Nakatingin ka lang sa labas ng bintana, ambilis ng araw. Lumipas na agad ang dalawang linggo. Binibisita ka ng EXO at kung hindi man sila makadalaw sayo. Nag tetext naman sila or tumatawag para kamustahin ka. Excited ka nang umalis sa hospital dahil sa nakakasawang interior at scent pero parang ayaw mo din. Ibig sabihin, di mo na makikita ang EXO, di mo na makakakwentuhan, makakatawanan, at makakaasaran. Maririnig mo pa kaya si Chen ka kumanta na para lang sayo? Eh si Chanyeol na laging nag jojoke? Tapos si Baekhyun na ang hilig kang daldalin. Si Sehun na super over sagad sa pagiging protective at ang prince mong si Suho, yung ngiti nya na nakakatunaw ng kahit anung bato. Lahat yon mamimiss mo panigurado. Pwede mo pa naman sila makita, pero hindi na kasing dalas kagaya ngayon na sila pa mismo ang pumupunta at nag eeffort para makasama ka. Kahit papaano naman ay napalapit na sila sayo. Alam mo namang tinuturing ka na nilang kaibigan. Eh pano pag gumaling ka na? Magiging ganun parin ba sila sayo. Isang malaking pag babago ang mangyayari kung di ka na nila biglang papansinin.
Maya maya lang ay susunduin ka na ng kuya Taejun mo. Maagang pumunta si Chanho ngayong araw para tulungan kang mag ayos ng gamit mo paguwi. Inaayos nya ang bag na pag lalagyan ng mga gamit. Sabado ngayon walang pasok.
"Hoy! Anu ka senyorita at ako butler mo. Ako na nag aayos ng lahat ng dadalhin pauwi pati ba naman mga damit mo sakin mo pa ipapaubaya?" Sita sayo ni Chanho. Sinimangutan mo sya. Wala ka sa mood makipag talo ngayon.
"Anung oras dadating si oppa?" Tanung mo. Tumayo sya at inistrectch ang katawan sabay hikab.
"Sinong oppa? Kung si Shuhow~ oppa~ wala. Nasa Thailand sila ngayon." You rolled your eyes at him. (a/n: mas madali syang sabihin in english okay? XD) Si Suho talaga ang pinaka ayaw nya sa EXO. Lagi nya nalang inaasar at kung anu anu pang nakakainit ng ulo mo.
"Baliw! Si Taejun oppa syempre. At alam ko yung schedules ng EXO. Eh bat ikaw alam mo? Fanboy ka ba?"
"In EXO's dream!! Never akong magiging fanboy ng mga yun. Kung di lang dahil sayo di ko pag tyatyagaang makita mga mukha nila. At oonga pala mga 4 ng hapon tayo susunduin. Inagahan ng kuya mo, kadalasan nga gabi na yun umuwi eh." Kinamot nya ulo nya at balik sa pag aayos ng mga pag kain at appliances na dinala dun sa kwarto mo. Umalis ka na sa tapat ng bintana at kinuha ang luggage mo. Sinimulan mo nang itupi ng maayos ang mga damit mo. Nakita mo yung puting dress na suot suot mo noong fansigning. Tiningnan mo ang likod tinrace mo ang butas na nagawa nung binaril ka. Huminga ka ng malalim at napapikit. Napansin ito ni Chanho, di nalang sya nag salita at umiling iling nalang...
3:47 palang ng hapon pero nandun na ang Taejun oppa mo. Kitang kita mo sakanya ang kasiyahan na di maexplain. Ngiti siya ng ngiti. Nilalagay na ni Chanho at Taejun ang mga gamit sa likod ng sasakyan nyo. (a/n: Mitsubishi Montero Sport yung car nyo. Para di na mahirapan sa imagine) Habang nag iintay ka na sa loob. Parehas sumakay sa harapan ang dalawang kasama mo. Sinimulan nang idrive ni Taejun ang kotse.
Dumating na kayo sa bahay nyo. Namiss mo narin yan. Ang comfort na dinadala sayo. Ngumiti ka at mabilis na dumiretso sa bahay nyo. Si Taejun at Chanho naman. Kinuha muna ang mga gamit. Sumalubong sayo ang inyong kasambahay na nauwi kapag 6 na ng hapon kaya minsan ikaw na nag huhugas ng pinggan pag gabi na.
(a/n: Nasabi ko na bang mayaman kayo? Oyan mayaman kayo, nasabi ko na. Ang kuya mo ay isang department head sa isang architecture company. Medyo nahihirapan ka lang sa pag iipon kasi kung bumili ka ng copies ng album labing dalawa tapos di ka pa humihingi sa kuya mo)
Nung pumunta ka sa dining area nyo. Nakita mo na may mga pag kaing nasa lamesa. *Woaaah!!* Kumuka ka ng isang drumstick na fried chicken. Biglang sumulpot sila Taejun at Chanho.
"Welcome back!!!" Sigaw nila. Napatalon ka nalang sa gulat.
"Anu? Anyanyare?" Sabi mo.
"Wala lang, kailangan natin mag celebrate kasi bumalik ka na sa bahay diba?" Sagot ni Taejun habang hinihigit nya at isang silya sa harap mo at umupo na. Sa gilid mo naman umupo si Chanho kaya napag desiyunan mo nang makisali sakanila. Nag kwentuhan na kayo at parang antagal nyong di nag kakasama. Tawanan na kayo ng tawanan. Finally, naririnig narin ang masayang boses mong muli sa bahay nyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/5266974-288-k513032.jpg)