Chapter 19 (continuation)

38 12 2
                                    

" mauna kana " sabay naming sabi at nagtawanan na naman kami

" Hahaha... Ikaw muna" pinauna ko na siyang magsalita

"Hi =)" yun lang yung sinabi niya at nag ngitian lang kami

"Naglalaro ka pala ng badminton? " tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya pero umiiwas sa ng tingin sa akin

"Naglalaro na kase ako ng badminton since grade school sa amerika. Kaso kinailangan naming bumalik dito sa Pilipinas dahil sa nangyari" sabi niya at parang bigla siyang nalungkot.

Napayuko ako sa sinabi niya

'Huh? Nag-aral pala siya sa amerika' tanong ko sa sarili ko. Pagka-angat ko ng ulo ko ay nginitian ko lang siya ok lang yan at tinapik siya sa kanang balikat at hindi na nagtanong kung ano ang nagyari.

Napansin kong may tumulong pawis mula sa kaliwang bahagi ng mukha niya agad kong kinuha yung towel ko at marahang pinunasan ito.

Namula ang mukha ni Jade sa ginawa ko at napatitig sa akin.

"Hahaha.. Ang cute mong mag-blush" biro ko sa kanya napabalikwas nalang siya at hindi ako pinansin

'Anu kayang iniisip niya? ' tanong ko sa sarili ko

Maya-maya ay napansin kong napahawak na naman siya sa magkabila niyang sintido at napapikit. Tinignan ko siya sa mukha at parang namumutla siya. Napahawak ako sa balikat niya.

"Ayos ka lang? " alalang tanong ko sa kanya

"Ayos lang ako" sagot niya at pinilit ngumiti habang nakahawak padin sa sintido niya.

Napatingin ako sa kabilang side ng arena. Nakita kong sinisenyasan na ako ni coach na bumalik.

"Sure ka ayos ka lang? " tanong ko ulit sa kanya habang nakahawak pa din ako sa balikat niya. Tumango lang siya.

Tumayo na ako para maglakad papunta sa kabilang side ng arena.

Nang biglang..

May narinig akong sumigaw

"JADE!"

Napalingon ako

Nakita kong nawalan ng malay si Jade at napasalampak sa sahig.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya. Alalang-ala kung anung nangyari sa kanya. Habang yung mga teachers at ibang staff ay lumapit din sa kanya.

Hinawi ko yung mga taong nakakumpol sa kanya.

"Anung nangyari!?!?! Jade?!?!" sabi ko at marahang tinapik siya sa mukha. Hindi ko na pinansin yung mga tao sa paligid at pwersahang binuhat si Jade "Ako ng bahala" sabi ko sa mga nandoon at hinayaan nalang nila ako. Nagmadali ako para ilabas ng sports arena si Jade at pumunta sa parking lot kung nasaan yung kotse ko at agad itong pinatakbo papuntang Heracles Medical Center.

Nang makarating kami sa ospital agad kaming sinalubong ng mga nurse at inilapag siya sa strecher at nilagyan ng oxygen mask at ipinasok sa isang room na hindi ko na alam kung anung room yun.

"JADE!!!!" Sigaw ko

"Sir,Anu pong name ng paseyente?" tanong sa akin nung nurse

"Jade, Jade Laurel" nagmamadaling sagot ko habang palakad-lakad at patingin-tingin sa kwarto kung saan ipinasok si Jade

"Anu po bang nangyari sa kanya?" tanung nung makulit na nurse

"Obvious bang hinimatay siya?!?!"pasigaw na sagot ko sa nurse dahil hindi ko na napigilan yung sarili ko sa sobrang pagaalala.

Loverary (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon