Chapter 34

84 6 10
                                    

"Gabriel?" tulalang sabi ni Thalia

"Thalia long time no see!"

"Wala kang puso pakawalan mo kami!"

"As you said earlier wala akong puso so why would I let you go?"

"Tan*na mo Gabriel! Wag mo silang sasaktan" galit na sigaw ni Tristan

'Seeing the both of them with angry eyes makes me feel that this revenge would be so much exciting' nasa isip ni Gabriel

"Ano bang gusto nyo ha!?" galit na tanong ni Tristan

"Hmm..gusto ko lang namang patayin ang mga dahilan ng pagkamatay ng mga magulang namin, tapos patayin ang magiging apo nila at agawin ang asawa nya" sabi nya sabay sa dulo tumingin sya kay Thalia

"Bruha ka Trixie! Mamatay ka na!"

"Ah ganon huh!?"

*Nagpaputok ng baril si Trixie malapit sa chandelier kung saan nakasabit ang mga magulang ni Thalia at Tristan dahilan upang gumalaw ito*

Alam ni Thalia at Tristan na once na mahulog mula sa chandelier ang mga magulang nila, magkakalasog lasog ang katawan ng mga ito dahil sa circular saw blades na nasa tapat ng chandelier.

"W-Waggggg!!!!" humahagulgol na sigaw ni Thalia habang mahigpit na nakakapit sa mga rehas

"Wag na wag nyong sasaktan ang mga magulang namin!" sabi ni Tristan

"Sa gusto kong saktan at patayin! Wala ka nang magagawa don Brad" nangaasar na sabi ni Gabriel

"Mamatay ka na Gabriel! Dapat namatay ka na lang talaga! Damn you!!" sigaw ni Tristan habang nagpupumilit kumawala sa mga kadena at posas sa kamay at paa nya

"Huh? Anong sinabi mo !?"

*Nagpaputok sya sa loob ng selda nila Thalia at Tristan ng tatlong sunod sunod na putok ng baril*

"Ahhhh N-Nathan!!! Nathan..Nath--a.n" mga salitang lumabas mula sa kanyang labi habang umiiyak at nakatakip ang mga kamay sa tainga at nakapikit

"'Wag nyong sasaktan ang anak ko!!" sigaw ng tatay ni Tristan

"Ako na lang ang patayin nyo 'wag lang sila!" sabi naman ng tatay ni Thalia

"Eh sa gusto ko lahat kayo patayin ko..eh dahil sa nagvolunteer ka..uunahin na lang kita!" sabi ni Trixie

"Noooo!!! No! Not my father!!!"

"Oh..ang isang anak na poprotektahan ang kanyang ama. Nakakatuwa naman" nangaasar nyang sabi

"Trixie ayaw kong mawalan ng magulang. Masakit mawalan Trixie alam nyo yan!! "

"Oo alam namin "

"Pero bakit ganito gusto nyo pa ulit may masaktan? Bakit!? " sabi ni Tristan

"Para maramdaman nyo kung gaano yun kasakit!! "

"Pero nadadamay ang magiging anak ko!! "

"Wala akong pakialam! "

Kasabay ng mga kaganapang iyan sa loob ay ang paghihirap nina Nathan, Sapphire at Brianna na lampasan ang mga laser beam sa paligid ng bahay.

"Hindi ang mga magulang namin,hindi kami at lalong hindi ang anak ko ang may kasalanan sa pagkamatay ng magulang nyo ---"

Naputol ang kanyang sasabihin ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang tao, isang taong mahal nya.

"Dahil choice nila yun kung magpapakamatay ba sila o magiging matatag at aahon sa malalaking alon ng buhay"

Biglang inilabas ni Gabriel ang katana nya. Binaril naman ni Nathan ang dingding upang makuha ang isa pang katana sa dingding. Nagkatutukan ng baril sila Brianna at Trixie.

Sinamantala naman ni Sapphire ang nangyayari sa apat upang pakawalan sila Thalia. Gamay na gamay na nya ang mga pagbubukas sa seldang pinagkukulungan ng dalawa kaya naman mabilis nya itong napakawalan.

"Go now! Thalia be careful you're pregnant. Hon, may sasakyang nagaabang sa back door. Bilisan nyo na ,no matter what happens...tandaan mo mahal na mahal kita "

"Pero si Nathan/Mahal na mahal din kita"

"Don't worry Thalia. Go now! "

Halos masira na ang mga damit nila Nathan at Gabriel dahil sa pageespadahan nila.

Sinusubukan naman ni Sapphire na pahintuin ang mga circular saw blades nang bigla na lamang syang barilin ni Trixie sa binti. Napahiyaw sya sa sakit.

Marahas namang hinila ni Brianna ang buhok ni Trixie na papalapit kay Sapphire.

"You're such an evil creature Trixie! "

"Ikaw din naman. Wag kang magmalinis"

Sabay pukpok sa ulo ni Brianna dahilan upang napaluhod ito sa sahig. Naglakad naman ng pang miss universe si Trixie palayo kay Brianna.

"Putrages ka Trixie humarap ka rito! Hindi pa ko tapos sayong bruha ka! "

Humarap naman si Trixie at ikinasa ang baril nya. Nagkatutukan muli sila ng baril.

*bang* *bang*

Umalingawngaw ang magkasunod na putok ng baril natamaan sakto sa dibdib si Trixie at lumusot ang bala sa likod nya. Sa balikat naman natamaan si Brianna

"TAKBOO!!!!! " sigaw ni Nathan kila Sapphire sabay hiniwa sa pisngi si Gabriel

"YUKI!!!!! " sigaw naman ni Gabriel ng sandaling makita ang kapatid na bumagsak sa sahig patakbo nya itong  nilapitan nabitawan na nya ang kanyang katana

"Yuki! Yuki!  Gumising ka! Wag mong iwan si Kuya YUKI!!! "

"YUKI GUMISING KA!!!"

Humahagulgol na sabi ni Gabriel habang nasa kandungan ang kapatid nyang si Trixie.

Samantalang si Nathan naman ay lumapit kay Brianna.

"Brianna padating na ang mga pulis. Hold on"

"K-Kakayanin ko"

"Ahhhhhhh!!!! " humahangos na sinugod si Gabriel si Nathan

Kinuwelyuhan nya si Nathan at Ibinangga sa pader. Tinadyakan,sinipa at sinakal. Isang malakas na sipa naman ang natamo nya mula kay Nathan. Ipakan nya si Gabriel sa sikmuka.

Unang suntok (sa mukha) "Para yan sa paghihiganti nyo

Pangalawang suntok (sa mukha) "Para yan sa pagdukot mo sa magulang ng mapapangasawa ko at magulang ng bestfriend ko "

Pangatlong suntok (sa tyan) "Para yan sa best friend ko"

Pangapat na suntok (sa tagiliran) "Para yan kay Thalia! "

Inuntog sa sahig "Para yan sa anak ko!  Hayop ka dapat sayo mamatay! "

Sa bawat pagsuntok at paguntog sa kanya ni Nathan napapahiyaw sya sa sakit

Hinila ni Gabriel ang paa ni Nathan dahilan upang tumama ang ulo nya sa sahig. Napaungol sya sa sakit. Pinagsusuntok nya naman si Nathan.

Kinuha nya ang baril at binaril si Nathan. Isa sa tagiliran isa sa balikat at isa sa binti.

Naglalakad si Gabriel patungo sa bangkay ni Trixie nang pinilit bumangon ni Nathan. Ikinasa nya ang baril. Umalingawngaw ang tatlong putok ng baril na tumama and dalawa sa likod at isa sa ulo ni Gabriel.

EVERYTHING WENT BLACK 

Policemen and other rescuers suddenly came.




Intersecting HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon