Nung nakauwi ka na sa bahay bigla nalang nag call sayo si coordi eonnie. May biglaan daw na shooting ang EXO dahil biglaang nag desisyon si Mr. SM na sundan ng drama version and comeback nila. Ito ay iyong ikinabigla. (a/n: the eff)
Ang maganda nyan eh. Bukas pa kaya may time ka pa para mag pahinga. Pinag isipan mo narin maigi na, siguro posible namang mahalin si Chanho. Kung kpop artist naman sya malamang bias mo sya.
Kinabukasan, mag isa ka nalang pumunta sa pag kukuhanan ng music video ng EXO. Naakapag taka talaga kasi sobrang tagal na nung naleak yung kantang Wolf pero hindi parin narerelease ngayon. Tapos nanaman yung music video. Ngayon merong pautot ang SMent na drama version na Wolf. Wala namang malupit lupit na actress sa EXO. Actress, oo actress. Kinikilig ka na nung naiisip mong mag bibihis babae si Baekhyun tapos si Chanyeol yung lalaki. Mag kikita sila sa gubat, well di ko alam bat sila nasa gubat basta yon. Pero nung nasa may site ka na. Binasag ng realidad ang imahinasyon mo. Nasa harapan ka ng isang school kung san nag shooting ang TTBY. Pano isisingit ang pagiging wolf dito? Tumawag ka kay coordi para iconfirm yung address, and yes. Tama ka nga. Sinabi nya rin na pumunta ka sa may soccer field. Since hindi ka sanay sa lugar. Medyo naligaw pa ng konti kaya natagalan. Nakita mo na ang EXO. Naka jacket silang ewan tapos may soccer ball silang pinag aagwan, habang gamit ng kamay nila. Kamay. Di pa pala nag sisimula yung filming.
Nag silapitan sila sayo para batiin ka. Nag kwentuhan kayo ng konti pero tinawag narin sila ng director para simulan na ang shooting. Napansin mong hindi pala lumapit sayo si Sehun at Kai kanina. Si Kai naman, nag hahanda na para sa solo part nya. Nag 'hi' ka sakanya pero kinindatan ka nalang nya pabalik. Pinapanood mo lang sila sa tent na nilagay ng staffs. Pinaupo si Kai katabi ng isang babae kaya napa 'OHMAYGAD SINO SIYA?!' ka sa kinatatayuan mo. Naririnig mo yung instructions ng direktor sa kanila. Ang sabi lang naman nya eh halikan ni Kai sa pisngi yung babae. Nahirapan ka na huminga. Mag frefreak out nito ang mga EXO stans. Pinapanood mo lang sila. Andaming mali ni Kai na kung iisipin, wala pang 5 seconds yung part na yun. Paulit ulit tuloy yung kiss-scene. Na-enjoy lang?
Hawak hawak mo yung make-up kit na pang retouch sa EXO. Nung nag lalaro silang soccer, akalain mo yun, bawal makakita ng pawis sa camera habang nag aagawan sila ng bola. Kaya heto ka. Punas ng pawis dito. Lagay ng BB cream doon. Inaayos nyo din ang mga buhok nila. After nun, pinag palit na sila ng uniform. Halos dumugo na yung ilong mo nung time na yun. Yung feeling na isa ka pa sa mag aayos ng mga buhok nila. Napansin mong, oo, uniform, pero hindi talaga uniform kasi iba iba ng style, ang galing SMEnt. Ang galing. Kpop nga naman, asahan mo dyan. Pero si Luhan, black ang suot na jacket ulit. May double sya na bahala sa pag talon talon sa hagdan, then, tutumbling. Biglang eextra si Luhan pag harap. Pinapatalon din sya sa mga blocks dun. Bakit ba kailangan pa nyang tumalon at tumumbling kung tutuusin hinahabol na sya ng mga kalalakihan. Masyadong maganda eh, hinahabol ka tuloy. After 1 hour na pag film don, pinag palit ulit siya ng damit. Ang lugar naman sa classroom, nandun ulit yung babae. Wala syang kausap. Akala mo trainee din sya ng SM pero wala naman nabanggit si coordi sayo non. Sabi nya 'model' yun lang.
Lumabas muna kayo sa classroom habang nag fifilm sila. Makakasikip daw kasi kayo sa loob. Hindi mo na alam kung anung nang yari, di mo na gets kung anung flow nung story eh. Bawal sumilip sa pinto. Edi naextra ka naman. After nun pahinga na ang EXO. Sawakas! Mamayang gabi daw ulit. Kinausap mo si Sohee at nalamang mong model sya pero trainee rin under SMEnt. Kilala din daw nya si Hyejin pero hindi sila close at mukhang ilang sya pag usapan yon. Hindi rin nya gaanong ka-close ang EXO, nagulat nalang sya nung nalaman nyang sya na ang magiging leading lady. Para sa isang trainee, maganda ito dahil exposure na talaga. Pero ikaw bilang isang fan. Nag aalala ka rin dahil alam mong madami syang hate na matatanggap. Uso ang immature na fans sa EXO fandom at di mo naikakaila yan. Mabait si Sohee, parang si Hyejin din kaya nag tataka ka bakit kaya hindi sila malapit sa isa't isa eh halos iisa lang naman ang ugali nila. (Masyado pa sigurong maaga para mag judge)