CHAPTER 2 : Miss Maputla
5:30 na akong nagising.Ang sakit parin ng katawan ko. Nahihilo parin ako ng kunti. 7:30 ang work kaya dali dali na akong nag-ayos.
----
SA TERMINAL
"Nako, antagal na naman. Late nako netoh". Nakakainip lang talaga kasi 6:45 na at wala pang bus.
"Hello Miss maputla!"
God, that voice! andyan na naman ang mayabang.
"So ikaw na naman. Ba't ba..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
"Uy kalma! ... chill" sabi niya "Nag-hello lang naman ako ah! at anong ikaw na naman? Para sabihin ko sayo Miss maputla, terminal toh. Hindi toh exclusive. But anyway, I'm TRISTAN Sebastian. Chef ng Flavors. Siguro alam mo naman kung san yun dba? " sabi niya.
Wow naman. Ang yabang nga.
"Okay, I'm Apple. Architect of the Horiyama. And i guess alam mo naman kung saan yun dba?" pataray kong sinabi. Masyadong mahangin kasi ang kausap ko.
"Wow! architect na maputla! Bago yun ah?" he laughed. " Joke lang.. O siya, andyan na ang bus. Sabay na tayong sumakay."
--
"Upo ka na miss maputla. Tatayo nalang ako." Sabi ni Tristan. Wala na kasing iba pang upuan kaya tumayo nalang siya. Gusto ko sana siyang sitahin nung tinawag niya akong Miss maputla pero di ko na itinuloy.
Sa di inaasahang pangyayari, nakita ko nalang ang sarili kong nakatutok kay Tristan. Sobrang yabang ng lalaking ito. Di naman siya maangas. Moreno, at Oo na.. gwapo. Nakakaturn kasi nagsuot siya ng leather jacket. Haha!
"Woi, bakit?" tanong ni Tristan.
"ha..ahhmm" bigla akong nagulat.
"ba't ka nakatingin sakin? ikaw ha"
"ha? anong nakatingin? hindi ahhh."
Ngumiti nalang sakin si Tristan. Ang awkward lang talaga. The way he smile at me, ay ewan. Para bang gumagaan ang feeling ko.
---
"O sige, dito nalang ako. Sasakay pa kasi ng taxi patungo ng resto. Ikaw, ilang hakbang lang ang company niyo dito."
"Sige, uhm teka. Can you please stop calling me Miss Maputla?! Nakakaasar na ah!" reklamo ko.
Pumara ng taxi si Tristan. Bago pa siya sumakay , sabi niya "Bye Miss maputla! bleeeh :p Haha".
"Yabang mo talaga!" Sigaw ko habang papalayo ang taxing sinasakyan niya.
---
SA OFFICE
"Apple, may bagong project akong ipapagawa sayo. Big time itong client natin kaya nirender ko na ang project natoh sayo. You deserve this job." Sabi ni Mr Lloyd, manager ng Horiyama.
"Really sir?! Wow! Thank you po! " Di ko maexplain ang nararamdaman ko. Parang gusto kong yakapin si Sir sa sobrang saya ko. "Sir, di ko kayo bibiguin! thank you very much!". Ito kasi ang biggest deal of the year according to him.
Ive been praying for this. Malaki laki rin ang makukuha ko dito. Maaagapan ko na ang sakit ko.
For almost 6 years na nagwowork ako sa Horiyama, tsaka lang ako nabigyan ng ganitong break.
Sa mga panahong iyon, nawala na isip ko ang tungkol sa kondisyon ko. Isinawalang bahala ko na ang lahat. Basta ang importante makukuha ko ang project.
BINABASA MO ANG
Miss Cancer
RomanceSanay na akong malungkot, sanay na akong mag-isa. Hindi na bago sakin ang susunod na mangyayari. Sarili ko lang ang meron ako.
