" Pasok na daw kayo... " sabi ni Diamond
" Anong ginagawa niyo? " tanong ni Jaden
" Nagbabasa na lang ng libro.... Tapos ng mag orient si Ms. Jade... " sagot ni Diamond
" Sige susunod na kame... " sabi pa ni Jaden
Pagkapasok nila nakita nila ang kanilang mga kaklase na nagbabasa ng libro... Agad silang humanap ng pwestong mauupuan....
" Ayun! Malapit sa aircon may bakante... Tara... " Yaya ni Jet at sumunod naman sila...
Nang makaupo na sila...
" Anung gagawin natin? " Tanong ni Kei
" Tara magbasa nalang tayo... " yaya ni Onyx
" Aba! Marunong ka bang magbasa? Ewan ko lang kung tatagal ka... " Singit pa ni Sapphire habang nagbabasa parin sa Wattpad...
Tumayo sila Onyx, Kei, Jet, Jasper, at Jaden para kumuha ng libro...
Nang makakuha na sila bumalik sila sa kanilang upuan at sinimulang basahin ang kanilang kinuhang libro....
After 5 minutes....
" Hayyy... Nakakatamad magbasa!! "... sabi ni Onyx at isinara ang libro...
" Sabi na nga ba hindi ka tatagal... -_- " giit ni Sapphire
Habang ang iba pa nilang katropa ay patuloy parin sa pagbabasa...
" Makapag soundtrip na nga lang.... "
NP: Sa isang sulyap mo
Habang nagsosoundtrip nahagip ng kanyang mga mata ang isang babaeng Maganda, Matangkad, Maputi.... Habang nagaayos ng mga libro...
Napatulala siya dito at parang nag slow motion ang lahat...
Onyx's POV...
Ano ba itong nararamdaman ko?
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Kinakabahan ba ako?
Natatakot?
Naeexcite?
May mangyayari bang masama?
O ....
Inlove ako?!
Inlove? Kanino? Kay Ms. Jade? Sa librarian namin?
Hindi! Hindi pwede toh?!?! ....
Pero bakit parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya?!
Parang walang nangyari kanina....
Ah! Wala! Wala ito! Wala akong nararamdaman para sa kanya...
Siguro... Nadala lang ako kase.... Maganda siya...
Ano kaba Onyx! Hindi pwede yan!!!
Ringgggggg.....
" Uy Onyx.... !" Sabi ni Kei habang kinakalabit ang nakatulalang si Onyx
" uyy gising!... " sabi pa ulit nito sabay tapik sa likod ni Onyx...
Nang makabalik na si Onyx sa kanyang sarili....
Napansin niya na wala si Jade... Bigla itong napatayo at agad hinanap si Jade....
" Asan siya?! " tanong ni Onyx
" Sino? " tanong ni Kei
" Si ano... " sabi ni Onyx habang umiikot ang mata sa paligid para hanapin si Ms. Jade
" Sino bang hinahanap mo ah?! " tanong ulit ni Kei sabay hinawakan sa makabilang balikat si Onyx. ..
Napatigil si Onyx...
" Wala!.. Tara na nga umuwi na tayo... "... yaya ni Onyx
" Teka! Mag-attendance ka muna... " wika ni Kei
" Bakit hindi niyo pa isinulat ung panggalan ko?.. " tanong ni Onyx
" May signature pre... " ... sagot ni Kei
" Ahh ok... Asan ba? " tanong ni Onyx
" Ayun oh... kay Ms. Jade.. " sabay turo kay Jade...
Nagulat si Onyx dahil ang hinahanap niya ay nandun pala...
Nakatulalang lumapit si Onyx kay Jade Habang may ginagawa ito...
" Ms.. Ja--de ung.. at--tendance.. po"... pautal na sabi ni Onyx...
Kinuha ito ni Ms. Jade at iniabot kay Onyx...
Agad namang pumirma si Onyx at ibinalik ito kay Jade...
" Thank you po... " nakangiting sabi ni Onyx
" Welcome.. " sagot ni Ms. Jade kay Onyx habang nakaharap ito sa monitor ng Computer
Nang palabas na ng pinto...
Tumingin ulit siya kay Ms. Jade...
" In-love na yata talaga ako... " mahinang sabi ni Onyx...

BINABASA MO ANG
Loverary (Editing)
RomancePaano kung ang babaeng matagal mo ng hinahanap ay nandyan lang pala at muli kayong pinag-tagpo ni kapalaran sa isang maling pagkakataon yung tipong pinag-tripan mo pa siya.