Chapter 33

84 7 0
                                    

Saan ba madalas dinadala ang mga nakikidnapped?

Hindi bat sa abandonadong building?

Pwes hindi ko sya dinala dyan ! Allergic ako sa mga luma *irap*

'Eh bakit si Nathan gusto mo eh galing na yan kay Thalia?' someone said. Oh I don't care! I want him at wala kayong magagawa. Kung maalergy man ako edi papatayin ko na lang sya.

Mabaliw sana kayo sa kahahanap bwahahaha...!

---

Nakasalagmak pa rin si Nathan sa tapat ng kanyang kotse sa parking lot ng hospital. Kasabay ng malamig na simoy ng hangin ang pagtulo ng punong puno ng lungkot nyang mga luha.

Kung kelan nga naman ligaya na ang nararanasan biglang umarangkada ang kalungkutan.

Saan nya ito hahanapin? Saan sya magsisismula?

"Nathan" wika ng isang babaeng bigla na lamang lumitaw sa unahan nya. Napaangat ang ulo nya at kinilala ang babae.

"B-Brianna?"

"Oo. It's the right time para malaman nyo kung sino ako. This is the right time para matulungan ko kayo"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam ko kung nasaan si Thalia, ang kakambal ko"

"Paanong? Kayong dalawa?"

"A very long story. Let's go iligtas mo si Thalia at ang parents namin. Here use this" inabutan nya ng 45 calibreng baril si Nathan.

_

Sa kabilang banda nadaanan nila Brianna at Nathan si Sapphire. Maraming bahid ng dugo ang damit at katawan.

"Sapphire!!!" tawag ni Nathan

"Nathan *crying* andun sila sa venue ng reunion natin. I tried to save Tristan noong nasa company palang pero may katanang (katana po ay yun yung sword na gamit ng mga samurai) dala yung mga dumukot sa kanya.

"Ako may kasalanan nito. Dapat hindi ko pinayagang mag isa si Thalia. Dapat hindi nakuha pati si Tristan" nagsisimula na naman syang umiyak

"Nathan wag mong sisihin ang sarili mo dahil kahit anong pigil ang gawin natin mangyayari at mangyayari iyon"

"Tara na kailangan nating bilisan. Malayo pa ang pupuntahan natin"

__

Sa loob ng isang napakalawak at pagkaganda gandang mansion ay may selda na gawa sa matitibay na metal sa gitna.

Sa gilid nito may mga malalaki at matatalas na circular saw blades na kung sakaling mahulog ka mula sa itaas tiyak na magkakalasog lasog ang katawan mo.

Sa taas ng mga circular saw blades ay may chandeliers kung saan kasalukuyang nakasabit ang mga magulang ni Thalia at Tristan. Samantalang ang dalawa ay nakaposas paa at kamay sa loob ng selda.

Sa labas ng mansion, bagamat walang bantay punong puno naman ng mga lasers.

-

'Nasan ako?' tanong ni Thalia ng mga oras na nagising sya. Nais nyang gumalaw ngunit hindi nya magawa pagkat nakaposas sya. Bigla nyang naalala ang mga pangyayari kanina.

"May tao ba dyan? Pakawalan nyo ko!! Nagmamakaawa ako pakawalan nyo ako!" Labis na takot ang bumabalot sa kanya lalo pa't alam nya na may isang buhay pa syang kailangang protektahan. Mas lalo pang tumindi ang kanyang takot nang sandaling igala nya ang kanyang mga mata sa lugar.

May chackram sa tabi ng kinalalagyan nya. May mga katana at mga baril sa dingding.
"Diyos ko kayo na po ang bahala sa amin. Alam ko pong hindi nyo kami pababayaan lalo na po ang magiging anak ko. Lord alam kong darating po si Nathan. Please do help him. Salamat po. Amen"

Intersecting HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon