Kung ako'y susulat ng isang tula
Maramdaman mo kaya?
Na itong tulang aking ginawa
Ay alay ko sa iyong ganda
Hindi ko mawari ang nadama
Ng una kong masilayan ang iyong mukha
Pintig ng puso ko ay nag wala
Kahit na ang isip ko ay wala ng nagawa
Alam mo ba ang iyong ginawa?
Pag lapit mo ay nag bigay kaba
Ang tikas ko ay biglang na giba
Sadyang ikaw ay kakaiba
At namumukod tangi sa madla
Kaya't sa tulang itong aking ginawa
Malaman mo sana
Na kahit na nasa malayo ka
Ang puso ko ikaw lang ang sinisinta
Na pakunot noo ako pag katapos kong basahin ang naka sulat sa papel na inabot sa akin.
"Ano nanaman to Raffy?" agad kong tanong sa nag bigay
"Aba malay ko pinaabot lang sa akin yan kasama nitong chocolate." Sagot nito habang nginunguya ang chocolate na hawak nito
"Eh bat mo kinain di naman pala sayo."
"Bakit di mo naman kakainin itatapon mo lang, sayang lang, kaya kinain ko na." sabi nito "Dapat mag pasalamat ka sa akin di ka na nag effort para sabihin yun."
"tsss.. ewan ko sayo" sabi ko sabay tampal sa noo niya kasabay ng papel na binigay niya sa akin at nag simulang mag lakad.
"Eto naman di marunong mag appreciate." Rinig kong sabi nito. Pero hindi ko na lang siya pinansin at tuloy tuloy na lang sa pag lalakad.
I choose to live like this para maging tahimik ang buhay ko.
Pero sinundan ata talaga ako ng swerte at hindi ako tinigilan ng mga tao.
And now I am starting to doubt sa choice kong ito sa larong ito.
BINABASA MO ANG
Game of my Choice
RomanceHindi ko alam bakit parang ang komplikado ng lahat. Bakit hindi na lang madali? Bakit hindi na lang naging simple? Kapag sinabi mong OO everything will fall to its right places Pag hindi naman, edi hindi tapos. Pero sana ganun na lang talaga. Pero...