"PAGLILIHIM"

5 0 0
                                    


Bakit nga kaya nakukuha ng isang tao maglihim ng nararamdaman niya para sa isang kaibigan? Alam ko napakabilis ng pangyayari na kalian lang kami nagkakilala tapos sa isang aksidente at hindi sinasadyang pagkakataon pa.

Paano ko nga ba sasabihin to kay Paye? Yung nararamdaman ko? Yung tunay na pagkatao ko? Nakakatakot, Natatakot ako. Hindi ko alam kung papaano niya tatanggapin yung mga sasabihin ko sa kanya.

Nagbabalak na nga akong umamin sa kanya pagkatapos namin mag-lunch doon sa karinderya ni Inang Mama yang kaso, Paano? Siguro hindi na lang muna. Ayoko biglain ang lahat, mahirap na baka masaktan lang kami pareho.

Patapos na kaming kumain ng biglang nagsalita si Paye.

"Alex..."

"Oh Paye, bakit? May problema ba?"

"Wala naman, ang tahimik mo kasi. Ayos ka lang?"

"Ha? Ako?"

"Hindi, si Manong, Ako! Malamang ikaw! Tayo lang naman magkasama sa la mesang 'to eh sino pa ba?"

"Ah! Hahaha, wala, nasasarapan lang kasi ako sa mga pagkain. Ganito pala yung mga pagkain sa karinderya, ditto na lang tayo kumain tuwing lunch break ha." Wika ni Alex.

"Sige, magandang ideya, lalaki ang kita ni Inang Mamay."

Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone ko. Ang korni pa nga ng tunog, Pusong Bato yung kanta. Nakakahiya kay Alex.

Krinnggggg...

"Ay teka lang Alex ah,May tumatawag kasi sakin, Saglit lang."

"Sige lang." Sagot ni Alex.

Lumabas siya ng karinderya habang kinakausap ang kaibigan niya.

Habang ako naghihintay sa kanya, inihanda ko na 'yung pambayad sa kinain namin. Hindi ako makapaniwalang nakaubos ako ng tatlong kanin.

Tinititigan ko si Paye sa labas habang kinakausap niya yung nasa kabilang linya. Ang saya at ang ganda niyang ngumiti. Nakakadala siya, pati ako nahahawa sa mga ngiti niya.

Maya-maya lamang ay bumalik na si Paye galing sa labas. Paglapit niya sakin parang ang weird niya, nakangiti na ewan.

"Bakit parang iba 'yung ngiti mo? Boyfriend mo 'yun no? Pakilala mo naman ako."

"Adik! Anong boyfriend? Bestfriend ko 'yun, si Sandy. Ipapakilala kita sa kanya mamaya pagbalik natin ng school. Hindi kasi kami magkaklase ngayon, nalipat siya ng section."

"Ah, akala ko boyfriend mo eh."

"Bakit? Pag may kausap sa telepono boyfriend agad? Hindi ba pwedeng kaibigan lang o kaya bestfriend? Grabe ka ha."

"Hahaha, binibiro lang naman kita, tsaka malay ko ba kung may boyfriend ko oh wala. Nanghula lang naman ako. Sige, ipakilala mo ko kay Sandy, gusto ko siyang makilala ng personal."

Natawa ako sa reaksyon niya 'nung tinanong ko siya. Parang ewan, pero may kakaiba akong naramdaman nung kinakausap niya si Sandy. Hindi ko alam kung ano at bakit pero may kakaiba talaga.

Sana sa takdang panahon ay masabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko.E

Wala Nga Bang Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon