CHAPTER 8: TRUTH
--
Umupo kami sa harap ng Eiffel Tower. Masayang masaya ang pakiramdam ko. Hawak ni Tristan ang kamay ko at ako naman nakasandal sa braso niya.
"Yabang, pano pag wala na ako?"
"Wag mong isipin kung ano ang susunod na mangyayari. Ang mahalaga, kung ano ang nararamdaman natin ngayon."
"Pero, the reality is... malapit na akong mawala. Oo, inlove ako sayo noon pa. Simula nung una pa kitang makita. Pero ..."
Nilingon niya ako at tinitigan ang mga mata ko. Di ko lubos maisip na heto kami, sincere na nag-uusap. Walang halong biruan. Mata sa mata.
"Apple, di kita iiwan. Pangako yan. Mahal na mahal kita."
Umatras ako ng kaunti. Ibinaling ko ng tingin ang mga mata ko sa Eiffel Tower. Wala, blanko ang utak ko.
"Uwi na tayo Tristan. Antok na ako." sabi ko sa kanya. Gusto ko ng matigil muna ang pagdadrama namin.
Bigla nalang akong nahilo noong tumayo na kami. Nanghina ang buong katawan ko.
"Anong nangyayari sayo apple? Okay ka lang? Kaya mong maglakad?" tanong ni Tristan. Alam kong nag-alala siya sakin.
"ahh okay lang ako Tristan.. kaya kong maglakad". Mahina ang pagkakasabi ko sa mga salitang iyon. Bigla nalang akong inakay ni Tristan at pinasan sa likod niya. "Ano ba? mabigat ako. Ibaba mo ako." 46 pounds ako. Medyo mabigat narin.
"Huwag ka nang makulit diyan. " Sabi niya. Wala na akong magawa. Di niya talaga binababa eh. Ayun, pinasan niya ako hanggang sa bus station. Malayo layo rin ang nilakad niya. Pero alam kong ininda niya talaga ng bigat ko. Ang mga kamay ko nakahawak ng mahigpit sa harap ng leeg niya.
"Huwag mo masyadong higpitan ang hawak sa leeg ko. Nasasakal ako." reklamo niya.
"Sorry. Ikaw naman kasi, ang bigat bigat ko kaya." Parang langit ang pakiramdam ko sa mga panahong iyon. Eto si prince charming, pasan pasan ako.
--
Sa hospital
"Salamat sa ride ha?" sabi ko sabay tawa.
"Wala yun. Buti nga di kita hinulog. Ang bigat mo nga."
"Di bale, di ako sasakay sa likod mo sa susunod." Sabi ko habang kumakain ng mansanas.
"Apple, ang ganda ganda mo parin kahit maputla ka na." Sabi ni Tristan. Nakatingin lang siya sa mukha ko. Nakangiti.
"Binobola mo naman ako. Oo na Miss Maputla na ako. Che! Kung di lang talaga kita mahal." tinapon ko ang apple sa kanya.
" Uy ang sakit nun ah! ayy! Pasalamat ka mahal din kita!" sabi niya.
"Che! ewan ko sayo. Uhm by the way Tristan, gusto ko ng bumalik ng Pinas."
"Kung yan ang gusto mo eh sasabihin ko sa Doctor mo na ipapatransfer na natin ang medication mo sa Philippines."
--
Agad rin namang naasekaso ang lahat ni Tristan. After 3 days, uuwi na kami ng pinas.
--
Natransfer na ako sa Quezon City Medical Hospital. Dumalaw narin si Sir Lloyd sa akin. Pati mga kasamahan ko sa trabaho. Si Manong Ed na suki namin sa siomai eh dumalaw rin sa akin. Ganun parin, ang iba umiiyak kasi nalulungkot daw sila sa kalagayan ko.

BINABASA MO ANG
Miss Cancer
Roman d'amourSanay na akong malungkot, sanay na akong mag-isa. Hindi na bago sakin ang susunod na mangyayari. Sarili ko lang ang meron ako.