Paunang Salita

399 6 5
                                    

     Ang aklat na ito ay isang on-going na nobela. Hangga't maaari, ayokong lumayo sa totoong environment noong ika-labing anim na siglong Kaharian ng Tondo. Pero mahirap ang humanap ng mga detalyadong impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Tondo. Napaka-basic lang yung makikita sa internet  at karamihan pa, magkakasalungat ang sinasabi.

     Matinding research talaga ang kailangan, at 'yun ang wala ako. Magkagayunman, hindi naman 'yun hadlang para hindi ako makapag-update sa nobelang 'to. Gagawin ko naman ang lahat para maging makatotohanan ang mga tagpo dito at maibigay ko sa inyo ang pinapangako ng nobelang ito: isang Period Romance na may halong temang-politikal na sinamahan pa ng maaksyon na tagpo.

     Dahil nga on-going, may mga pagkakataon na maaari kung baguhin yung eksena, o may idagdag na deskripsyon, o may alising tagpo para mas mapaganda ang kwento at i-apply yung mga nakalap kong bagong research. Magkagayunman, pipilitin kong hindi iyon gawin para naman hindi kayo malito.

     Kapag hindi ako nakakapag-update, nasa-eskwelahan ako o kaya naman nasa National Library, nagbabasa ng mga History books na sinulat ni Landa Jocano, ni William Henry Scott, at pati na rin ni Nick Joaquin. 

     Maligayang Pagbabasa!

Lakambini ng TondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon