Part 12. Episode 302: Betrayers Club vs. Revenge Club

100 3 0
                                    

I . The Announcement & Eun-hye's Plea

Bago nga tayo magtungo sa kasunod na game. –sabi ni Yoo Jae-suk

May isa pa tayong game? –sabi ni HaHa

Oo, pero bago iyon may announcement si Suzy. Si Suzy po kasi ang nanalo sa botohan upang pangalawang female member ng Running Man. –sabi ni Yoo Jae-suk

Ah, natutuwa po ako sa suporta na natanggap ko mula sa fans ng Running Man. Pero po ikinalulungkot ko na hindi po ako maaaring maging permanent member ng programa. Yung mga schedules ko kasing iba ay in conflict with the program. Sana po maintindihan niyo ako, at sana suportahan din natin ang magiging bagong magiging permanent member ng Running Man na si Han Hyo-joo unnie. –sabi ni Suzy

Anyway kanina akala ko magpapack-up na, Pero may isang tao na kumakausap sa PD natin. Sabi niya, pwede pa bang mag-isang game pa. Nakikiusap talaga siya sa PD. –sabi ni Jae-suk

Natawa nga bigla si Hyo-joo. Alam niya kasi na si Eun-hye iyon at siya ang dahilan kung bakit gusto pang magkaroon ng isang game pa ni Eun-hye.

Alam ko na kung sino. Si Eun-hye, -sabi ni HaHa

Hindi ko kasi matanggap na trinaydor ako ni Hyo-joo. Ni lure niya ako para matalo. –sabi ni Eun-hye

At nagsalita nga ang PD:

Dahil nga sa pakiusap ng ating mahalagang guest. Minsan-minsan lang naman siya pumunta dito ay pagbibigyan ko na. Isang simpleng laro ng bells hide and seek with a twist. –sabi ng PD

Twist? –sabi ni Jae-suk

Kanta ni Jong-kook yun diba? –sabi ni Eun-hye

Natawa nga silang lahat sa biglaang joke ni Eun-hye. Nagpatuloy nga ang PD sa pagpapaliwanag ng laro.

Twist, Dahil isa itong reverse bells hide and seek. Ang mga magtatago nga ay ang mga magsu-suot ng bells. Na may kalakip na mission. Hanapin niyo ang nag-iisang card na itinago namin sa premises ng park. Ang card nga na ito ay magbibigay sa inyo ng kapangyarihan na i-eliminate ang nag-iisang seeker na si Eun-hye. –sabi ng PD

Natawa na nga lang sila Hyo-joo dahil sa naging kondisyon. Magkagayon man ay pumayag si Eun-hye. Binigyan nga sila ng isang minute para mahanap ang card ng wala si Eun-hye. Makalipas nga noon ay pakakawalan si Eun-hye upang i-eliminate sila.

Sila Suk-jin at Suzy nga na pagod na sa laro, ay mabilis na nagpakita kay Eun-hye at agad nagpa-eliminate kaagad. Samantalang si Hyo-joo ay matiyagang naghahanap ng card. Nakita niya na nga ang card ng biglang lumitaw si Eun-hye at kinuha ang kaniyang nametag. At siya ay na-out.

Hindi nga alam ni Eun-hye na nakita na ni Hyo-joo ang card. Nakipag-usap nga siya sa VJ.

Alam mo ba na nakita ko na yung card. Pero kanino ko kaya sasabihin? Kay HaHa. Kay Jong-kook, kay Jae-suk, kay Gary, kay Ji-hyo, o kay Kwang-soo. Pinatid ako ni HaHa dati. Si Jong-kook naman at Jae-suk ay masyadong close kay Eun-hye. Si Ji-hyo malamang makita niya na rin yun. Si Gary naman, medyo alanganin. Isa lang talaga ang pwede kong mapagkatiwalaan. Bagamat hindi siya talaga mapagkakatiwalaan. –sabi ni Hyo-joo

Dumating nga ang tawag kay Kwang-soo mula kay Hyo-joo. Sinabi nga nito ang eksaktong lokasyon ng card. Ipinayo niya rin na iwasan si Eun-hye. At kung hindi siya palarin ay sabihin kay Ji-hyo ang kinalalagyan ng card.

Ngunit hindi nga matutuloy ang plano ni Hyo-joo kay Ji-hyo. Lumapit nga si Ji-hyo kay Eun-hye at nakipag-alyansa laban kay Jong-kook at Jae-suk. Nasa malapit lang nga si Kwang-soo nang malaman niya iyon. Umiba nga siya ng plano hinanap niya muna ang card. At gaya nga ng sinabi ni Hyo-joo ay natagpuan ito ni Kwang-soo. Tsaka nga siya humanap ng kaalyado

STORY NO. 32 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon