"PAGMUMUNI-MUNI"

4 0 0
                                    

KABANATA 3

"PAGMUMUNI-MUNI"

Alex's P.O.V.

Ako nga pala si Alexander Gabriel Lacsamana, mas kilala sa tawag na Alex. Sabi nila gwapo daw, matipuno, mabait (tooo naman), mala-anghel daw ang mukha at tinatawag na heart throb sa school.

Pero ang hindi alam ng lahat isa akong bisexual. Isang lalaking

umiibig at nagkakagusto sa parehong kasarian. Mahirap pero, kinakaya ko pa namang i-balance ang sarili ko sa lahat ng aspeto ko sa buhay.

Ang istoryang to? Umiikot lang naman to sa amin ni Paye eh. Naalala ko pa noong una kaming nagkita dahil sa isang aksidente. Galit na galit siya 'nun ...

"Hala! Ano ba yan?! Hindi man lang marunong mag-ingat! Hoy!

Bumaba ka nga dyan! Kung sino ka man, mag-ingat ka nga!" Sabi niya na galit na galit ang tono.

Unang bumaba si Mang Jose para kausapin siya kaso hindi

matinag ang bibig. Humingi naman ng paumanhin si Mang Jose pero ayaw tanggapin. Mali nga lang ang naging unang approach ni kuya sa kanya na alukin ito ng pera para ipalaba na lang ang damit niya.

Alam kong nagmamadali ako ng mga araw na yun kasi unang

araw sa pasukan at bago lang ako sa La Union ng mga panahong iyon. Mahirap mag-adopt ng bagong lugar unang-una dahil laki ako sa Maynila. Hindi ako sanay na nakikita ko sa paligid ko ay halos puro puno at lumang bahay. Ang dami ko na namang pakikisamahan nito.

Balik tayo kay Paye, sobrang simple niyang babae pero nakakadala siya. Pakiramdam ko ang talino niya, lahat ng bagay sa mundo alam niya, na ultimo molecules bilang niya. Parang ganun ang tingin ko sa kanya, isang babaeng alam ang lahat sa buhay.

Nung nakita ko siya, tila nahulog agad ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano? Bakit? Sa dinami-dami ng babae na pwede kong maging inspirasyon bakit siya?

Pag-ibig ng aba ito? O Infatuation lang? Mahirap to, napakahirap. Sana kung sakali man, siya na sana ang maging dahilan para tuluyan na kong umibig sa isang babae.

Humingi ako sa kanya ng paumanhin dahil sa kasalanang nagawa ko.

"Pasensya ka na miss! Nagmamadali lang kami ng amo ko, magkano ba palaba ng damit? Babayaran ka na lang namin." Ani ni Mang Jose kay Paye.

"Aba, kuya! Hindi ko po habol ang pera niyo, sa susunod po kasi mag-ingat kayo sa pagmamaneho, nakakaabala kaya kayo. Hindi niyo pagma-may-ari ang lugar na ito." Sambit ni Paye na tipong galit ang tono.

Nang Makita ko na medyo hindi na maganda ang nangyayari, bumaba na ako at lumapit kay Mang Jose. Si Paye naman ay parang natulala na ewan, parang nakakita ng multo na nagpakita sa kanyang harapan.

"Ano pong nangyari Mang Jose?" tanong ko kay Mang Jose.

"Eh boss (sabay kamot sa ulo), nakaperwisyo po tayo eh, sa pagmamadali po natin, natalsikan si ate ng putik. Sabi ko ko nga po bayaran na lang natin eh ayaw naman pumayag." Mang Jose.

"Ah ganun ba, pasensya ka na ate. Nagmamadali lang talaga kami. Ano ba pwede naming gawin bilang kapalit? Gusto mo sumabay ka na sa'min, papunta ako ng (Tumingin sa uniform ni Paye at nakitang magka-eskwela sila.) Teka, taga pamantasan ka rin? Sabay ka na sakin bilang kabayaran sa nangyari? Oh kaya gusto mo hatid ka namin sa inyo para makapagpalit ka?" sabi ko kay Paye.

Hindi umiimik si Paye ng mga sandaling iyon.

"Ano palang pangalan mo ate?"

Tulala pa rin siya.

"Miss? Okay ka lang ba?"

"Ah! Oo, okay lang ako. Ako nga pala si Paye. Nako! Sorry sa abala. Nagmamadali pala kayo, Okay na po ako. Nakakahiya po sa inyo. Uuwi na lang po ako at magpapalit sa bahay." Sagot niya sakin na parang may iba sa nararamdaman niya.

Inaya ko na siya sa sasakyan noon para sumabay na sakin papasok ng eskwelahan total magkapareho lang naman kami ng papasukan.

Dahil sa mahabang usapan naming dalawa, nalaman ko na magkaklase pala kami dahil pareho kami ng kurso at sa hindi inaasahan pareho kami ng section. Sobrang unexpected ng lahat ng to.



Wala Nga Bang Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon