Ilang araw na kaming naglalakbay, pero mapahanggang ngayon ay wala pa rin kaming nakukuhang masisilungan. Nakakalungkot, dahil kung sino pa yung inaasahan mong tutulong sa’yo, siya pa yung tatalikod sa’yo. Ilang kaalyadong estado ng Tondo ang napuntahan namin, pero lahat sarado ang pinto para sa amin.
Ang totoo, hindi namin alam kung saan kami patungo. Gusto ko nang sumuko. Naiisip ko na sana kasama na ako nina ama at ina na namatay. Pero sina Onang at Basod, patuloy na pinapalakas ng mga ito ang aking loob.
Palipat-lipat kami ng tinutuluyan. Sa takot na baka matunton kami ng mga Intsik. Katulad na lang ngayon, may narinig kaming usap-usapan sa pamilihan ng Camarines na may taga-Tondo daw na nakatakas at hinahabol ng mga intsik. Kahit bayad na ang upa namin para sa isang linggo, napilitan kaming lisanin ang lugar.
Patungo kaming timog. Kahit delekado dahil gabi na, hindi kami nagpapigil. Hinahabol kami ng mga Intsik. At malapit na nila kaming maabutan. Papalabas na kami ng kakahuyan, nang may grupo na tumambang sa daanan namin. May mga sulo silang hawak at nakatutok sa amin ang kanilang espada.
“Sino kayo?” tanong nang parang lider nila.
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Magpapakilala ba ako bilang Prinsesa ng Tondo? O baka kapag ginawa ko yun ay makokompromiso ang kaligtasan namin.
“Magsalita ka!” Hinawakan nito ang aking baba.
Napabunot ng espada si Basod at itinutok iyon sa Lider. Pero limang espada naman ang agad na nakatutk sa leeg ni Basod.
“Basod, ibaba mo ang sandata mo,” sabi ko.
Nang ibaba ni Basod ang sandata niya, napangisi sa akin ang Lider. “Ma-awtoridad ang salita mo bata. Isa kang maharlika, hindi ba? At saan naman kayo kayo galing para maglakbay sa kadiliman ng gabi? May tinatakasan?”
“Wala kaming tinatakasan,” sabi ko.
“Pero kahina-hinala ang paglalakbay niyo. Lalo na dumaan pa kayo sa loob ng kakahuyan.”
“Nagmamadali kami. May karamdaman ang ina ko at kailangan niya ng gamot na dala namin,” pagsisinungaling ko.
“Talaga?” may pagdududang sabi niya. Sinenyasan niya ang mga kasama niya at saka hinalughog ang mga dala-dala namin.
“Ano ba? Gamit namin ‘yan, huwag niyong pakialaman,” sigaw ni Onang.
“Amo, may mga ginto dito,” ani ng isang humalughog. Tiningan ng lider ang tinutukoy ng lalaki at nakumpirma nga nito ang gintong dala nila.
“Ninakaw niyo ‘to, ano?” akusa sa kanya ng Lider.
“Pag-aari namin ang lahat ng iyan.”
“At bakit naman may dala ang isang batang katulad mo ng ganyan kadami na ginto? Isa lang sagot diyan, iyon ay dahil ninakaw niyo yan. Kaya rin pala kayo nagmamadali.”
“Wala kaming ninanakaw. Lahat ng dala namin ay pag-aari namin.”
“Huwag ka sa akin magpaliwanag. Kumpiskahin lahat ng gamit na ‘yan. At dakpin ang tatlong iyan.”
Hindi na ako nakapalag ng dalawang malakas na kamay ang nagtali sa kamay ko. Ganoon din ang ginawa kina Onang at Basod. Wala kaming ideya kung nasaang lugar na ba kami. At wala kaming ideya kung anong mangyayari sa amin ngayon.
--end of update--
A/N: Haha...parang waley 'tong update na 'to.
BINABASA MO ANG
Lakambini ng Tondo
Historical FictionLAKAMBINI NG TONDO ©2012 Period Romance | Historical Fiction | Political Novel | Action & Adventure | Ang aklat na ito ay naka-base sa ika-labing anim na siglong Kaharian ng Tondo. May mga pangalan, pangyayari, o anumang bagay na nakatala sa kasaysa...