ONYX POV ***Sunday ng umaga, 6 na araw ang nakalipas mula noong nagstart kaming magpractice para sa panibagong presentation namin para sa Mr. and Ms. Sportfest. Napilitan tuloy akong isayaw si Sapphire. I promised Hisui na siya ang magiging first dance kaya kahit may mga event sa company ay wala kahit sinong babae ang isinasayaw ko pero impossible ng mangyari yun.
Nandito ako ngayon sa loob ng kotse kong jaguar habang nagddrive papuntang Ares International clubhouse. Isang clubhouse na ang member lang ay ang mga richest persons in the country at mga kilalang personalities. Ang mga magulang ko ay isa sa mga nagmamay-ari nun. Siguro may mga 15 mins. Pa bago ako makarating doon ang usapan ng team ay before 9:00an ay dapat nandoon na 8:14am palang naman kaya sigurado hindi ako mala-late. ngayon ay pina-close ko muna at exclusive lang para sa students at staff ng Zeus Academy na magpa-practice ng kani-kanilang ang pwedeng pumasok. Dahil yung clubhouse kase ay may malaking sports arena na halos kasing laki ng mga malls na pagmamay-ari namin, request ko un since mahilig ako sa sports.
Maya-maya lang ay nakarating na din ako.
Time Check:
8:28amBinuksan ko yung side window
"Onyx Lee" sabi ko sa guard
"Good Morning Master" nakangiting bati sa akin ng guard dahil yun ang tawag sakin dito sa clubhouse at pinagbukasan ako ng gate.
Bumungad sakin ang malalaking villas at ang magandang ambiance ng lugar. Dumiretso ako ng parking lot. Pagkarating ko doon ay may nakita ko sina manong yhong at manang saddy ang aking personal assistant dito sa clubhouse na hindi naman katandaan siguro nasa mid 30's palang. Pagkalabas ko ng kotse tinanggal ko yung shades ko at isinabit sa pagitan ng aking kwelyo. Nakasuot kasi ako ng sky blue long sleeves ,gray pants at black na leather shoes dahil kagagaling ko lang ng Hades Hotel dahil may mga documents akong kailang pirmahan since out of town sina mom at dad. Dumiretso ako sa compartment ng kotse para kunin yung mga tennis equipment ko at pinadala ito kay manong yhong"Paki-dala nalang yan sa court. Hintayin niyo nalang ako dun" utos ko sa kanila at dumiretso muna ako sa restroom para magpalit ng damit. Naka-suot ako ng red nike tennis jersey , white nike tennis shoes, white nike wrist band sa magkabila kong kamay at white nike headband sa noo ko. May nakasukbit ding nike bagpack sa kanang balikat ko.
Pagkatapos kong magpalit ay naglakad ako papunta sa court.
"Good Morning Master" bati sakin ng mga staff na nakasalubong ko.
Pagkarating ko sa sports arena sa back door ako dumaan.
bumungad sakin ang iba't-ibang taong naglalaro ng tennis at badminton since magkatabi yung mga court nito. May 4 na court para sa badminton at tennis.May lalaking lumapit sa akin. "This way sir" sabi nung lalaki at dinala ako sa court 1 ng tennis kung saan naghihintay sa akin ang aking mga team mates, si coach at si manong yhong at manang saddy."Good Morning Sir Onyx" bati sakin ng mga rookies namin sa tennis team . Nginitian ko naman sila.
Inabot sa akin ni manong yhong yung tennis equipment ko.
"May kailangan pa po ba kayo master?" tanong niya
"Wala na. You may go." nakangiting sabi ko at umalis siya kasama si manang saddy
Umupo muna ako sa may bench sa tabi para mag-hintay ng iba pa naming team mates. Naglagay nalang ako ng earphones sa tenga ko at nagsoundtrip.
Maya-maya ay nakumpleto na kami at nagsimula na ang practice. Nag stretchings muna kami nag-assign ng mga opponents para sa bawat isa. rookie vs. rookie (grade 7), junior vs. junior(grade 8-10), senior vs. senior(grade 11-12) at master league na dalawa lang kaming nasa league na yun ng pinsan kong si Dionysus na may 32 wins at 2 lose Para malagay ka sa master leauge ay kailangang mayroon kang more than 30 wins. Player na ako ng tennis since grade school palang kaya 53 wins at 0 lose ang record ko dahil hindi lang dito sa Pilipinas naglalaro kundi pati sa ibang bansa.

BINABASA MO ANG
Loverary (Editing)
RomancePaano kung ang babaeng matagal mo ng hinahanap ay nandyan lang pala at muli kayong pinag-tagpo ni kapalaran sa isang maling pagkakataon yung tipong pinag-tripan mo pa siya.