POLAI

5K 65 3
                                    

CHAPTER 1: POLAI

"Ma'am,you should stay here in the hospital.I'm sorry to tell you but stage 3 na po.Hindi mo man masyadong nararamdaman pero unti-unti ng naaapektohan ang mga cells mo sa katawan.We need to take care of you starting today."

----

"Loko talaga yung Doktor Albert na yun.Idiscourage ba naman ako.Puro negative ba naman ang pinagsasabi sa harap ko. Hay naku! Sana hindi nalang ako nagpacheck up kanina."Sabi ko sa sarili habang naglalakad ako patungo sa bus terminal. Pinipilit nila akong huwag na pauwiin para daw mamomonitor talaga ako.Pero nagpumilit akong wag manatili doon.Inaway ko talaga si Doc Albert para lang makauwi ako.Ayaw na ayaw kong mag-stay sa hospital.Lalo akong mamamatay dun.

Gusto kong kalimutan ang mga sinabi ni Doctor Albert sa'kin.Pero nabalot ng lungkot ang mundo ko.Hindi ako makapaniwalang malapit ng matapos ang buhay ko.Ayaw kong umiyak pero kusang tumutulo ang luha saking mga mata.

Bumagal ang lahat.

Nararamdaman kong natatakot ako sa possibleng mangyari pero pilit ko lang pinapatatag ang sarili ko. Walang ibang magbibigay ng comfort sa sarili kundi ako lang.

Umupo ako sa bench ng terminal.Hinihintay kong dumating ang next bus.Tulala parin ako.Di ko na alam kong anong iisipin para lang makalimutan ang bad news na narinig ko kanina.Siguro nga bukas or sa makalawa eh tuluyan na akong bibigay.

----

Oo nga pala,bago ang lahat,ako nga pala si APPLE SANTOS."Polai"ang nickname ko.Nagtatrabaho ako bilang architect sa Horiyama Association dito sa Quezon City.Mag-isa nalang ako sa buhay.Hiwalay na kasi ang mama at papa ko.Nagsilayasan talaga silang dalawa na parang wala silang anak na naiwan sa bahay.19 years old ako nung iniwan nila ako.Pilit akong sinasama ni mama sa Korea para doon nalang kami manirahan.Pero dala din siguro ng galit ko noon sa kanila,nagpumilit talaga akong magpaiwan nalang dito sa Pinas.May mga relatives din naman kami,pero ayaw ko nang dumagdag pa sa problema nila.Sa murang edad,nagtrabaho na ako bilang crew sa isang fastfood chain para lang makapagtapos ako.At sa awa ng Diyos,graduate naman ako sa kursong architecture.Maaga akong namulat sa mga responsibilidad na dapat mga magulang ko ang gumagawa. Pero wala akong choice.

May kanya-kanyang pamilya na ang parents ko ngayon.Si mama,may 2 anak na sa isang Korean national.Si papa din naman,pinagpatuloy yung relationship niya sa naging ka-affair niya noong di pa sila naghihiwalay ni mama. Nandun siya ngayon sa Bacolod. Balita ko may 4 na anak na siya.

Naiisip ko din na mas mabuti nadin sigurong hiwalay ang parents ko kasi noong buo pa ang pamllya namin,minsan lang kami sumaya.Araw o gabi,personal man o phone lagi talaga silang nag-aaway.Meron pa naman akong contacts nila.Kinukumusta nga nila ako every week end.Pero kapag nakikipag-usap ako sa kanila eh panay "Opo","okay lang po ako","cge po" ang sinasagot ko sa kanila.Honestly kasi ayaw ko talaga silang makausap. Gustohin ko man na magkasama kami ulit eh malabo na talaga mabuo ulit ang pamilya ko.

---

"Ang tagal naman ng bus".Pareklamong sabi ko habang tumitingin sa relo ko.

"Ano ka ba Miss.10 minutes ka pa namang naghihintay diyan.Ang layo pa ng oras".Biglang sambat ng isang lalaki na nakatayo malapit sa inuupuan ko.

"What??"sabi ko.

"Sabi ko maputla ka".Nakangiting sagot niya sakin.

"Hoy ha!Ba't ba feeling close ka?At tsaka kung sinasabi mong 10 minutes palang akong nakaupo dito at malayo pa ang oras,para sabihin ko sayo,matagal na ang 3 minutes sakin.Palibhasa kasi kayong mga tao di alam ang halaga ng bawat minuto!".Pasigaw kong sabi sa kanya.Kasi naman nakakahigh blood.Todo emote na ako tapos biglang eeksena.

"Oops Oops!"tinaas niya mga kamay niya."Teka miss maputla,di naman kita ina-ano ah.At kung magalit ka diyan eh parang ninakaw ko bag mo! "depensa niya.

"Ehhh,kasi naman ikaw.Bigla ka nalang nagsasalita diyan".Sabi ko.

"Okay! Sorry na."Sabi niya.

Maya-maya ay dumating na ang bus.Nagmadali akong sumakay.Nasa utak kong umiwas na sa lalaking yun.Nang nakaupo na ako,nakita ko siyang nagpaiwan dun sa terminal.Kala ko ba sasakay ang gagong yun.Tinawag ba naman akong Miss maputla???!!!

---

Ang tahimik ng bahay.As usual, sanay na akong ganito.TV lang ang nag-iingay.Di ko type ang mag-enjoy sa buhay kaya bahay lang at office ang destination ko.

Di nagbago ang itsura ng bahay namin. Nakaarrange parin ang mga old dolls ko sa may piano.Ang mga CD collections ni papa,nasa box parin na nasa ilalim ng aparador.At ang mga little figurines ni mama,nakadisplay parin.Ayaw ko nang baguhin pa.Atleast naman kasi maaalala ko ang mga magulang ko araw-araw.

Pumunta ako sa kusina para tignan kung may pwede bang makain.Last week pa akong nakapag-grocery at tingin ko wala ata akong stocks.Nang binubuksan ko na ang ref,biglang sumakit ang tiyan ko.Hanggang sa humina ang buong katawan ko.Napatakbo ako bigla sa may lababo kasi nasusuka ako.Dali dali kong kinuha ang mga pain relievers na nasa cabinet.Umatake na naman ang sakit ko.

*to be continued..

Miss CancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon