SI PUSA AT PARO PARO

1.7K 25 0
                                    

CHAPTER 6: SI PUSA AT PARO PARO

--

"My God! Ang ganda ng Paris!"

sobrang namangha lang ako sa mga buildings at sa environment ng bansa. Wow talaga. Makikita mong napakafashionista ng mga tao.

"Punta na tayo sa hotel" sabi ni Tristan.

Nakasuot ng shades si Tristan. Di makakailang naging mas gwapo siya lalo.

"Wag mong sabihing pati hotel eh.."

"Oops. Pareho tayo ng hotel but di tayo pareho ng rooms. Wag kang ano diyan"

"Ahh mabuti naman"

Grabe, talagang naplano talaga ni Tristan ang lahat. Malapit na akong bumilib mga pre!

--

@ Hotel Prince Monceau Paris

Katabi kami ng room. 8004 akin, 8005 sa kanya.

"Bat ba magkatabi na naman tayo ng kwarto? grabe ka naman" sabi ko.

"Tahimik ka na diyan. Papasok na ako sa kwarto. Kaw din. Asikasuhin mo na mga gamit mo. Matutulog mo na ako ulit for 2 hrs."

"Ganun? oa ka naman. Tulog agad. Ah sige."

--

Pumasok na ako sa room ko. Wala akong magawa kaya nagfacebook muna ako.Nagresearch narin ako ng mga lugar na pwede kong puntahan dito sa Paris. Grabe, excited na akong ikutin ang bansa!

Medyo nakaramdam na ako ng antok kaya natulog nalang din ako.

--

May kumakatok sa Pintuan ko kaya bigla akong nagising.

Bumangon na ako para buksan ang pinto.

"Tara.. kain tayo sa labas. Punta tayo kahit saan." Anya ni Tristan

"Hmm sige. Pero mag-aayos lang muna ako.. hmm 30 minutes."

"Grabe ka naman magpaganda. 10 minutes lang naman ang pagbibihis ah!" pareklamo niyang sinabi.

"Okay 20 minutes nalang. Ikaw talaga puro ano! hmm. sige.. bibilisan ko"

"Sige hintayin nalang kita sa lobby."

-----------

Kumain kami sa Le Grand Véfour Restaurant. Wow! ang sarap ng mga pagkain nila. Ang daming sea foods. Favorites ko!

Habang kumakain kami.

Nakita ko yung mga katabing customer namin na panay kuha ng litrato sa mga foods na nasa lamesa.

"Oy tristan.. tignan mo sila. Parang mga ewan."

lumingon si Tristan." Hayaan mo na. Yan talaga. May instagram account sila eh kaya ipopost nila dun."

"Hayy nako. Ganyan naba talaga ang mga tao ngayon? Kahit anong nasa paligid nila eh dinadamay sa pagiging vain?"

"Di ka makakarelate kasi manang ka." tumawa si Tristan.

"Ay ganun? Kaw talaga!" pasungit ko siyang tiningnan.

"Kasi facebook lang ang meron ka. Alam mo ba yung twitter? tumblr? wechat? instagram? o ano ano pa diyan? madami ng uso ngayon noh. At ang pagkuha ng mga random pictures eh to update what's happening on you."

Miss CancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon