CHAPTER 7 : EFFIEL TOWER
---
Kinabukasan
Ininom ko ang mga gamot ko. 10 tablets pain relievers per day. Hay naku! Ayaw na ayaw kong lumunok ng gamot pero ganto talaga eh.
Nag-ayos na ako ng sarili. Ang putla nga ng mukha ko. Pumayat narin ako mula nung na-diagnosed ako.
Lumabas akong mag-isa. Medyo awkward pa kasi ang atmosphere namin ni Tristan kaya di ko muna siya tinext.
Pumunta ako sa Rue Cler market. Ang daming murang pagkain. Kakaiba ang mga street foods nila. Sobrang sarap din katulad nung nasa pinas. Bumili narin ako ng mga accessories at mga damit. Buti nalang din di ko sinama si Tristan kasi sure akong di siya makakarelate. Mapapagod lang yun sa kakasunod sa akin.
Nag-ring ang phone ko.. tumatawag si Tristan.
Tristan:"Hello Apple? San ka ngayon?"
Ako: "Lumabas ako. Naghahanap ng mga kung ano ano"
Tristan: "Ah ganun ba. Di mo talaga ako niyaya"
Ako: "Eh kasi di karin makakarelate sa mga bibilhin ko. Ahm, nasan ka ba ngayon?"
Tristan: "Nasa likod mo."
Gago, andyan nga siya. Medyo malayo ang distansya naming dalawa. Nagkatitigan kami. Ewan pero bigla nalang tumigil ang mundo. Parang nag-slow motion ang lahat ng mga taong dumadaan sa amin.
Nakangiting lumapit sa akin si Tristan.
"Wow ha.. pano mo ako agad nahanap?" tanong ko.
"Malakas pang amoy ko.Dejoke, eh kasi nagtanong ako sa attendant ng hotel. Nagtanong ka daw kung san ang may murang bilihan dito sa Paris. Kaya yun."
"Haha. Ikaw na talaga ang spy ng lahat."
"Kain tayo. Tara!" yaya niya.
Sa Villa Spicy restaurant kami pumunta.
"Nakakatawa naman. At talagang dito talaga punta natin ha?" sabi ko sabay tawa.
"Gusto ko ng maanghang ngayon."
Habang kumakain kami. Panay ang picture2x namin. Eh ano pa nga ba? Iaupload niya daw kasi sa Instagram. Nakakatawa mga mukha namin dun. Puro wacky. Kinuhanan pa niya mukha ko habang na-aanghangan sa kinakain ko.
"Gawa kana kasi ng Instagram mo." sabi ni Tristan.
"Ayaw ko nga. Ayaw ko sa mga picture2x eh. Ahm, pwede mo ba akong samahan mamaya?"
"Saan?" tanong niya.
"Sa hospital dito. Sabi kasi ni Doctor Albert kailangan ko ring magpacheck up dito.Nacontact na niya ang Pinoy doctor na magmomonitor sa akin dito. Doctor Henry yata ang name nun. Para malaman kong ano status ng baliw na katawan ko."
"Ah oo ba."
---
Palabas na kami ng hospital. Ayun, wala akong ganang kumibo.
"Ahm apple, san tayo pupunta ngayon?" tanong ni Tristan. Halatang nanamlay din siya.
"Gusto ko nang bumalik ng hotel. Pagod na ako."
BINABASA MO ANG
Miss Cancer
RomantikSanay na akong malungkot, sanay na akong mag-isa. Hindi na bago sakin ang susunod na mangyayari. Sarili ko lang ang meron ako.