Everything went black

136 5 3
                                    

(a/n:) = Authors Note (epal si author kumbaga)

*text* = Inside thoughts of a specific character.

---------------------------------------------------------

ISA KANG KPOP FANGIRL. CAPSLOCK NA YAN PARA INTENSE!!!

Sakasakaling inaayos mo ang gamit mo para sa fansigning event ng EXO-K bukas. Naiimagine mo palang silang nag lalakad papunta sa stage. Nag "Annyeong haseyo! We are one! EXO-K imnida!" Sabog na agad yang ovaries mo. Lalo na pag pinakita na ng asawa mo (ultimate bias) ang kanyang mala anghel na ngiti. Baka hindi mo na kayanin!!

"Kumalma ka wala pa!" Sabi mo sa sarili mo habang mabilis na pinapaypay ang mukha mo gamit ang iyong kamay. Naisip mong kailangan mo na palang ilagay ang mga dadalhin mong gamit sa bag mo.

"Payong? Check! Ay teka bat may payong eh sa loob ng mall yung event? Bahala na nga, malay din umulan pag uwi. Camera? Check! Pang ayos? Check! 

Ipod? Check! Wallet? Albums at posters? Check! Check! Panyo, earphone, suklay, chuchu? Check! Parang may kulang... Ay shetemebels!! Shonga shonga eh, yung cellphone ko!! Asan na ba yun." Hinanap mo sa drawer, sa side table, sa ilalim ng unan, sa may computer table. Wala. Napapakamot ka na sa ulo mo. Wala kang dandruff, sadyang ganyan ka lang pag may hinahanap. Naalala mong chinacharge mo nga pala sya sa likod ng upuan mo sa kwarto. Mabilis kang pumunta dun at kinuha ang overcharged na phone. Madaling madali mong inuunlock ang cp mo. -Sorry, try again- Dahil nga sa atat ka. Di ka marunong kumalma. Andami mong mali.

"Ugh!! Buset!!" Habang nag iintay sa cellphone mong nag dradrama. 20 seconds left.

"Hinga ng malalim, wag kang baliw. Cellphone mo yan at ikaw nagisip ng lock nyan. Bat di mo mabukas!" Sermon mo sa sarili mo.

"Ayun!! Ahahahaha! Nabukas narin kita." Madali mong tinawagan si Chanho. After 5 good seconds, sinagot na nya. Wow!

"Chanhurr!! Samahan mo ako bukas ah!!" Paalala mo.

"Oo na oo na, may magagawa pa ba ako? Alam ko namang mapapatay mo ako pag di kita sinamahan eh." Sagot nya. Narinig mo pa syang nag buntong hininga (a/n: Sigh yun dba? Sigh, hindi yung kumanta ng Gentleman.) 

Biglang may kumatok sa pintuan mo.

"Pssst, Chanho. Bukas talaga kala mo lagot ka sakin!" Huling bilin mo at binaba ang call.

Tumungo (lalim teh!) ka sa pinto at dahan dahang binukas . Nakita mo ang kuya mong kakauwi lang sa trabaho.

"Oppa!!!" Sigaw mo, at niyakap ang kuya mong mukhang pagod. Binigyan ka nya ng genuine smile. (mianhe anung tagalog ba dapat nyan XD)

"Kumain ka na?" Tanong nya. Umiiling ka. Sa totoo lang, kung ikayayaman ang pag kain. Milyonaryo ka na. Lafang here, lafang there, and everywhere. Pero pasalamat ka di ka tumataba. Buhay nga naman.

"Tara, bumili ako ng pagkain. Sabay na tayo." Niyaya ka ng kuya mo. Ansaya saya mo dahil kakain ka nanaman. Mabusog ka din naman pag may time. Nag hain ka. Nalaman mong pizza at lasagna pala binili nya. Waaaa!! Sarap!! (a/n: nagugutom ako potek)

Umupo ka na at ng kuya mo sa lamesa. Naalala mo ang fansigning event na pupuntahan mo bukas. Buti nalang walang pasok sa school at ang kuya mo eh nasa trabaho non.

"Bat ka ngumingiti?" Tanong nang kuya mong nag tataka.

"Hah? Wala, naiimagine ko lang kung gano kadaming pizza makakain ko ahehehehe!!!" PalusotMoSinoInutoMo.com.kr. (a/n: Nasa korea ka hah.)

Nginitian ka nalang ng kuya mo. Di mo alam, na aware sya sa pupuntahan mo bukas. Ayaw mo lang sabihin sakanya dahil against sya sa pagiging kpop fan mo. Hindi naman sa lahat ng group. Pero galit sya sa SMENT. Pero dahil sa kasiyahan mo yan, wala na syang magawa. Di mo rin alam bat ayaw nya sa mga yon. Siguro ex nya ang isang member ng girls generation. Or si BoA tutal may edad na kuya mo kahit papaano.

The Princess is a Knight in shining armor?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon