KABANATA 1
"Ang Pagkikita"
Ako nga pala si Patricia Yeisa Gomez, pero mas kilala sa school na "PAYE". Isa ako sa mga BITTER WARRIOR, sa madaling salita hindi ako naniniwala sa forever. Nako! Sino ba namang tao ang magpapaloko sa forever na yan? Wala ngang forever sa diksyunaryo. Pero ilang beses na rin akong nagmahal, pero nasaktan. Ayun, bumagsak sa pagiging isang bitter na babae. Kung tawagin nga nila ko ngayon eh, hopeless romantic. "edi wow!"
Gusto niyo bang ibahagi ko ang istorya ko? Pilitin niyo muna ko! Hahaha! Sige na nga, ganito kasi yun...
PAYE's P.O.V.
"Hay nako! Ayoko ng love love na yan! Wala naman 'yang magandang maidudulot sakin."
"Edi wow, Paye! Kaya pala patay na patay ka kay Alex. Yung boyfriend mong gwapo, chinito at sobrang galing mag basketball. Eh halos lumuhod ka na sa harap nun! Tsaka aminin mo, minahal mo siya?!" Pagtatanong ni Sandy.
"Oops! Oops! Oops! Sandy, EX-Boyfriend. Pakitandaan, he is not my boyfriend anymore, HE is my EX!"
Ewan ko nga ba sa sarili ko. Ang bitter ko kung tutuusin pero may punto si Sandy, kasi minahal ko nga si Alex ng higit sa buhay ko. Mahal na mahal ko yung mokong na yun.
"Pero teka Sandy, gwapo ba yun? Ang yabang nga eh, akala mo kung sino umasta wala namang ibubuga."
Si Alex kasi yung kauna-unahang lalaki na minahal ko, first boyfriend, ako din daw yung first girlfriend niya. Maniwala ako, sa gwapo niyang yun. Sobrang ma-effort niya pero dahil sa isang desisyon niya, dun natapos ang lahat samin.
Ako nga pala si Patricia Yeisa Gomez, pero mas kilala sa school na "PAYE". Si Alex ang first boyfriend ko, grabe nung nanligaw siya sobrang kinikilig ako. Parang wala ng bukas.
Si Alexander Gabriel Lacsamana, anak ng isang marangyang pamilya sa La Union, gwapo, matipuno, chinito, matalino, mabait pero minsan may pagka-mayabang, at ubod ng galing sa paglalaro ng basketball. Heart throb na ngang maituturing yun, pero ewan ko ba kung anong nakain niya at ako ang nagustuhan.
Noong una, ayoko talaga sa kanya kasi sabi ko sa sarili ko, "Hindi kami bagay nito. Masyado siyang mataas para sa isang tulad ko na hindi mayaman pero puno ng pangarap. Hanggang tingin lang ako sa kanya." Pero nagkamali ako, ang bait niya at hindi siya nanghuhusga ng katayuan ng tao. Kahit anong estado eh baliwala sa kanya, kesyo mayaman ka o mahirap. Doon ako na turn-on sa kanya.
Magkaklase kami ni Alex simula 1st year high school kami sa Pamantasang Pambansa hanggang ngayon, 3rd year na kami. Scholar ako, kasi hindi naman kami mayaman at umaasa lang kami sa tindahan ni inang sa karinderya.
Papasok ako noon, habang naglalakad papuntang school at may dumaang sasakyan na sobrang bilis, naputikan yung uniform ko dahil sa talsik ng putik.
"Hala! Ano ba yan?! Hindi man lang marunong mag-ingat! Hoy! Bumaba ka nga dyan! Kung sino ka man, mag-ingat ka nga!" nasabi ko na medyo galit. Maya-maya bumaba yung driver nung sasakyan at kinausap ako.
"Pasensya ka na miss! Nagmamadali lang kami ng amo ko, magkano ba palaba ng damit? Babayaran ka na lang namin."
"aba, kuya! Hindi ko po habol a ng pera niyo, sa susunod po kasi mag-ingat kayo sa pagmamaneho, nakakaabala kaya kayo. Hindi niyo pagma-may-ari ang lugar na ito." Maya-maya lamang eh lumabas ang amo niya sa sasakyan.
"Ano pong nangyari Mang Jose?" ani ni Alex.
"Eh boss (sabay kamot sa ulo), nakaperwisyo po tayo eh, sa pagmamadali po natin, natalsikan si ate ng putik. Sabi ko ko nga po bayaran na lang natin eh ayaw naman pumayag." Mang Jose.
"Ah ganun ba, pasensya ka na ate. Nagmamadali lang talaga kami. Ano ba pwede naming gawin bilang kapalit? Gusto mo sumabay ka na sa'min, papunta ako ng (Tumingin sa uniform ni Paye at nakitang magka-eskwela sila.) Teka, taga pamantasan ka rin? Sabay ka na sakin bilang kabayaran sa nangyari? Oh kaya gusto mo hatid ka naming sa inyo para makapagpalit ka?"
Natulala ako kay Alex nang mga panahong iyon.
"Ano palang pangalan mo binibini?"
Tulala pa rin ako.
"Miss? Okay ka lang ba?"
"Ah! Oo, okay lang ako. Ako nga pala si Paye. Nako! Sorry sa abala. Nagmamadali pala kayo, Okay na po ako. (Kait sa loob-loob ko hindi) Nakakahiya po sa inyo. Uuwi na lang po ako at magpapalit sa bahay." Sagot ko dahil sobrang nabigla ako sa nakita kong mukha. Para siyang isang anghel na bumaba sa langit.
"Ah, Paye, hatid ka na namin sa bahay niyo para makapagpalit ka. Pareho lang din naman tayo ng pupuntahan eh. By the way, I'm Alex. (sabay abot ng kamay niya)"
"Okay lang po ako. Salamat. Ay, huwag na po kayo makipagkamay, marumi po yung kamay ko. Nakakahiya naman po."
"Ano ka ba, ayos lang. Haha, ito naman. Maliit na bagay lang yan, tsaka parang nakikipagkamay lang naman ako. (Sabay ngiti ng napakatamis."
"Paye. (Ngiting Langit)"
"Alex."
Grabe kilig ko nang mga panahong iyan... Kilig to the bones ako. My gassshh! Crush ko na si Alex! Haha! Ay teka, nagke-kwento pa pala ko. So, as I was saying, dun kami nagkakilala ni Alex. Doon kami unang nag-usap.
Inihatid niya ako sa bahay naming kasi pinilit niya ko. Pero ang lola niyo, sobrang kinikilig. Halos hindi ako mapakali nun sa sasakyan nila.
"Hala, Sir Alex, nadudumihan ko yung sasakyan niyo dahil sa putik, pasensya na ho kayo."
"Ayos lang yan, ano ka ba? Hindi ako maarte sa dumi. Pwede naming palitan yang kutson ng sasakyan. "
Kinilig na naman ang lola niyo. Ang amo ng mukha niya, tapos magkatabi pa kami sa likod. Oh em! Kinikilig talaga ko kasi ang gwapo niya, sobra.
BINABASA MO ANG
Wala Nga Bang Forever?
Teen Fictiona Story that will surely capture everyone's heart, mindset and emotions. A love story that isn't common for us filipinos.