Dumating nga si Gary isang military detachment. Iniulat nga niya ang nangyayari sa Jungnang Camping Grounds. Ngunit tila hindi siya pinaniniwalaan ng mga ito, dahil sa mukhang imposible. Hanggang sa dumating nga ang brigadier general nila kasama ang colonel. Pinalapit nga ng Heneral ang Colonel upang malaman kung ano ang sinasabi ni Gary. Nagulat nga ang Colonel sa sinasabi ni Gary. Sinabi niya agad ito sa Heneral. Kanilang kinuha si Gary for further questioning.
Tumawag nga sila sa nasa itaas. At agad ngang tumugon ito na I-neutralize ang threat. Inalerto nga rin ang mga malalapit na military powers sa rehiyon. Ang Estados Unidos, ang Japan, ang Russia at ang China, para sa assistance kung sakaling kailanganin. Mabilis ngang iminoblize ang mga tropa, at inihanda ang mga tangke. Nag-umpisa nga rin silang maglagay ng perimeter sa area.
Samantala si Ji-hyo at ang natitirang members ay hindi pa rin nagkikita. At si Kim Jong-kook ay may malaking sugat dahil sa pakikipaglaban sa mga alien. Inaalalayan nga nila Kwang-soo at Jae-suk. Hinahanap nga nila ang daan palabas. Mabagal nga kanilang pag-usad dahil sa natamong injury ni Jong-kook. Nagpasiya nga si Jong-kook na:
Iwanan niyo na ako. -sabi ni Jong-kook
Hindi pwede, sama-sama tayong aalis dito. -sabi ni Jae-suk
Oo nga, ano bang sinasabi mo? -sabi ni Kwang-soo
Mas mabuti nang may makaligtas sa atin, kaysa lahat tayo mamatay. -sabi ni Jong-kook
Jong-kook. -sabi ni Jae-suk
Sige na, umalis na kayo. -sabi ni Jong-kook
Hesitant nga si Jae-suk ngunit bandang huli ay iniwan rin nila si Jong-kook. Ibig nga nila na humingi rin ng tulong sa labas. Dahil sa nakikita nilang kawalang pag-asa ng makaligtas pa sa loob ng camping grounds.
Nang malayo-layo na nga silang kaunti ay tumigil ngang sandali si Jae-suk.
Kwang-soo, ikaw na lang ang humingi ng tulong sa labas. Babalikan ko si Jong-kook. -sabi ni Jae-suk
Kung babalik ka, babalik na rin ako. -sabi ni Kwang-soo
Kailangang may makaligtas sa atin. Kung hindi man kami, ikaw. Pero hindi ko kayang pabayaan si Jong-kook. -sabi ni Jae-suk
Niyakap nga ni Kwang-soo si Jae-suk, bago sila tuluyang naghiwalay ng landas. Samantalang si Jong-kook ay patuloy na naglalakad sa kabila ng may injury siyang iniinda. Bigla nga siyang may naririnig na umiiyak. Nilapitan nga niya ang boses. Laking gulat niya nga ng malaman niya kung sino ang babaeng umiiyak.
Eun-hye -sabi ni Jong-kook
Pabalik nga si Jae-suk ng biglang may marinig siyang anunsyo mula sa mga trompa ng Jungnang.
Kim Jong-kook Out, Kim Jong-kook Out. -sabi ng announcer
Bagaman nasecure na ng mga pulis sa paligid ang lugar malapit sa Jungnang Camping grounds. Ngunit wala pa rin ang mga militar, at ang mga tangkeng kailangan para mapatay ang mga alien. Spesipiko ngang tinukoy ni Gary na kailangang mapatay ang malaking alien. Na siyang reyna. Alam din nga ito ng pamahalaan ng Korea. Lamang ay inilihim nila sa lahat upang hindi magdulot ng panic sa mga tao. Hanggang sa ma-encounter nga ito ng grupo ng Running Man.
Ang alien nga ay unang lumitaw sa Russia. Ito nga ay matapos bumagsak ang isang meteorite ilang buwan lang ang nakakaraan. Agad ngang nagtungo ang ilang US at Russian Scientist. Natuklasan na na ang meteorite ay nagsilbing parang cocoon ng alien. Ngunit wala na silang nakitang alien.
Hanggang sa nagkaroon nga ng report na may intrusion sa border sa pagitan ng Russia at North Korea. Nagkaroon nga report sa North Korea ng mga misteryosong pagkamatay ng mga mamamayan nila. Ang mga report ay isang tao na nagbabagong anyo bilang halimaw na ang tanging kinukuha lang ay ulo. Iginuhit nga nila ang kanilang nakitang itsura at tugma nga sa umatake sa Running Man. Dahil naman doon ay na-alerto na ang bansang China at ang South Korea. Minabuti na rin ng NASA na paalaman ang bansang Japan.
Patuloy ngang naglakbay ang alien patimog sa kabila ng pagtugis sa kaniya sa North Korea. Nakipag cooperate nga ang North sa South. Ginamitan nga ito ng mga gamit militar mapatay lang ang alien. Hanggang sa nakarating na nga ito sa border ng North at South. Ginamitan nga siya ng artillery ng parehong bansa. Ngunit nakalusot pa rin ito sa South Korea. Upang mapagtakpan ang isyu sa mga tao, ay sinabing nagpalitan ng putok ang South Korea at ang North Korea. Ang balitang mas sanay ang Koreano kaysa sa isyu na may nagtatagong halimaw sa kanilang kalagitnaan. Wala ngang naging balita sa alien hanggang sa i-report ito ni Gary. Ang colonel nga ay nandoon mismo ng paputokan nila ito at alam naman ito ng Heneral, dahil sinabihan sila upang maghanda.
Nagmamadali nga si Ji-hyo nang marinig na out na si Kim Jong-kook. Hanggang sa may marinig na naman siyang anunsyo:
Yoo Jae-suk Out, Yoo Jae-suk Out -sabi ng announcer
Narinig nga rin ito ni Kwang-soo at nagpasyang bumalik. Samantalang si Ji-hyo ay nagmamadali. May natuklasan nga siyang isang mahalagang bagay, at gusto niyang balaan si Kwang-soo.
BINABASA MO ANG
STORY NO. 32 (COMPLETED)
HorrorRunning Man Fan Fiction Umabot na sa Episode 300 ang Running Man. At ang pinakahihintay ng lahat ay sa wakas ay pupunta na! Si Yoon Eun Hye