Chapter 20.1

15 0 0
                                    

Onyx POV***

Habang naglalakad ako papuntang classroom namin ay hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga nangyari kahapon.. yung nangyari kay Jade.. Na-discharge din siya kagabi sa ospital dahil ok naman na daw ang pakiramdam niya ,pinainom nalang siya ng gamot at pinayuhang magpahinga pero ang pinaka-masakit isipin at mahirap tanggapin na hindi lang pala simpleng anemia ang sakit niya kundi mayroon siyang stage 1 leukemia.. Masakit oo, masakit na makita yung taong mahal mo na umiiyak, nahihirapan at nasasaktan dahil sa pinagdaanan niya, masakit dahil akala mo mabubuo na ang nakaraang hindi naituloy pero ganun talaga siguro ang buhay hindi mo alam ang mangyayari sa bukas pero ito lang ang maipapangako ko sa kanya na kahit anong mangyari ay nandito lang ako handang alagaan siya, hinding-hindi ko siya iiwanan kailanman at sasabay ang laban tatahakin niya.. Sa sobrang lungkot na nararamdaman ko ay hindi ko na pinapansin yung mga taong bumabati sa akin.. pero.. kailangan kong wag munang isipin ang tungkol dun kasi ngayong araw din ang campus king and queen 2015 namin. excitement? wala. wala talaga ako sa mood ngayon..

"Pumasok kaya siya?" tanong ko sa isip ko. Pero sana wag nalang, sana nagpahinga nalang siya. Pagkatapos na pagkatapos ng contest ay dadalwin ko siya sa kanila. Hay Jade.. hindi ka talaga mawala sa isip ko.

End of POV***

Pagkarating niya sa classroom naabutan niya yung mga kaklase niya na busy. yung iba gumagawa ng banner pang cheer mamaya sa event, may mga nagpe-prepare ng snacks nila para mamaya at yung iba wala lang nagsosoundtrip, natutulog kahit ang aga-aga. Hay.. the everyday life at school.. Hinanap niya sila Sapphire at agad itong nilapitan. Si Sapphire at Kei lang ang nandun.

"Tara na" walang ganang sabi ni Onyx sa kanila

"bro, may problema ba?" seryosong tanong ni Kei

"Wala" sagot ni Onyx sabay tumalikod

tumayo na sila at sumunod nalang kay Onyx. Nagbubulungan sila tungkol sa mood ni Onyx

Napansin ng mga kaklase nila na nandun na si Onyx. Kanya-kanya sila ng goodluck sa dalawa.

"Goodluck Onyx!"
"Goodluck Sapphire!"
"Goodluck sa inyo!"
"Goodluck Sapphnyx!"

Nagpasalamat si Sapphire sa mga kaklase nilang bumabati samantalang hindi naman ito pinapansin ni Onyx at nagpatuloy lang sa pagkalakad.Pero kahit ganun ang asta niya sa araw na yun binati parin siya ng mga kaklase niyang babaeng may gusto sa kanya.

Dumiretso sila sa backstage ng covered court grounds ng school. Special request ng mga grade 12 students na sa stage sa grounds ganapin ang event since malawak at malaki rin naman yun, pero may dahilan talaga kung bakit doon nila ninais na gawin yung event.

Naabutan nila sila Jet at Jasper na nasa backstage dala-dala yung mga susuotin nila.

Iniabot ni Jasper kay Onyx yung sportswear na susuotin nito pati narin kay Sapphire.

"Ok na ba yung kotse?" tanong ni Kei kay Onyx

"Oo" matipid na sagot ni Onyx

nagtataka talaga sila sa kung ano ang nangyayari kay Onyx

"Uy! Smile ka naman diyan. Sige ka matatalo tayo niyan!" pinilit pangitiin ni Sapphire si Onyx. Nag-fake smile naman ito.

"Teka, asan nga pala si Jaden?" puna ni Kei

"Ewan, susunod nalang daw siya" sagot ni Jet

Ding, Ding, Ding

"Attention everyone, we will start the event in thirty minutes" sabi nung speakers na naka-palibot sa buong grounds

________________________________________________________

Onyx POV***

Nang ready na ang lahat. Pumuwesto na lahat ng candidates sa backstage pwera saming dalawa ni Sapphire kasi pumunta kami sa likuran ng mga audience.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loverary (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon