Say Yes~

20 1 0
                                    

Nasa may sment building ka dahil sinundo ka ni coordi sa school, syempre para simulan na trabaho mo. Di mo matingnan ng maayos si Kai dahil sa kaechosan nya madaling araw. Ewan mo nalang pero parang a-w-k-w-a-r-d. Nakaupo ka lang sa tabi ni Kyungsoo at nag papahinga. Pumpwesto si Kai sa harap mo at nginitian ka. Inirapan mo sya, obvious naman na nang aasar.

"Kamusta na likod mo Kai?" Tanong ni Suho.

"Okay na ako hyung." At nag thumbs up sya.

"Nakakapanibago na walang humahagok sa dorm." Sabat ni Kyungsoo. Natigil si Kai at tinuro ang sarili nya.

"Ako humahagok? Please~!" Sagot nya.

"Oo kaya humahagok ka." Sangayon mo kay Dyo.

"Talaga? Pano mo nalaman Park Nami?" Asar ni Kai sayo at kinindatan ka. Binato sya ni Sehun ng crampled paper na wag nyo na akong tanungin kung san nangagling ang papel dahil hindi ko alam kung san nya nakuha. Nasalo ito ni Kai at binato pabalik sa maknae. Babatuhin ulit sana ni Sehun pero kunuha na ni Suho ang papel, tiningnan nya ang dalawang maknae ng EXO-K at pumirmes na sila muli.

Kinuha ni Kai ang bag nya at may kinakapa don, maya maya nilabas nya ang isang plastic bag at winagayway sa harap mo. Naalala mong di mo nga pala nauwi yung binili mong pagkain kanina.

"Naiwan mo sa kwarto ko nung natulog ka sam- aghsjsbdskaak..." Tinakpan mo ang bibig nya at mabilis na inagaw ang plastic bag sa kamay nya. Tiningnan kayo ng EXO. Tiningnan mo si Kai ng masama at gumuhit ng linya sa leeg mo. *patay ka sakin.*

"Natulog saan sino?" Tanong ni Kyungsoo at nanlalaki mata nya sainyo. Sasagot na sana si Kai kaso inunahan mo sya.

"W-wag mo na intindihin yan si Kai. Nag iilusyon yan." Sabi mo kay Kyungsoo at tinapik ang balikat nya. Tiningnan mo ulit si Kai ng masama pero ngumiti lang sya sayo. Pinag mamasdan ni Sehun ang kakaiba mong kilos. Bihira kayo ni Kai mag usap, actually ngayon palang nya nakitang nag uusap kayo. Parang may tinatago kayo. #MedyoSelosNanamanSiSehun.

"Masyadong realistic..." Bulong ni Kai sa sarili.

"Nami, ready ka na ba?" Tanong bigla ni Kyungsoo.

"San?!" Panic mo at humarap sakanya. Parehas kayong nag lakihan ng mata.

"Sa concert ng SHINee, kalma..." Sagot nya sayo. Akala mo ikikick out ka na sa SMent dahil nalaman nang ikaw yung kasama ni Sehun dati.

"Ah! Oo nga pala. Eh? Di pa." Kumamot ka ng ulo at tinawag na na ni coordi para tumulong. Tumayo ka at bumalik ka na sa pag aayos ng damit nila. Kinuha ni Xiumin ang plastic bag na nilapag mo sa mesa. Merong mga gummy bears, chichirya at pepero na laman. Nag agawan silang lahat sa lamang pagkain. Bat nga ba nakikisiksik pa tong EXO dito sa room eh pwede naman silang mag stay sa pinag prapractice-an nila.

Pumunta sa gilid mo si Sehun at pinakagat sayo ang isang pepero stick tapos kinain na nya yung natira mo.... *What the?*

Humakbang pa sya ng konti papunta sayo.

"Noona..." Sabi nya, tumingin sya sa kamembers nya at nakitang nag kukulitan parin kaya binalik na nya ang atensyon sayo. Tiningnan mo lang sya at di sumagot. Nag tataka parin kung bakit tahimik ngayon si Sehun.

"Noona..." Ulit nya.

"Hmmm?"

"Noona, mag promise ka sakin." Bulong nya.

"Alin?"

"Basta mag promise ka."

"Ayoko nga, malay mo delikado yan."

"Hindi. Basta please~"

"Anu nga muna."

"A-ano... ano kasi. promisemongwalakangibangmaknaenamagugustuhanbukodsakin." Mabilis nyang sinabi na imposible nang maintindihan.

The Princess is a Knight in shining armor?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon