Part 11. The Remaining and the Monster

64 2 0
                                    

I . Ji-hyo saw Eun-hye

Habang nasa pagtatago nga ay nakita ni Ji-hyo ang isang tao. Hindi niya nga maaninag dahil madilim ang lugar kung saan nandoon ito. Ngunit nang magtungo nga ito sa isang maliwanag na dako ay naaninag niya kung sino ito. Si Eun-hye ang taong nawawala mula sa pasimula ng magkagulo ang lahat. Tinawag niya nga ito, ngunit tila hindi siya naririnig. Patingin-tingin nga ito sa kaniyang tabi, na tila ba may binabantayan. Matapos noon ay nagpatuloy sa paglalakad si Eun-hye, sinundan naman siya ni Ji-hyo nang palihim.

Balak nga sanang lapitan ni Ji-hyo si Eun-hye ngunit may nakita siyang hindi niya akalain. Bigla ngang nagtago si Eun-hye at biglang umiyak. Nahalata niya nga na umaarte lang si Eun-hye dahil sa isa rin siyang aktres. Inobserbahan niya ngang sandali at bigla namang lumitaw si Jong-kook. Niyakap nga siya ni Jong-kook. Matapos noon ay hinalikan siya ni Eun-hye. Nagulat nga si Jong-kook, pero dahil si Eun-hye ito ay nagustuhan niya na rin ang halik. Patuloy ngang nag-oobserba si Ji-hyo. Nang biglang may mapansin siya kay Eun-hye.

Bigla ngang nagbago ang anyo ng mga kamay nito. Nagkaroon nga siya ng mahahabang matatalim na kuko katulad ng sa mga nakalaban nilang alien. Gusto ngang sumigaw ni Ji-hyo upang balaan si Jong-kook. Ngunit nanigas si Ji-hyo nang kritikal na mga oras. Sinaksak nga ni Eun-hye si Jong-kook sa kaliwang tagiliran.

Eun-hye, anong ibig sabihin nito? –sabi ni Jong-kook

Nakatawa nga si Eun-hye. Mula nga sa likuran ng kaniyang ulo ay umaahon ang isang buntot. Ito nga ang buntot na humigop sa ulo nila, Suk-jin, Suzy, Hyo-joo at HaHa. Susunod na nga rin dito ang ulo ni Jong-kook. Si Eun-hye nga ang Queen Alien na isa-isang pumatay sa mga miyembro at guest ng Running Man, kasama na ang ilang staff nito.

Ikaw, ikaw ang Queen Alien. –sabi ni Jong-kook

Oo, ako nga. –sabi ni Eun-hye

Matapos ngang sabihin iyon ay hinigop niya ang ulo ni Jong-kook. Si Ji-hyo na natakot sa kaniyang nasaksihan ay tumakbo palayo. Inanunsyo nga pagkatapos noon na out na si Jong-kook. Nadinig nga ni Eun-hye ang kaluskos ng pagtakbo palayo ni Ji-hyo at tinangka niya itong sundan. Ngunit nang mga pagkakataong iyon ay si Jae-suk naman ang papalapit.

Nakita nga ni Jae-suk ang katawan ni Jong-kook na wala ng ulo. Bigla ngang lumabas si Eun-hye, kunwari'y nangingilabot nang nakita niya si Jong-kook sa ganoong kalagayan. Lalapit nga sana si Jae-suk ngunit may napansin siya. Dahilan para mapa-atras siya. Tinanong niya:

Bakit may dugo ang kanang kamay mo? –sabi ni Jae-suk

Nagduda na nga si Jae-suk dahil doon, at nag-umpisang lumayo. Ngunit bago pa man tuluyang makalayo si Jae-suk ay dinaluhong siya ni Eun-hye nang isang saksak sa tiyan. Hindi na nga nakapalag si Jae-suk. Tinanong niya nga:

Bakit kami? –sabi ni Jae-suk

Wala lang. Mas gusto ko lang kayo kaysa sa 2 days and 1 night. –sabi ni Eun-hye

Muli ngang lumitaw ang buntot at hinigop nito ang ulo ni Jae-suk. Inanunsyo nga ang kaniyang pagka-out. Nagmamadali nga si Ji-hyo na hanapin ang nalalabing miyembro na si Kwang-soo upang balaan siya.

II . The Final Encounter with Kwang-soo

Nang marinig nga ang anunsyo, imbis tuluyang tumakas ay bumalik pa si Kwang-soo. Doon nga sila nagkatagpo ni Eun-hye.

Kwang-soo kanina pa kita hinahanap si Ji-hyo. –sabi ni Eun-hye

Ano nasan siya? –sabi ni Kwang-soo

Sa isipan nga ni Eun-hye ay balak pa niya si Kwang-soo ang trumaydor sa kaibigan, na patayin ito. Buti na lang at biglang lumitaw si Ji-hyo.

Kwang-soo lumayo ka sa kaniya. –sabi ni Ji-hyo

STORY NO. 32 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon