Paye's P.O.V.
Grabe, sobrang pagmamadali ko kanina hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Pakiramdam ko alam niya na 'yung itatanong ko sa kanya. Pero hindi. Hindi dapat niya ako mahalata at hindi niya dapat malaman.
Nakita ko si Sandy na naghihintay doon sa waiting shed ng school. Naiinip na ata ang bestfriend ko.
"Huy Sandy! Tara. 'dun na tayo sa bahay mag0usap, ang dami kong ikekwento sa'yo."
"Hay salamat, dumating din ang lola niyo. Ang tagal mo kanina pa ko andito. Tinutubuan na nga ako ng ugat sa paa, para na kong puno dito for 6 years." Sambit niya na may pagrereklamo.
"Tama na Sandy, dami pang hanash. Eton a nga di ba. Andito na ko. Tara na!"
Habang naglalakad kami pauwi ng bahay, may bumusina sa amin ni Sandy. Si Alex pala, dumungaw pa sa bintana.
"Paye, Ingat kayo ah. See you sa school bukas."
Natameme ako 'nung nakita ko si Alex, si Sandy naman nagtititili paglampas ng sasakyan. Akala mo nakakita ng artista na ewan.
"Oh My G! Sino 'yun best? Ikaw ha. Ang gwapo niya! As in! Sobrang gwapo niya, Shocks! Ipakilala mo ko sa kanya! As in! Oh My G! Boyfriend mo?"
"Gaga, anong boyfriend? Bagong kaibigan ko 'yun, si Alex Lacsamana. Kanina lang kami nagkakilala. At saka mahabang istorya. Tungkol sa kanya nga 'yung ike-kwento ko sa'yo eh."
"Aba aba! Marami kang hanashi sa'kin pagdating sa inyo."
Pagdating namin ng bahay, agad-agad akong tsinika ni Sandy, halos kakalapag lang ng gamit namin sa mesa.
"Oh, You make kwento na! Sinetch itey na Lalaki?"
"Si Alex nga, kaninang umaga kasi, ganito yun. Habang naglalakad ako papasok sa school natin, may dumaang sasakyan tapos nagmamadali. Naputikan pa nga ako kaya umuwi ako ulit dito sa bahay."
"Oh tapos? Dali-dali, ano pa?" Atat na sambit ni Sandy.
"Ayun, si Alex pala 'yung sakay 'nung sasakyan. Pagbaba niya, inalok niya ko na sumabay na sa kanya dahil pareho kami ng school, pero hinatid niya muna ko dito sa bahay para makapagpalit. Tapos ayun na. Sabay na kaming pumasok. Ang bait nga niya sakin eh. Walang bahid ng arte sa katawan kahit mayaman."
"Taray ng lola ko, Haba ng hair mo dun. Abot hanggang Bayan. Repunzell ikaw ba yan? Patingin nga? Talian kita." Pang-aasar niya sakin.
"Nako Sandy, tigilan mo nga ako."
"In-all-fair-of-ness bestfriend, ang gwapo niya. Mukha siyang artista. Crush mo na siguro 'yun no?"
"Over, crush agad? Ewan ko best. Pero may kakaiba nga akong naramdaman kaninang umaga 'nung nakita ko siya. Hindi ko alam kung infatuation o love at first sight ba 'yun."
"Over over ka best! Lakas mo maka PBB Teens d'yan. Love at first sight? Duh, may mga taong mabilis talagang nafa-fall sa isang taong kakakita o kakakilala lang niya. Pero malay natin."
Itong kaibigan kong 'to hindi mo alam kung sinusuportahan ako o nang-aasar lang talaga eh. Sarap maging kaibigan ni Sandy, promise sobrang sarap. Suportado ka niya kahit saan.
"Ewan ko best..." sabi ko na parang may pag-aalinlangan.
"Teka nga Paye, how can you be sure that he's a guy? Not a gay?"
"Grabe ka naman Sandy."
"Oh bakit? Im just being practical, may mga gwapong lalaki ngayon na nagpapanggap na lang na lalaki ah, ang dami kayang ganun."
"Hindi naman siguro. I think he's a straight guy. Pero kung sakali man, sayang. As in, sayang talaga."
Napaisip ako sa sinabing 'yun ni Sandy. Malay nga naman natin, hindi ko pa kasi lubos na kilala si Alex. Isang araw pa lang kami magkakilala, oras pa nga lang kung tutuusin.
Ayoko na lang mag-isip ng kung anu-ano dahil hindi naman tama iyon.
BINABASA MO ANG
Wala Nga Bang Forever?
Teen Fictiona Story that will surely capture everyone's heart, mindset and emotions. A love story that isn't common for us filipinos.