"ANG SUMUNOD NA KABANATA"

1 0 0
                                    


"ANG SUMUNOD NA KABANATA"

Makalipas ang dalawang buwan ...

"Nakakapagod! Ang hirap pala maging isang college student." Bigkas ko sa isip isip ko.

Magkasama na naman kami ni Alex kanina, naninibago ako sa kanya. May something talaga sa kanya na ayaw niyang sabihin sakin. Gusto ko siyang kausapin pero may doubt pa rin ako. Pero sabi ko sa sarili ko, Bahala na. Kawawa na naman si Batman sa kanya ko na naman inaasa 'yung mga gagawin ko.

Sa P.E. Class namin ...

"Alex?"

"Oh? Bakit Paye?"

"Pwede ba kitang makausap ng personal? As in tayo lang 'yung magkasama. 'Yung walang nakakakilala sa'tin."

"Ah Sige ba, mukhang personal talaga 'yan ah." Sabi niya sakin.

"Tara, 'dun tayo sa malapit kila Inang Mamay mag-usap sa bahay na lang nila."

Habang naglalakad kami, ang tahimik niya.

"Huy! Okay ka lang? Ang tahimik mo?"

"Okay lang ako. (Sabay ngiti)"

"Sure ka?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman."

Siguro alam niya na 'yung gusto kong sabihin kaya nananahimik siya. Bahala na talaga.

Pagdating namin sa bahay ni Inang Mamay ...

"Anong gusto mo? Juice? Tubig?" Tanong ko kay Alex.

"Okay lang ako. Kahit tubig lang. Ano ba 'yung pag-uusapan

natin, Bakit kailangan tayo lang 'yung dapat magkasama? Tungkol ba

saan to?"

"Basta, saglit lang, ikukuha lang kita ng tubig at meryenda."

Ano kaya gagawin ko? Paano ko uumpisahan 'yung gusto kong

sabihin sa kanya.

Maya-maya ay dala ko na ang tubig at tinapay.

"Ganito kasi 'yun Alex. For sure, nagtataka ka. Gusto ko kasi sanang itanong sa'yo kung ..."

"Kung? Bakla ba ko?"

"Ha, ah, eh, Hindi!"

"Hindi ako bakla. Pero kabilang kami sa LGBT. Isa kasi akong Bisexual. Isang taong umiibig sa parehong kasarian. Pero mas attracted ako sa babae. May iba pa ba?"

"Wala na. Napaka straight-forward mo sumagot."

"Nagtataka lang ako kung paano mo naramdaman? Paano mo nahalata? Iniiba ko naman ang kilos ko." Alex.

"Actually, si Sandy ang unang nakahalata sa'yo. Tinanong ko lang para makasigurado. Alam mo 'yun. Ayoko kasi masaktan."

Hala, nadulas ako sa kanya...

"Anong sinabi mo Paye? Tama ba 'yung narinig ko? Para hindi ka masaktan? Bakit?" tanong sakin ni Alex.

"Ha, wala, wala, wag mo na kong pansinin."

"Sa totoo lang Paye, gusto kita. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat ng 'to pero gusto kong sabihin sa'yo na gusto kita. Hindi ko rin alam kung anong meron ka kaya ako nahulog sa isang gaya mo."

Nabigla ako sa sinabi sa'king 'yun ni Alex.

"Ha?! Paano? Oo na, aamin na ko. May gusto rin ako sa'yo kaya ako nagtanong kung ano ka ba talaga? Kasi gusto kong makasiguro na lalaki ka. Pero wala na kong pakielam kung ano ka kasi mahal na kita. Hindi ko alam kung paano. Love at first sight sabi ng iba, malay ko ba na totoo 'yun."

"Alam mo Paye, wala na 'kong pakielam kung Bi ako, pero para sa'yo, handa akong maging lalaki ng tuluyan."

"Nagkaroon ka na ba ng relasyon sa kapwa mo lalaki?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wala Nga Bang Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon