"

"Pero wala tayong cucumber sa baba" sabi nya. What? As in walang cucumber sa baba? Tell me why~

"Huh? Bakit?"

"Ayaw mo nun ah. Maamoy nga lang ang pipino para kang nakaamoy ng patay"

"Pwes nagbago isip ko. Gusto ko na sya. Bumili ka Mahal as in now na"

"Wala pang bukas na store ng ganitong oras"

"Edi humanap ka! Chuppi nga wag kang makalapit lapit sa akin hanggat wala kang dalang cucumber!!"

-

Third Person's POV

Dumadampi sa balat ni Nathan ang malamig na simoy ng hangin ngayong madaling araw. Naghahanap sya ng pipino.

"Saan ba makakabili ng pipino ngayong oras na to?"

Tumawag sya kay Tristan

"Brad saan ba nakakabili ng pipino sa oras na to?"

(Brad naman ako pa tinanong mo, alam mo namang wala akong alam dyan)

"Ganon ba? Tanong mo nga kay Sapphire"

(Sige, pero bakit ka ba naghahanap ng pipino?)

"Gusto ni Thalia, at wag daw akong lalapit sa kanya hanggat wala akong dalang pipino"

(Hahaha brad, naka drugs ba si Thalia at gusto ng pipino? )

"Hahaha hindi naman siguro"

"Sa palengke daw brad makakabili ng pipino sa ganitong oras"

"Sige brad salamat!"

-

Habang nasa palengke si Nathan si Thalia naman kanina pa nakaharap sa laptop.

Intersecting HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon