BEST FRIEND'S Wedding

1.8K 27 1
                                        

CHAPTER 4: BEST FRIEND'S WEDDING

---

"Thanks mr. yabang.Nag-enjoy ako. Super" sabi ko.

Nasa labas kami ng bahay. Ang haggard pa ng mga hitsura namin pero okay lang.

"Sige.. mauna na ako miss maputla. See you tomorrow sa Bus terminal."

Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa lalaking yun? Saka lang ako ulit naging masaya.

---

SA BUS

"Okay ka lang Polai?"

"Oo, wala lang toh. Medyo masakit lang tiyan ko. Napasobra yata ako ng kain kaninang umaga."

Nakaramdam na naman ako ng pananakit ng tiyan. Medyo lumalabo ang paningin ko pero nawala narin agad.

"Sure ka? Ihahatid nalang kita sa office niyo bago ako pupunta ng resto. Maaga pa naman" anya ni Tristan.

--

Habang naglalakad kami patungo sa building ..

"Alam mo bang last day ko na toh sa company?"

"Talaga?"

"Wala lang.. naisip ko kasing di ko na kailangang mag-ipon ng pera. Okay na yung savings ko. Mabubuhay na ako nun."

"Ah gggganon ba. So, dun ka na sa hospital magsta-stay?"

"Hindi. Pupunta ako sa malayong lugar."

"Huh? Malayo? San ba?"

"Di mo na kailangang malaman yun."

Tumahimik nalang si Tristan. Inihatid na niya ako at tuluyan na siyang umalis.

---

Nakaready na ang lahat. Tapos ng pirmahan ni Sir Lloyd ang resignation letter ko. Lahat din ng benefits ko eh makukuha ko na ng buo.

Nakita kong umiiyak si Ethel. Nakatingin siya sakin.

"Ba't ba umiiyak ka? nagresign lang naman ako ah."

"Pake ko kung nagresign ka! Alam mo. Pakiramdam ko tuloy na di ako ang bestfriend mo! Bat di mo sinabi sakin na may sakit ka!? wala kaming alam ni Bruce!" Galit na sinabi ni Ethel sa akin.

"Eh kasi..." di na ako nakatapos sa pagsasalita.

"Palibhasa kasi, sarili mo lang ang pinagkakatiwalaan mo! Jusko naman Apple! matagal mo na akong kilala! "

"Ethel, ayaw ko nang makadagdag pa sa problema mo.At alam ko ding makakaya ko toh."

"Ganyan ka naman talaga. Sinasarili lahat!" Patuloy parin sa pag-iyak si Ethel."Bestfriend mo ako Polai.Mahal na mahal kita at alam mo yan!Kung mas maaga kong nalaman na may gastric cancer ka palang gaga ka,sana natulungan ka namin ni Bruce!"

"Wala namang gamot netoh eh.Huwag ka na ngang mag-drama diyan!" Sabi ko. Pinipigilan kong umiyak. Ayaw kong maawa sakin si Ethel ng husto.

"Makasarili ka talaga!" niyakap ako ni Ethel ng mahigpit. Ramdam ko ang kalungkutan niya.Ayaw ko siyang makaalam sa sakit ko.Ayaw ko siyang maging malungkot ng dahil lang sakin.

"O siya, anong plano mo ngayon? aattend ka pa ba sa kasal namin bruce next month?"

"Oo,buhay pa ako niyan. After sa kasal niyo ako aalis ng bansa."

--

Nagkausap kami ni Doctor Albert. Sabi niya kailangan akong eexamine within 2 weeks.

Pumayag narin ako.

Miss CancerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon