Part 8. Areumdapta, Han Hyo-joo Out

94 2 0
                                    

Pinapakalma nga ni Jae-suk si Lee Kwang-soo na nasaksihan lang ang nangyari kay Suzy. Samantalang si Hyo-joo na kasunod na, ay matiyagang naghahanap ng magagamit laban sa alien. Hindi niya nga sinasayang ang mga oras na natitira sa kaniya.

Sinamahan nga siya ni Jong-kook na nag-aalala sa kaniya. Maging si HaHa ay sinamahan siya. Ngunit bigo si Hyo-joo na makakita ng man lang na matulis na bagay na maaari niyang magamit. Ang mga kutsilyo nga sana na maaari nilang magamit ay nasa lugar kung saan nandoon ang PD. At maraming nakabantay doon tiyak.

Dahil nga sa frustrations niya ay napaiyak na lang si Hyo-joo. Niyakap nga siya ni HaHa, at pilit na pinakakalma. Hindi nga nila masabing magiging okay lang ang lahat. Dahil may dalawa na namatay.

Matapos ngang umiyak, nag-umpisa ngang magkwento si Hyo-joo. Kung papaano sila nagkaibigan ni Seung-gi.

Devastated si Seung-gi matapos nilang maghiwalay ni Yoona. Kung kani-kanino siya tumawag. Pero gaya ng dahilan ng hiwalayan nila ni Yoona. Busy lahat ng gusto niyang makausap. Walang oras kumbaga para sa kaniya. Nagkataon nang tinawagan niya ako, libre ako. Pinuntahan ko siya. Iniiyak niya sa akin ang paghihiwalay nila. Tinulungan ko siya mag move-on.

Nagawa ko naman. Pero hindi ko akalaing mahuhulog ang loob niya sa akin. At ako rin sa kaniya. Napapasaya namin ang isa't isa. Nung pumunta nga kami ng France. Kung saan nagkita kami ni Eun-hye. Nag-propose siya sa akin. At ang araw na ito ay ang sana'y kasal namin. Pero dahil dumating din ang offer ng Running Man na maging member, na hindi ko rin matanggihan. Nagpaubaya siya. Sa susunod na taon na lang daw. Pero dahil sa nangyayari ngayon, parang hindi pa iyon matutuloy(umiyak nga siya) -sabi ni Hyo-joo

Huwag kang magsalita ng ganyan, hindi ka mamamatay -sabi ni Jong-kook

Oo nga -sabi ni HaHa

At hindi rin ako papayag na mamatay. Lalaban ako. Ngayon lang ulit ako naging masaya. Lalaban ako! -sabi ni Hyo-joo

Nabuhayan nga ng loob sila HaHa at Jong-kook dahil sa ipinakikitang lakas ng loob ni Hyo-joo. Bigla ngang nakaisip si Hyo-joo. Kinuha niya nga ang pangtarak na pundasyon ng tent. Yung itinutusok sa lupa upang maging stable ang isang tent. Si Hyo joo nga lang ang kumuha nito. Si HaHa at si Jong-kook ay hindi kumuha.

At lumipas nga ang nakatakdang oras para kay Hyo Joo. Ang mga alien ay nag-umpisang umatake. Lumaban nga si Hyo-joo. Nakapatay nga siya ng isa. Nasaksak nga niya ang isa sa weak point nito. Tinandaan nga ito ni Hyo-joo. Maging nila HaHa at ni Jong-kook na kasama niya. Kumuha na nga rin sila. Muli nga nakapatay pa ng isang alien si Hyo-joo. Ngunit sila HaHa at Jong-kook ay hindi pa rin nakakuha ng panaksak.

Nang makakuha nga sila ay nakita nilang si Hyo-joo ay nakatarak na sa isang puno. Sinaksak siya ng isang alien sa tiyan. Ang naging huling salita nga ni Hyo-joo ay:

AREUMDAPTA

Hinila nga ng alien ang kaniyang buntot. At si Hyo-joo ay humandusay at namatay. Tatapakan pa nga sana ng alien ang mukha ni Hyo-joo dahil sa galit sa pagkamatay ng kaniyang mga kasama. Ngunit dumating ang Queen Alien at pinigilan ito. At gaya ng dati ay hinigop niya ang ulo. Pinabayaan nga lang nila ang katawan.

Sila HaHa nang ma-realize na wala na silang magagawa ay tumakas.

Han Hyo-joo Out, Han Hyo-joo Out -sabi ng announcer

Muli ngang nalungkot ang natitirang mga miyembro. Lalo na si Ji-hyo, ito ay dahil alam niya kung paano matatalo ang mga alien. Dumating nga sila HaHa at Jong-kook kay Jae-suk at Kwang-soo. Nakita nga nilang umiiyak si HaHa.

Patay na si Hyo-joo, pero ang pagkamatay niya ay hindi walang kabuluhan. Lumaban siya at nakapatay ng dalawang alien. Natuklasan niya ang kahinaan ng mga ito. Sa ilalim ng leeg. Kaya natin silang talunin. -sabi ni Jong-kook

Muli ngang lumakas ang loob ng mga members. Binigyan nga sila ni Jong-kook ng mga panaksak. Ngunit napansin ni Jong-kook na malungkot pa rin si Kwang-soo. Tinanong niya nga ito kung bakit?

Ano na lang ang sasabihin natin kay Seung-gi? -sabi ni Kwang-soo

Nalungkot nga ang iba dahil sa sinabi niya. Patuloy pa rin na nagtatago si Ji-hyo. At si Gary naman ay naghahanap ng malapit na police station. Para maisumbong ang nangyayari sa Jungnang Camping Grounds.



STORY NO. 32 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon