3] Kanlungan

143 9 3
                                    

Chapter Three

Refuge

“Nahuli namin sila sa kakahuyan, Gat Ibal, na kahina-hinala ang mga kilos.”

          Itinulak kami paluhod ng taong dumakip sa amin sa harap ng tinatawag nitong Gat Ibal. Nasaktan ako sa pagkakabagsak ko pero hindi ko iyon pinahalata. Nang tumingala ako, nakita ko ang larawan ng isang lalaki na may malakas na personalidad. Sa tantiya ko kasing edad lamang siya ng ama ko.

          “May nakuha din kaming ginto na sa palagay namin ay mga nakaw,” patuloy ng lider ng grupo kanina. May sinenyasan ito, saka pumasok ang ang mga tauhan nito na dala ang mga bagay na nakuha sa amin.

          “Anong pangalan mo munting binibini?” tanong ni Gat Ibal matapos tingnan ang mga gamit nila.

          Naisipan kong ibahin ang pangalan ko. Pero nang titigan ko ang mga mata niya, hindi ko magawang makapag-sinungaling. Napayuko ako. “Suyen ang pangalan ko.”

          “Magandang pangalan. Hindi mo ba alam na delikado para sa katulad mo ang na lumabas sa ganitong oras?”

          “May mga kasama ako. Isa pa, kailangan ko makarating agad sa aming tahanan. May karamdaman ang aking ina.” Pinanindigan ko talaga ang kasinungalingan na sinabi ko kanina.

          “Maski na. Hindi mo ba alam na nakarating na dito sa Ibalon ang mga kawal ng imperyong Tsina? Isang batang babae ang kanilang pinaghahanap na katulad ng deskripsyon mo.”

          Tumiim ang tingin sa akin ni Gat Ibal. Parang may hinahanap ito sa akin. Kinabahan ako sa paraan ng pagkakatitig sa akin nito.

          “Ikaw ba ang Prinsesa ng Tondo? Ikaw ba si Dayang-dayang Suyen?”

          Parang pasabog ang naging dating ng mga tanong nito. Hindi ko malaman kung ano ang aking isasagot. Napatingin ako kay Basod at kay Onang. Pasimple silang umiling.

          “Wala kang kailangang ipangamba, munting binibini,” sabi nito nang makita ang kanyang pag-alangan. “Ang bayan ng Ibalon ay bukas para magkanlong sa Prinsesa ng Tondo, at sa nasasakupan nito.”

          “Hindi po ako ang Prinsesa, Ginoo,” tanggi ko. Mas makakabuti kung itatago ko na lamang ang katauhan ko. Sa puntong ito, walang akong ibang maaasahan na kakampi kundi ang aking sarili. “Kaya kung maaari, pakawalan mo na kami.”

          “Hindi ko magagawa ‘yon. Maliban na lang kung maipalawanag niyo ng maayos ang mga gintong nakuha sa inyo. Kung hindi, bibigyan namin kayo ng karampatang kaparusahan.”

          Walang sumagot sa amin.

          “Kung ganoon, ipinag-uutos ko ang tatlong buwang pagtatrabaho ng walang bayad ng tatlong ito sa Ibalon. Sa pagtatapos ng panahong iyon saka ko pagde-disisyunan kung makakalaya na sila.”

          (Itutuloy…)

Lakambini ng TondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon