Habang naglalakad sa hallway ay tinanong ni Kei si Onyx...
" San ka na naman ba galing kagabi at mukhang antok na antok ka kanina? "
" Wala sumama lang ako kay utol kagabi sa bar.. Medyo naparami ng inom kaya yun 3am na kame nakauwi ". Dirediretsong sagot ni Onyx...
" Sabi na eh.. un na naman ang dahilan ". nakangiting sabi ni Kei
Naputol ang kanilang usapan ng makasalubong nila si Mr. Trojan ang kanilang Adviser...
" Ms. Garcia... Pwede ba kitang makausap? " tanong ni Mr. Trojan..
" Cge sir... Anu po yun? " sagot ni Sapphire
biglang sumingit si Jaden ...
" Sapphire, Mauna na kame ahh... Antayin ka nalang namin sa baba " nakangiting sabi ni Jaden habang nakahawak sa balikat ni Sapphire..
" Cge mauna na kayo " sagot naman ni Sapphire
Nagpatuloy sa paglalakad sila Onyx habang si Sapphire at si Mr. Trojan naman ay Tumabi at nagusap..
" Ms. Garcia ikaw ang napiling muse para irepresent ang section natin para sa sportsfest... Ngayon, ikaw na ang bahalang mamili ng escort mo at maghanda para sa photoshoot at talent portion.. " wika ni Mr. Trojan kay Sapphire
" Talaga sir? cge po salamat ... " masayang sagot ni Sapphire at naisip na kuhaing escort ang kanyang crush..
°°°°°°°°°°°°°
Pababa na sana ng hagdanan sila Onyx nang biglang may babaeng tumatakbo paakyat ang nakabangga sa kanya..
" Ayy... Sory po... " paumanhin ng babae at nagpatuloy sa pag-akyat....
" ANO BA TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO!!!
HINDI MO BA AKO KILALA HA?!! " pasigaw na tanong ni Onyx...
napatigil sa paglakad ang babae...
nagulat siya ng pagtingin niya ay si Onyx pala ang nabangga niya....
" Pasen--sya na p-po... Hindi ko sinasad--ya ... Nagmama--dali lang po..." pautal na sabi ni babae habang nakayuko kay Onyx...
" SORRY? GANUN LANG YUN? GUSTO MO IPA-EXPELL KITA? " galit na sabi ni Onyx..
" Wag po... Parang awa niyo na... " mangiyak-ngiyak na sabi ng babae...takot ito dahil alam niyang maraming estudyante na ang nagawang ipaexpell ni Onyx dahil sa ibat-ibang dahilan
" yan kase hindi tumitingin sa dinadaanan! " kantyaw pa ni Kei
" Oh cge! Hindi kita ipapaexpell basta lumuhod ka sa harap ko at halikan mo ang sapatos ko! wahaha! " mala demonyong sabi ni Onyx ...
paluhod na ang babae nang biglang may babaeng sumigaw...
" Tama na yan Onyx!!! "..
Napalingon sila sa babaeng sumigaw habang papalapit ito sa kanila....
" Pati ba naman babae papatulan mo?!! " galit na tanong ni Sapphire..
" Cge na tumayo kana dyan at umalis kana!!! " maangas na utos ni Onyx sa babaeng nakabanga sa kanya...
" Salamat po... " sagot ng babae sabay tumakbo palayo kila Onyx...
Nagkatitigan ng masama si Onyx at si Sapphire ...
" Hindi ka na ba talaga magbabago?! " galit na tanong ni Sapphire habang nakatitig ng masama kay Onyx...
Biglang sumingit si Jet...
" teka! teka! tama na nga yan!! gutom na ako! bumili na tayo!! "awat ni Jet...
" Tara na nga bumaba na tayo!!! Gutom na rin ako eh!! xD ... Nakangiting sagot ni Onyx at humakbang na pababa ng hagdan...
sumunod naman sila sa kanya..
" Tsss... Ang weird niyo talaga !!! " iritang sabi ni Sapphire
Sabay-sabay silang nagtawanan at bumaba ng hagdanan...
BINABASA MO ANG
Loverary (Editing)
RomansaPaano kung ang babaeng matagal mo ng hinahanap ay nandyan lang pala at muli kayong pinag-tagpo ni kapalaran sa isang maling pagkakataon yung tipong pinag-tripan mo pa siya.