"ANG PAGIGING ISANG MATALIK NA MAGKAIBIGAN"

15 0 0
                                    

KABANATA 2

"ANG PAGIGING ISANG MATALIK NA MAGKAIBIGAN"

Sa pagiging magkaibigan namin ni Alex, never ko na-imagine na magiging kami. Paano nga ba?

Siguro, after ng nagging bangaan naming dalawa, doon nagsimula ang lahat. Lahatng mayroon kami dati ay nagsimula sa putik.

Matapos kasi yung nagging insidente na 'yun naging magkaibigan kami siguro 'nung hinatid at sinabay niya ako papasok. Naging magkakaklase kami nun pero hindi naming alam na magkakasama pala kami sa iisang section.

Masaya ako syempre, crush ko na si Alex noon. Hindi ko alam kung paano? Bakit siya yung nagustuhan ko. Siguro dahil mabait, matipuno kahit 1st year college pa lang kami at kakatapos lang ng hayskul. Bonus na nga lang na gwapo siya.

"Uy! Paye, ano bang ginagawa mo? May iniisip ka na naman?"

"Ha? Wala no! Sorry talaga kanina ha, naabala pa kita."

"Tingnan mo to, ako kaya yung may kasalanan nung nangyari kaninang umaga. Pero isipin mo, kung hindi nangyari 'yun baka hindi kita nakilala. Baka hindid kita naging kaklase. Baka wala kang nakilalang GWAPONG ALEX LACSAMANA!" Tumatawang bigkas ng mokong.

"Ewan ko sayo! Piling mo na naman. Gwapo ng aba? (Sa isip-isip ko, shocks! SOBRA!) Tara kain tayo sa karinderya ni Inang malapit lang dito."

Pero napaisip ako,

"ito? Si Alex Lacsamana? Kumakain sa mga karinderya? Ano ba

yan Paye, mag-isip ka nga!" sambit ko sa isip ko.

"Karinderya? Ano yun? Fast Food Chain? Parang Jollibee? McDonalds? KFC?"

"Hinay-hinay lang, mahina kalaban. Huwag mong sabihin sakin na hindi ka pa nakakakin sa mga karinderya? (Para-paraan ang lola niyo)"

"Hindi pa. Ano ba yun?"

"Karinderya, isang uri ng kainan na may iba't-ibang lutong bahay gaya ng adobo, kaldereta, sinigang, mechado, at marami pang iba."

"Ang cool! May ganun pala, ang alam ko lang kasi mga catering services at fastfood chains. Never ko pang nasubukan kumain sa mga karinderya. Tara kain tayo! Adventure to!" Tuwang-tuwang bigkas ni Alex

"Nice! First Time! Bakit? Wala bang ganito sa inyo? Bagong lipat ka lang bas a La Union?" Tanong ko.

"Kailan lang kami lumipat ditto, laking Maynila kasi ako kaya hindi ako sanay sa mga ganito. At saka, hindi ako sinanay nila mommy at daddy na kumain sa kung saan kundi mga fastdfood at catering restaurants lang." Sagot sakin ni Alex.

"Aba, nakahanap ka ng kaibigan na talagang makakasama mo at magpaparanas sayo ng mga hindi mo pa nasusubukan sa Maynila. Pero teka lang, dapat nga mas marami kang adventure sa Maynila kaysa sa probinsya eh. Bakit ganun?" Sambit ko.

"Lumaki kasi ako sa pamilyang hindi ko naranasan maging Malaya, ngayon lang pagtungtong ko ng kolehiyo ko naranasan 'tong mga ganito. Kaya nga gusto kong sulitin. Syempre, thankful din ako kasi nakilala kita." Alex.

"Asus! Bolero! Wag ako iba na lang!" Panggatong ko sa sinabi niya.

"Ayaw pa? Pero 'di, seryoso. Thankful ako nakilala kita. Bestfriends? (Sabay abot ng feast bump sa akin)"

"Bestfriends!"

Hay nako! Ewan ko ba bakit parang sobra naman atang tinamaan ako kay Alex. Oo, gwapo siya pero iba talaga eh. Sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya na parang ang tagal na naming magkakilala. Alam niyo yun? 'Yung parang since birth magkakilala na kayo.

Lumipas ang mga araw, mas nakilala ko si Alex bilang isang Lacsamana. Taliwas siya sa mga kwento na naririnig ko sa kalye. Sobrang bait niya kasi. Siguro naman nagagatungan lang ng kung anu-anong tsismis ang pagkatao ng bago kong kaibigan at tinuturing kong bestfriend.

Ang hirap pala ng ganun? Bestfriend mo, minamahal mo pero ayaw mong ipasabi kasi mahirap at masakit pala talaga siya. Ewan ko ba, sa dinami-dami ng tao sa mundong to, Bakit si Alexander Gabriel Lacsamana pa?

May purpose naman siguro to. Ang kaso lang, ayokong masaktan. Pero paano ako masasaktan kung hindi rin naman pareho ang nararamdaman naming sa isa't-isa, nag-a-assume na naman ako. Hay nako Paye! Kalma. Kaibigan lang turing 'nun sayo.

"Tara, kain na tayo, nagugutom na ko best! Isama mo na ko dun sa sinasabi mong karinderya! Siguraduhin mong masarap 'yan ha! Umaasa ako!." Sabi ni Alex na may bakas na excitement.

"Oo naman! Pero huwag umasa ng sora, masasaktan ka lang! Ikaw din, magsa-suffer ka sa huli. Hahaha!" sambit ko na may halong pnag-aasar.

"Aba! Nakuha mo pang humugot sa lagay na yan ah. Tara, kain na tayo. Libre ko!" Sabi ni Alex.

"Tara na nga! Gutom ka na nga talaga. Mahirap ka pala malipasan."


Wala Nga Bang Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon