Part 4. Other Couple Races

123 2 0
                                    

Nag-break lang po kami dahil si Hyo-joo ay umiyak. –sabi ni Jae-suk

Kasalanan po ng PD at ni Eun-hye –sabi ni Suk-jin

Hindi ko naisip na maaring maging ganoon katindi ang larong Dangyunhaji. –sabi ni Jae-suk

Okay ka na ba ano, Hyo-joo. –sabi ni Suk-jin

Okay na. –sabi ni Hyo-joo

Okay –sabi ni Jae-suk

Ipaghihiganti ko yung nangyari sa akin kanina. –sabi ni Hyo-joo

Tumingin nga si Hyo-joo kay Eun-hye na may malaking mata at tinuro niya ito.

Wow, may tension talaga sa pagitan nilang dalawa. –sabi ni Jae-suk

Ang sumunod ngang naging laro ay ang Pepperro Game. Paikliin nga ng stick biscuit na matitira. Unang sumabak ang Monday Couple. Maikli nga ang natira sa stick biscuit nila. Sumunod nga sila HaHa at Suzy. Maikli din nga ang kanila, ngunit mas maikli pa rin ang sa Monday Couple. Sumunod ngang sumabak sila Eun-hye at Jong-kook. Maganda nga ang naging simula nila. Ngunit habang lumalapit ang mukha ni Eun-hye ay natawa si Jong-kook at nakagat ang stick. Sila nga ang may pinakamahabang stick at the moment. Sumunod nga sila Kwang-soo at Hyo-joo. Ngunit naulit din ni Kwang-soo ang pagkakamali ni Jong-kook. Pinalitan nga nila sila Eun-hye at Jong-kook sa may pinakamahabang stick na natira. Galit na galit nga si Hyo-joo kay Kwang-soo. Panalo nga ang Monday Couple.

Sumunod na laro ay Couple Relay Race, at may kaugnayan nga ito sa Peppero Game. Kung mas mahaba nga ang natira sa stick biscuit ay magiging mas atrasado din ang starter na tatakbo sa starting point. At nasa ganoong disadvantage sila Hyo-joo at Eun-hye, dahil sa mas mahaba ang natira sa kanila. Tatakbo nga ang mga starter at pupunta sa lalake at iabot ang baton. Tatakbo ulit ang mga babae upang salubungin ang mga lalake sa third point. Doon sila kakargahin ng mga lalake papuntang finish line.

At nagsimula nga ang kanilang laro. Tumakbo sila. Nang maabutan nga ni Hyo-joo si Eun-hye ay tinulak niya ito at nadapa si Eun-hye. Nakahabol nga si Hyo-joo kay Suzy at Ji-hyo. At sabay sabay nilang naiabot ang mga baton sa kanilang mga kaparehas. Agad nga silang nag-unahan papunta sa third point dahil papasalubong pa lang sa kanila si Eun-hye, ay tinangka sila nitong harangin. Nang magkaharap nga sila muli ni Hyo-joo ay tinulak siya muli nito at muling natumba. Nag-umpisa na ngang magsisigaw si Jong-kook kay Eun-hye dahil sa natatalo nilang kalagayan.

Himala ngang nauna si Kwang-soo sa third-point. Agad ngang pumasan sa kaniya si Hyo-joo, at nagtuloy-tuloy na ang kanilang kalamangan hanggang sa finish line. Sila nga ang tinanghal na winner Couple Relay Race. Pangalawa nga ang Monday Couple, Pangatlo sila HaHa at Suzy. At pang-apat si Jong-kook at si Eun-hye. Nag-reklamo nga si Jong-kook sa PD dahil sa ginawa ni Hyo-joo. Ngunit hindi siya pinansin ng PD. Kaagad nga silang sumabak sa kasunod na laro.

Ang kasunod na laro ay ang elimination in a platform. Yun nga ay itutulak mo ang kalaban hanggang mahulog siya platform. At ang platform nga ay nasa ibabaw ng tubig. Ang magiging siste nga ay first at last place ng Couple Relay Race ang maglalaban at ang second at third. Ngunit may problemang ini-race si Jae-suk at Suk-jin. Dahil sa oras ay kailangan na isang bahagi lang ng pares ang maglalaban. Kung lalake nga ang sasabak ay tatalunin silang lahat ni Jong-kook. Pinagpasyahan nga nila Gary, Kwang-soo, at HaHa na wala pang panalo sa mga laro na ang mga babae ang sasabak sa laro.

Una ngang naglaban ang naging mortal na magkalaban na si Hyo-joo at Eun-hye. Mabilis ngang naitulak ni Hyo-joo si Eun-hye at naihulog sa tubig. Sumunod nga ay si Ji-hyo at Suzy. Sa umpisa nga ay mukhang si Ji-hyo ang magwawagi. Ngunit biglang nabaligtad ni Suzy ang sitwasyon at naitapon si Ji-hyo. Si Suzy nga ang nagwagi. Sila ni Hyo-joo ang maghaharap sa finals.

Malakas nga si Hyo-joo at hirap si Suzy sa kaniya. Pero unti-unti siyang naitutulak ni Suzy sa gilid ng platform. Nag-aalala nga si HaHa dahil magaling si Hyo-joo sa wrestling din. Kaya't nang maitulak ni Suzy si Hyo-joo palapit sa kaniya ay kaniyang hinila si Hyo-joo mula sa likuran at nahulog si Hyo-joo sa tubig. Umahon nga si Hyo-joo sa tubig na nababalot ng buhok ang kaniyang mukha. Sinugod nga ni Kwang-soo si HaHa. Natawa naman sila Jae-suk. Naalala ang ginawa ni HaHa noong episode 123. Muli ngang humingi ng tulong ang mga MC sa PD dahil sa krisis na sanhi ni HaHa. Ang naging desisyon nga ng PD ay pwedeng magkaroon ng outside interference. WWE rules ay aaply. Nagreklamo nga sila Kwang-soo, Jong-kook, at Gary. Magkagayon man ay itinanghal pa rin na panalo si Suzy. Ang tanging nasabi lang ni Hyo-joo ay:

AREUMDAPTA!!! –sabi ni Hyo-joo

Nagsalita nga muli si Jae-suk at Suk-jin:

Dahil nga sa si Suzy ang nanalo sa huling laro, ay walang clear na panalo. Panalo sila Eun-hye sa first game, sila Ji-hyo sa second game, sila Hyo-joo sa third game, at sila Suzy nitong kakatapos lang nga na laro. –sabi ni Jae-suk

Wala ba tayong tie-breaker kailangan meron. –sabi ni Suk-jin

Ipinatawag nga ng PD ang mga staff upang mag-isip ng emergency na laro. Hindi nga nila inakala na mananalo ng isang laro ang mga couple. Lumapit nga si Jae-suk at isinuggest ang ddakji. Buti na lang may crew na may dalang ddakji at yun nga ang naging laro. Pumili nga ng representative ang bawat couple. Ang Dangyunhaji Couple ay si Jong-kook. Ang Monday Couple ay si Gary. Si Suzy nga ang maglalaro sa kanila ni HaHa. Si Kwang-soo ay nag-volunteer pero pinigil siya ni Hyo-joo at ito ang sumali. Ang kailangan nga nilang gawin ay mapaligtad lang ang tatlong ddakji ng kalaban at panalo. Una ngang sumabak si Suzy. Sa kasamaang palad ay isa lang ang napabaligtad. Sumunod si Gary, dalawa ang napabaligtad niya, ganoon din si Jong-kook. Huli ngang sumabak si Hyo-joo. Ang nakakatawa nga ay kada tira niya ay may sinasabi siya. Una nga ay ang ddakji ni Ji-hyo at Gary

Ji-hyo at Gary. Kayo ang Monday Couple. Pero pag nakuha ako sa show, mas sisikat ang Clown-Concubine Couple. Aagawin ko sa iyo ang titulong ace –sabi ni Hyo-joo

Itinira nga ito ni Hyo-joo at napabaligtad ang ddakji ng kalaban. Susunod nga ang ddakji nila HaHa.

HaHa, napakadaya mo talaga, Ginawa mo na sa kin yun noon inulit mo pa ulit ngayon. AREUMDAPTA!!! –sabi ni Hyo-joo

At muli ay napabaligtad niya ang ddakji. Susunod nga ang ddakji nila Jong-kook at Eun-hye.

Jong-kook naging napakabait mo sa akin sa Running Man. At salamat na kung sakaling wala pala si Eun-hye at kung may choice ka ako pipiliin mo. Ayaw ko rin naman kay Kwang-soo. –sabi ni Hyo-joo

Nagtawanan nga sila at rumeact si Kwang-soo. Nagpatuloy nga si Hyo-joo sa pagsasalita.

Hindi ko makakalimutan yun Jong-kook. Pero hindi ko rin makakalimutan yung ginawa ng ideal woman mo. Nang dahil sa kaniya magkaka-scandal kami ni Seung-gi. Yaaahhhh –sabi ni Hyo-joo

Tinira nga ni Hyo-joo. At gaya ng iba ay napabaligtad niya rin. Sila Hyo-joo at Kwang-soo nga ang tinanghal na Winner Couple nang episode na iyon.

At ang panalo ay sila Kwang-soo at Hyo-joo. –sabi ni Jae-suk

Humirit pa nga si Eun-hye ng isang hirit bago sila tuluyang magtapos.

So Hyo-joo. Kino-confirm mo nga? –sabi ni Eun-hye

Yaahhh!! –sabi ni Hyo-joo

At pansamantala nga silang nag-break at doon nagtapos ang episode 300. Pero dahil special iyon dahil sa guest na si Eun-hye, at sa mga member-apparent na sila Suzy at Hyo-joo. Ay gagawin nga nila itong two-arch episode. At sa kalahating episode magaganap ang traditional game ng Running Man. Ang name tag elimination.



STORY NO. 32 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon