Part 1. Episode 299 Pack-up

322 3 1
                                    

Kakatapos nga lang ng taping ng Episode 299. Nagpaalam nga sa mga staff sila Lee Byung-hun at Jun Ji-hyun upang umuwi na. Umuwi na nga rin ang mga members nang biglang may dumating na tawag sa PD

Hello, sino to? –sabi ng PD

Si Eun-hye –sabi ni Eun-hye

Ms. Eun-hye, bakit ka napatawag? –sabi ng PD

Payag na akong mag-guest sa Running Man. Gusto ko sa episode 300. –sabi ni Eun-hye

Pero ano eh, yung 300 may episode kami na si Hyo-joo at Suzy ang guest. Doon sana namin pipiliin ang idagdag sa kanila sa cast ng Running Man. –sabi ng PD

Okay lang sa akin na kasama sila. Mas maganda kung kasama ko sila. –sabi ng Eun-hye

Sa bagay sige. Sa 300 ka namin ilalagay. –sabi ng PD

Agad ngang nagpatawag ng emergency meeting ng mga writers ang PD dahil sa biglang pagtawag ni Eun-hye. Agad niya rin naman tinawagan ang mga members at coordinator nila at agad silang pinapunta sa SBS building maliban kay Jong-kook.

Kahit pagod pa nga sa taping ng Running Man ay nagpunta pa rin ang mga members. Haggard na haggard nga si Kwang-soo dahil sa ordeal na dinanas niya kay Lee Byung-hun dahil sa misyon nito sa programa.

Nag-umpisa ngang dumating ang mga members sa meeting room. Hanggang sa makumpleto na silang lahat maliban kay Jong-kook. Hanggang sa pumasok na nga ang PD upang i-brief sila sa susunod na episode, ang episode 300.

Sa susunod na episode ang magiging guest natin ay si Han Hyo-joo at Bae Suzy. At sa susunod na episode mag-uumpisa ang botohan kung sino sa kanila ang makakasama ni Ji-hyo bilang permanent member ng Running Man. –sabi ng PD

Alam na namin yan eh. –sabi ni Jae-suk

Oo nga, alam na namin yan eh. –sabi ni Ji-hyo

Pinabalik niyo lang kami dito para sabihin yan! –sabi ni HaHa

Ah, Stress! –sabi ni Gary

Sandali bakit may camera? Episode 300 na ba to? Episode 300 na to ano? –sabi ni Suk-jin

Oo, umpisa na to ng episode 300. –sabi ng PD

Si Kwang-soo nga ay pagod na pagod at hindi maka-react sa mga nangyayari. Napansin ito ni Jae-suk at agad nagsalita.

Si Kwang soo, pagod na pagod sa taping, walang lakas para magreklamo sa ginagawa sa atin ng PD ngayon. Ibalita ang alam na natin –sabi ni Jae-suk

Sa tingin mo ba ipapatawag ko kayo ng biglaan kung yun lang. Sa susunod na filming ang mga guest ay si Han Hyo-joo at si Suzy at isa pang celebrity. Ang pinakahihintay ng lahat lalo ka na Jae-suk. –sabi ng PD

Eun-hye! Si Eun-hye ang guest. Si Eun-hye ang guest. –sabi ni Jae-suk

Napatayo nga maging ang pagod na pagod na si Kwang-soo. Lumapit nga siya sa PD at hinawakan ang mga balikat nito. Tinatanong kung totoo ba talaga ang sinasabi. Sa Running Man kasi ay uso rin ang mga prank kaya kinukumpirma din ni Kwang-soo. Kung totoo talaga ang sinasabi nito. Sinabi nga PD na totoo.

Sinabi pa nga ng PD ang iba pang detalye. Sila Jae-Suk at Suk-jin nga ay hindi makikilahok sa laro. Magiging MC nga lang sila. Magiging Couple Race nga ang magiging contest. Si Jong Kook nga lang ang may confirm na partner. Walang iba kundi si Yoon Eun-hye.



STORY NO. 32 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon