Una ngang dumating ang mga MC na si Jae-suk at Suk-Jin sa Jungnang Camping Forest. Dito nga ginanap yung episode kung saan naganap ang huling pagtutuos nila Jae-Suk at Choi Min-soo.
Ang naalala ko sa lugar na ito ay ikaw at si Choi Min-soo. –sabi ni Suk-jin
Totoo, nakakatakot yung episode na yun. –sabi ni Jae Suk
May dumating nga na sasakyan. Ang una ngang dumating ay ang pinakahihintay nila na si Yoon Eun-hye ang dumating. Binati nga siya ng mga MC. Sumunod na dumating ay si Hyo-joo nagulat nga siya na nandoon si Eun-hye. Sumunod na dumating ay si Suzy. Gaya ni Hyo-joo ay gulat na gulat din ito na kasama nila si Eun-hye.
Magiging malaki ang episode na ito. –sabi ni Suzy
Huling huli ngang dumating si Ji-hyo. Hindi nga siya gulat dahil napaalaman sila beforehand ng PD. Tinanong nga nila ang PD kung nasaan mga member na iba. Sinabi nila na nasa SBS at pupunta na rin sila dito. Sinabi nga sa kanila ang kanilang gagawin.
Ang apat na babae ngang nandito ngayon ay magtatago sa tent. Si Eun-hye ay magtatago sa number 3 tent. Si Suzy ay sa no. 1. Si Hyo-joo ay sa no. 4 at si Ji-hyo ay sa no. 2. –sabi ng PD
At kami maghihintay sa mga members –sabi ni Jae-suk
Okay –sabi ni Suk-jin
Samantala ang natitirang mga members ay nasa SBS station. Bago nga sila tuluyang umalis. Ay isa isa silang tinawag ng PD na nandoon. Maliban nga kay Jong-kook ay sinabi sa kanila na huwag piliin ang tent no. 3 dahil nandoon si Eun-hye. Nagkaroon nga ng parehong tanong sila HaHa at Kwang-soo.
Saang tent si Suzy?
Iba naman ang naging tanong ni Gary.
Saang tent si Ji-hyo?
Iba nga ang sinabi kay Jong-kook. Ininform nga lang siya sa gagawin na unang part ng program. Yun nga ang tent-choosing. Pagkatapos nga noon ay agad silang nagpunta sa Jungnang. At nag-umpisa ngang mag-MC sila Jae-suk at Suk-jin.
Ang maganda lang ngayon. Ay hindi ako mapapahiya ngayon at hindi mae-eliminate kaagad. Dahil MC ako ngayon. –sabi ni Suk-jin
Oo nga. Manonood lang tayo. Ang unang gagawin natin ngayon ay tent-choosing. Pipili kayo ng tent number at ang inyong makaka-partner ay lalabas mula sa tent. –sabi ni Jae-suk
Sandali lang, nasaan si Ji-hyo? –tanong ni Jong-kook
Obviously nasa isa siya sa mga tent! –sabi ni Suk-jin
Nagtawanan nga silang lahat, maging mga VJ na kumukuha sa kanila.
At pag nakapili na kayo ng tent lalapit kayo doon sa pinili niyo at sasabihing: -sabi ni Jae-suk
One Woman, Come Out –sabi ni Suk-jin
By the way. –sabi ni Jae-suk
By the way! –sabi ni HaHa
Nag-react nga si HaHa sarcastically at nagtawanan muli sila sa english ni Jae-suk. Tumingin sa kaniya si Jae-suk at itinuloy ang sasabihin kay Jong-kook.
By the way Jong-kook. Kung ikaw ang papipiliin sino ang gusto mo maka-partner ngayon? –sabi ni Jae-suk
Doon sa mga guest natin? –sabi ni Jong-kook
Kahit kanino. Kasama si Ji-hyo. –sabi ni Suk-jin
Kung contest si Ji-hyo, lalo na sa elimination. Pero kung sa guest. Si Hyo-joo. –sabi ni Jong-kook
BINABASA MO ANG
STORY NO. 32 (COMPLETED)
HorrorRunning Man Fan Fiction Umabot na sa Episode 300 ang Running Man. At ang pinakahihintay ng lahat ay sa wakas ay pupunta na! Si Yoon Eun Hye