BONJOUR PARIS!

1.5K 32 0
                                        

CHAPTER 5: BONJOUR PARIS

---

Habang naglalakad kami patungo sa bahay.

"Kailan nga pala alis mo?"

"Bukas na."

"Huh? Grabe ka naman. Talagang inantay mo lang kinasal ang kaibigan mo."

"Ganun na nga, buti nga naka-attend ako eh. At very important sa kanya ang araw na toh. Di pwedeng wala ako. Magtatampo sakin yun. Baka nga di ko na siya makita ulit."

matagal din nakasagot si Tristan.. nakikita kong malalim ang iniisip niya

"Ahh ganun ba. Ano'ng oras ka bukas?"

"Bakit? ihahatid mo ako?"

"Wala lang. Masama bang magtanong?"

"6am ang flight ko."

"Ahh okay."

---

Bukas na ang alis ko. Desidido na akong umalis. Di toh alam ni Doctor Albert. Ayaw ko nang makaalam siya baka kasi harangin ako nun sa airport. Sasabihin ko sa kanya pag nasa France na ako.

---

Naghihintay nalang ako ng check in. Malapit ng mag 6am. Antok na antok pa nga ako eh.

"Hey Miss Maputla."

"Wait!! ba't ka andito Tristan?"

"Lalabas din ako ng bansa eh. 6am din ang flight ko."

"Huh? pano nangyari toh?"

"Ano'ng pano nangyari?? may pera ako para lumabas ng bansa noh. Pupunta akong Paris, France. Ikaw ba?"

Ano??? pupunta rin siyang Paris????!! Eh dun ang punta ko!

"What do you mean??!! Dun din ang punta ko!"

"Alam ko."

"Ano?? sasamahan mo ako? ganun?"

"Ahmm...Oo."

"Nahihibang ka na ba???!!"

"Hindi naman. Gusto ko ding makapunta dun noh. Ang ganda kaya dun."

Gulat na gulat ako sa sinabi ni Tristan. Ano na naman ba toh?

---

Sumakay na kami sa eroplano. Tinungo ko na ang upuan ko. At nakasunod din siya sa'kin.

"Ba't andito ka? bbaaatttt--"

"Oops, pati ba naman seat number eh kokontrahin mo. Katabi talaga tayo! Wag ka na ngang pumalag diyan."

Katabi ko siya. Panay smile pa. Kakainis na ewan.

---

Tahimik lang ako for 5 minutes. Di parin ako makapaniwalang na sa tabi ko si Tristan.

"Tristan?"

"Hmm bakit? Finally, kumibo ka narin."

"Wala.. uhm, who told you na sa Paris ang punta ko?"

"Nakausap ko si Bruce at Ethel."

Talaga yung dalawang mukong nayun! sabi nang wag ipagsabi sa iba.

"Ah ganun ba... pano work mo?"

"Okay lang yun, nag file ako ng leave. At mahaba pa naman ang time ko para magwork sa pagbalik ko."

"So, ano ba talaga reason mo kung ba't ka pupunta ng Paris?"

"Sasamahan kita."

"Huh bakit? di naman ako humingi ng favor sayo na samahan ako ah"

"Alam ko. Pero Apple, di ka dapat mag-isa sa mga panahong ito. At, i care about you."

Di ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi ni Tristan.

"Sasamahan kita. Kaibigan mo ako kaya handa akong samahan ka kahit saan."

---

Bonjour! WELCOME TO PARIS FRANCE.

--to be continued...

Miss CancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon