4] Bagong Yugto (2)

158 9 3
                                    

Sampung taon ang lumipas…

“Hyaaahhh…!”

           

            Hinigpitan ko ang hawak sa aking espadang-kahoy saka sumibad pasugod sa katunggali ko. Buong pwersang inunday ko ang espada pero mabilis naman itong sinalubong ng sandata ng kaharap ko. Saglit kaming nagsukatan ng lakas habang magkadikit an gaming espada bago ako dumistansya.

            “Hanggang dyan ka na lang ba? Sa lagay mong iyan, sa tingin mo mababawi moa ng Tondo? Hindi pa tayo nag-iinit pero pagod ka na,” patuyang sabi ng panganay ni Gat Ibal na si Haji. Simula pa man, ramdam ko na ang bigat ng dugo niya sa akin. Taliwas sa mainit na pagtanggap sa akin ni Dayang Yumina at ni Yana.

            “Sinong may sabing pagod na ako?” bwelta ko sa kanya, habol-habol pa rin ang aking hininga. “Sa tingin ko ikaw ang mas pagod sa ating dalawa. Hanggang depensa na lang ang kaya mong gawin.”

            “Sumugod ka nang magkaalaman na,” inis na sabi nya na halatang tinamaan sa sinabi ko.

            “Huwag mo naming pahirapan ng husto si Suyen, kuya. Babae pa din sya, baka nakakalimutan mo,” singit ni Yana na nanonood sa kanilang ensayo. Katabi nito si Kapitan Biga na kanilang guro sa pakikidigma. Siya rin yung nakatagpo sa amin sa kakahuyan.

            Tumakbo ako pakaliwa. Parang tinatamad naman na itinaas ni Haji ang espadong kahoy nito at sinundan lang ako ng tingin. Inikutan ko siya at nang makakita ako ng pagkakataon, mabilis akong umatake. Pero ganoon din kabilis nahuli ang espada ko ng espada nya. Sa lakas ng pagkakaunday niya, nabitawan ko ang sandata at tumilapon iyon ng ilang metro.

            “lahat ng kilos mo, naisulat na at nabasa ko na sa mga aklat. Kung balak mong kunin ang Tondo, huwag ka nang sumubok. Ipapain mo lang ang sarili mo sa kamatayan. Ang pakikidigma ay hindi lang pagbibilang ng “isa hanggang sampu”, dapat marunong ka din “gumuhit ng iba’t-ibang hugis”. Kung gusto mong matalo ang kalaban, sumugod sa pagkakataon at pamamaraan na hindi nila aasahan.”

            Hindi ko pinansin ang pinagsasabi nito. Inirapan ko lang sya bilang tugon. Akmang dadamputin ko ang aking espadang-kahoy, nang mahagip ko ng tingin ang espada niya na lumilipad sa aking direksyon. Mabilis akong umiwas ngunit saktong pagharap ko ay nasa harap ko na si Haji, nakatutok ang hintuturo nito sa aking leeg.

            “Ganito dapat sorpresahin ang kalaban,” sabi niya.

            Inis na hinawi ko ang kamay nya sabay mabilis na hinawakan iyon at pinilipit papunta sa likod niya. Napa-daing ito. “Ganito dapat sorpresahin ang kalaban,” nang-aasar na bulong ko sa kanya.

            Binitawan ko lang siya ng makarinig ako ng palakpak sa likod. Paglingon ko, si Gat Ibal pala. Natatawang lumapit ito sa amin. “Mahusay. Mabilis kang matuto, Suyen. Ano sa tingin mo Haji?”

            Hindi sya sumagot. Sa halip tinalikuran lang kami nito. Nang mawala sa paningin naming si Haji, sumeryoso bigla ang mukha ni Gat Ibal.

“May sasabihin ako sa’yo, Suyen. Sumunod ka sa akin.”

(Itutuloy…)

Lakambini ng TondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon