Dinner

2K 36 0
                                    

PART 3 : Dinner

---

"Huh? bakit?"

"Ahm, basta. Gusto ko lang mag-dinner."

"Pwede ka namang mag-dinner mag-isa ah."

"Galit ka pa? ahm.. mas maganda kasing may kasama ako."

medyo matagal din bago ko siya nasagot.

"Ah okay. What time?"

"This 6pm."

"Okay. Sunduin mo nalang ako sa bahay ko."

Dumiritso na ako sa CR. I washed my hands. Nasa isip ko parin ang conversation namin ni Tristan. Ba't ba gusto niyang mag-dinner with me?

----

"Ang tagal mo namang mag-CR." sabi ni Ethel.

"Ah-eh madaming nakapila."

"Nakapila ka diyan. Eh, nabibilang lang naman ang costumers ngayon. Ano ba talaga? "

"Huwag ka ngang ano diyan."

"Nagsisinungaling ka. Alam kong sinundan ka nung gwapong chef na yun. Ano ba kayo?"

"Hoy hindi kami ano ha! Oo, nag-usap lang kami saglit. May tinanong lang siya"

"Ah ganun. If manliligaw siya sayo, update us ha. Susuportahan ka namin ni Bruce." sabay ngiti ni Ethel.

"Manliligaw agad? ay nako. Ikaw talaga. Tara na nga. Tapos ka na diyan?" naiinip kong sagot.

"Oo madam. Tapos na. Iuuwi na kita kasi ayan ka na naman. Pero kain mona tayo saglit. Gutom na ako eh"

"O sige dali na."

----

5pm na. Nalilito ako kung ano ba ang susuotin ko. Wala yata akong matinong damit dito sa cabinet. Hindi naman kasi ako mahilig nang mga sexy na damit.

Date nga ba to? Hindi naman siguro. Gusto niya lang may kasama sa dinner. Di na ako dapat magsuot ng magarbong damit.

"You look cute sa suot mo. "

Simple lang ang suot ko. Long sleeve na color blue. May scarf. Naka-bonnet na din ako. Nakadenim jeans lang din. Parang korean lang haha!

"Susss, Nambola ka pa."

"Sorry kasi wala akong kotse eh. Sasakay lang tayo ng Bus. Okay lang ba sayo?"

"Oo naman. Sanay na akong mag-bus."

"Good. So ano tara na?"

---

SA BUS

"Apple, anong gusto mong gawin ngayon?"

"Di ba kakain tayo?"

"Ah oo, that's not what I mean. Ano, anong mga gusto mong gawin sa buhay mo since nalaman mo nang maysakit ka na."

"Hindi ko alam Tristan. Pero ang alam ko lang matatapos na ang mga araw na ako lang mag-isa sa buhay."

"San parents mo? relatives mo?"

"Wala. Ako lang mag-isa. Ah teka. San ba tayo kakain ngayon?"

"Ah eh, basta.. ako nang bahala."

--

"Para po."

"Ha?"

"Dito lang tayo."

Miss CancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon