Paye's P.O.V.
"Bakit ganun? May kakaiba kay Alex kanina. Ano kayang meron sa kanya?" Pagtatanong ko sa sarili ko.
Tinanong ko siya pagkatapos namin kumain.
"Alex..." tawag ko sa kanya.
"Oh Paye, bakit? May problema ba?"
"Wala naman, ang tahimik mo kasi. Ayos ka lang?"
"Ha? Ako?"
"Hindi, si Manong, Ako! Malamang ikaw! Tayo lang naman magkasama sa lamesang 'to eh, sino pa ba?"
"Ah! Hahaha, wala, nasasarapan lang kasi ako sa mga pagkain. Ganito pala yung mga pagkain sa karinderya, ditto na lang tayo kumain tuwing lunch break ha." Wika ni Alex.
Akala ko kung ano yung iniisip niya. Sa bagay, bakit ng aba anman ako maga-assume ng isang bagay na alam kong walang kasiguraduhan. Mahirap umasa sa wala. Pinutol ko na lang 'yung usapan namin sa...
"Sige, magandang ideya, lalaki ang kita ni Inang Mamay."
Hala siya, si Sandy biglang tumatawag.
"Ay teka lang Alex ah,May tumatawag kasi sakin, Saglit lang."
"Sige lang." Sagot ni Alex.
Maya-maya pa ay tumatawag na si Sandy ay Paye.
Kringggg....
Paye : Oh Sandy, napatawag ka?Convo with Sandy
Sandy: Hoy! Best! Nasaan ka?
Paye : Andito kila Inang, bakit?
Sandy: Grabe, hindi man lang ako inaya.
Paye : Aba'y malay ko ba kung anong oras tapos ng klase mo.
Hindi ko naman na alam ang schedule mo, kasi naman lumipat ka pa ng section eh.
Sandy: Si Miss Maricar kasi eh, pinahiwalay pa ko sa
inyo. Nakakainis nga eh. 'Di sana,
magkaklase pa rin tayo hanggang ngayon.
Paye : Ha? Si Miss Maricar? Siya ba nag-ayos ng
schedules natin?
Sandy: Siya nagpaayos. Para daw hindi na tayo
magdaldalan habang may klase. Hahaha,
ikaw kasi dinadaldal mo ko.
Paye : Wow! Ako pa? Eh ikaw nga 'tong laging
kumakausap
sakin.
Sandy: Oh siya, tama na, mawawalan na ko ng load!
Hahaha, nagmayaman lang ako para
tawagan ka. Hihintayin kita sa school
mamayang hapon ha. Hanggang anong oras
ba klase mo ngayon?
Paye : Mga 3:00 P.M. tapos na klase ko. Ang dami
'kong kwento sayo mamaya kapag nagkita
tayo. Grabe talaga best!
Sandy: Nako! May tsika ka na naman sakin, tapos
sasabihin mo, ako dumadaldal sayo. Iba ka
rin ah! Hahaha Charot! Sige, kitakits mamaya bakla! Bye!
Paye : Bye Sandy!
Pagkababa ng telepono, dumiretso na agad ako kay Alex. Aba nakangiti ang mokong, akala siguro nito boyfriend ko 'yung kausap ko. Aba, wala ngang nagkakamali sakin. May mga nanliligaw, oo. Pero walang tumatagal.
"Bakit parang iba 'yung ngiti mo? Boyfriend mo 'yun no? Pakilala mo naman ako." Tanong sakin ni Alex.
"Adik! Anong boyfriend? Bestfriend ko 'yun, si Sandy. Ipapakilala kita sa kanya mamaya pagbalik natin ng school. Hindi kasi kami magkaklase ngayon, nalipat siya ng section." Sagot ko sa kanya na may pagkabigla.
"Ah, akala ko boyfriend mo eh." Dugtong pa niya.
"Bakit? Pag may kausap sa telepono boyfriend agad? Hindi ba pwedeng kaibigan lang o kaya bestfriend? Grabe ka ha."
"Hahaha, binibiro lang naman kita, tsaka malay ko ba kung may boyfriend ko oh wala. Nanghula lang naman ako. Sige, ipakilala mo ko kay Sandy, gusto ko siyang makilala ng personal." Bawi sakin ni mokong.
Alam ko naman ng mga panahong 'yun ay binibiro niya lang ako. Gusto kopa ng asana siyang sagutin ng "eh ano kung boyfriend ko 'yung kausap ko?" kasobaka kung anong isipin niya.
BINABASA MO ANG
Wala Nga Bang Forever?
Teen Fictiona Story that will surely capture everyone's heart, mindset and emotions. A love story that isn't common for us filipinos.