Binisita ka ng doctor mo at sinabing after 2 weeks, pwede ka nang makalabas ng hospital. Nag didiwang ang EXO sa narinig nila. Finally, makakaaalis ka na sa nakakabanas na lugar na to.
---------------------------
Noong hapon ng iyong pagkabuhay. (a/n: jusko!! Ang banal pakinggan!! Rewind!!) Noong araw na nagising ka, bandang hapon. Dadalawin ka ni Chanho. Wala syang kaalam alam na gising ka na kasi wala naman silang contact ng EXO, di manlang sya mainform ng bodyguard mong artistahin. Nagulat nalang siya nung nakita ka nyang nakaupo at nakikipag tawanan sa EXO. Muntik na nyang mabagsak yung project na itutuloy nalang nya sa room mo habang nag babantay sayo. Pumikit pikit sya at kinusot ang kanyang mata.
"Na-N-Naaaamiiiiii!!!!!!!!!" Sigaw ni Chanho. Nilapag nya ang project at bag nya sa lamesita at sumugod sayo. Hinawakan nya ang kamay mo tapos nag iiyak ulit.
"Yaaaah~!!" Sigaw mo. "Gising na ako oh! Bat ka parin umiiyak!?"
"Halos tatlong linggo kang tulog!! Di mo ba alam namiss kita!! Akala ko di ka na magigising!! Bat ngayon mo lang minulat mata mo!!" Sigaw ni Chanho pabalik sayo.
"Ano?! Ta-tatlong linggo?" Nanlaki ang mata mo. Di manlang sinabi ng EXO-K sayong tatlong linggo kang patay este tulog. "Bat di nyo manlang sinabi sakin?" Tiningnan mo ang EXO-K sa mata. Umiwas sila ng tingin sayo. Napa buntong hininga ka nalang.
"So-sorry... Kasi masaya ka na eh, baka pag pinaalam namin sayo. Bigla kang malungkot." Sagot ni Suho. Yung mukha nyang puno ng pag aalala at sincerity, pano ka naman magagalit dun? Kahit bugbugin ka pa nya, keri lang!
"Ah... Okay lang. Di naman ako galit eh." Ngumiti ka sabay kamot sa batok. *Okay lang, 3 weeks lang naman eh.* 3 weeks mo lang naman na di nachecheck ang tumblr mo. Wala kang kaalam alam sa updates tungkol sa EXO baka nag comeback na sila. Grabe wala kang kamuwang muwang ng 3 weeks!! Halos isang buwan!!
Napa-gasp ka. Kaya nag tatakang tumitig sayo ang EXO at si Chanho.
"Nag comeback na ba kayo?" Tanong mo sakanila. *Sana hindi, sana hindi*
"Di pa nga eh. Hahahaha!! Tagal nuh?" Sagot ni Chanyeol. "Ipapaalam namin sayo pag mag cocomeback na kami. AT BIBIGYAN KA PA NAMIN NG SIGNED ALBUM!! PATI LAHAT NG PHOTOCARDS MERON KA WITH MATCHING PIRMA DIN!! TAPOS PATI POSTERS MO MERON!! LAHAT!! PARA SA PRINSESA NAMIN!! AHEHEHEHE!!!" Tumabi siya sayo at nag gagawa ng aegyo.
"TALAGA?!" Excited ka masyado. Tapos yung pag papacute pa ni Yeol di nakakatulong. Bias wrecker talaga. Anlandi landi pa. (a/n: ang cute mo talaga Channie. Di ako natutuwa sayo sa pag sira mo ng listahan ko. Pakyeol very much!)
"Oo naman syempre!!" Beam nya sayo (a/n: anung tagalog ng beam?)
Naiimagine mo palang na di mo na kailangan mag ipon/magpakagutom/magpakahirap sa pag bili ng album nila. Ansaya lang. May pirma pa! Ang mahal kaya nga ganun. Tapos instant na parang noodles, kumpleto ka na sa photocard!! Bago mo nakumpleto yung sa Mama nila. Napaka madugong proseso. *Sabi ni Chanyeol "LAHAT!! PARA SA PRINSESA NAMIN!!". Grabe, Edi ibig sabihi- Wait! Lahat.Para.Sa.Prinsesa.Namin. Namin. Tapos Prinsesa. Prinsesa nila. Bibigay nila lahat. Ako yung prinsesa. Ibibigay nila lahat para sakin. Si Yeol mismo nagsabi. Mamamatay na ako. Di ko na kaya. TULOOOONG!!!!!*
-Careless(whisper *is the lucifer*) Careless. Shoot anonymous anonymous.* Ringtone ni Suho, may nag cacall.
"Hello? Manager?" Sabi nya.
"Po? Ah opo sige. Ah Manager! Gising na si Nami!" Masaya nyang sinabi.
"Sige po sige po! Bye!" Paalam nya. *anu kaya yun? bat ansaya ni oppa* Isip mo.