Chapter 41

87 6 6
                                    

Walang bagay ang makakapantay sa kasiyahan ng isang ina kapag nasilayan na nya ang kanyang anak. Hindi napigilan ni Thalia ang mapaiyak dahil sa kasiyahan nang makita na nya ang kanyang kambal.



"Nathaniel... Nathalia...mga anak ko," sabi nya. Kakaibang saya talaga ang dala ng mga bata sa kanilang ina.



After nine months sa wakas nakita mo na ang baby mo..



But wait, asan na si Nathan?



"Kamusta si Nathan?," tanong ng Mama ni Thalia sa Mama ni Nathan.



"Hindi nagbabago ang taas ng lagnat nya," nakaconfine din dito sa hospital kung saan nanganak si Thalia, si Nathan.



"Thalia mahal na mahal kita pakinggan mo ako nakikiusap ako,"



Yan lang ang maririnig sa kanya, sa sobrang taas ng lagnat nya nagha- hallucinate na sya.



-




Halos madulas na si Trixie habang papasok ng hospital. Agad syang pumunta sa may nursery section. Doon nya naabutan lahat sila, well except kay Nathan na nakaconfine pa.






Trixie's POV




Ang cute ng mga anak ni Bff. Naiiyak ako. Mas masaya dapat sila. Kaso nahuli ako kanina. Muntik ko pa ngang mabangga si bff.



Gagawin ko lahat ng kaya kong gawin mabuo lang ang pamilya ng mga inaanak ko. Hindi ako papayag na magkahiwalay sila Bff at Why Nath Coco Nath. Alam kong mahal nila ang isa't isa.



"Pakalong nga ako Bff," si Nathalia ang kalong ko. Si Sis naman si Nathaniel ang kinalong.



My God ganito pala ang feeling na may kalong kang baby. Sorry muntik na kayong mawala dati noon. Buti na lang talaga naipanganak sila ng maayos.

Intersecting HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon