"PAG-AMIN"

1 0 0
                                    


Habang naglalakad kami ni Alex pabalik ng school, may sumagi sa isip ko na gustong-gusto kong itanong sa kanya.

"Alex."

"Oh Paye, Bakit?"

"May gusto sana kong itanong sayo."

"Ano yun?"

Hindi ko alam kung tama tong gagawin ko, bahala na. Alam ko ang landi ko tingnan sa gagawin ko pero wala lang, gusto ko lang maging straight forward asa kanya. Ganun kasi ako, pag may gusting malaman tinatanong agad.

"Nabusog ka ba?"

"Oo naman. Ang sarap nga ng mga lutong bahay 'dun eh. Basta 'dun na tayo kakain tuwing lunch break."

"Good! Masarap talaga magluto si Inang."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nautal at iba ang itinanong ko sa kanya. Pinangunahan na siguro ako ng hiya at kaba ko.

"Pero sersyoso Paye? May iba ka pa bang gusting itanong sakin? Parang may iba pa kasi eh." Tanong sakin ni Alex.

"Ahh, ganito kasi 'yun Alex, parang... parang... parang may iba kasi."

"Iba? Saan? Ano naman 'yun?"

"'Wag na, ang korni e, next time na lang."

"Tingnan mo to. Para ka namang timang bestfriend eh. Tungkol ba saan?"

"Hindi, wala nga. Basta itatanong ko rin 'yun sa'yo pero hindi muna ngayon. Bastaaaaa!" Sabi ko na may pagpipilit para huminto na siya.

Medyo nabagabag ako nang mga oras na iyon. Ewan ko ba, bakit ba kasi naglakas-loob pa kong magtanong ng ganun. Lakas ko rin eh.

Maya-maya nakarating na kami sa school at tumungo na agad sa klase namin.

After 1 hour and 30 minutes ...

School bell is ringing ...

"Alex, una na ko sa'yo ah. May pupuntahan lang ako."

"Ha? Teka, akala ko ba ipapakilala mo ko kay Sandy?"

"Ahh, Eh, sa susunod na lang. Babawi muna ko sa bestfriend kong 'yun. May pag-uusapan lang din kami. Importante lang. Hayaan mo sa susunod ipapakilala kita sa kanya at para makilala mo na rin siya, for sure magkakasundo rin kayo 'nun." Wika ko na may pagmamadali.

"Ganun ba? Sige. Ingat ha. Teka lang ..."

"SIge, alis na ko ha, Bye!"

"... Di ko pa nakukuha number mo."

Alex's P.O.V.

"Alex." Tawag niya sakin.

"Oh Paye, Bakit?"

"May gusto sana kong itanong sayo."

"Ano yun?"

Nagtaka ako 'nung una. Ano kaya 'yung gusto niyang itanong sakin. Pero nabigla ako 'nung sinabi niya na 'yung tanong niya.

"Nabusog ka ba?"

"Oo naman. Ang sarap nga ng mga lutong bahay 'dun eh. Basta 'dun na tayo kakain tuwing lunch break."

"Good! Masarap talaga magluto si Inang."

Naguluhan ako at nagtaka. Kaya tinanong ko siya kung ano ng aba 'yung gusto niyang itanong. Pero ang sagot niya lang sa'kin ay wala, basta, sa susunod na lang. Siyempre nakakapagtaka naman.

Mas nagtaka ako 'nung matapos na ang huling klase namin. Nagmamadali siyang umalis daihl kikitain niya daw si Sandy na bestfriend niya. Nangako pa naman siyang ipapakilala niya ko kay Sandy kanina 'nung andoon pa kami sa karinderya ni Inang Mamay.

Ni hindi ko man lang nakuha 'yung number niya kanina dahil sa sobrang pagmamadali niya.

Pakiramdam ko, alam ko na 'yung itatanong niya sa akin. Marahil napangunahan lang siya ng hiya at kaba. Pero kung sakali na tama ang iniisip ko, paano ako aamin? paano ko sasabihin? Maging ako ay nahihiya.

Bahala na. Siguro patatagalin ko muna dahil baka infatuation lang to. 

Wala Nga Bang Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon