Promise

3.9K 102 2
                                    


"Kailangan mo ba talagang umalis?" Tanong ni Althea kay Jade.

Nilingon ni Jade si Althea. Hininto nito ang pag aayos sa mga gamit. "Lablab, diba napag usapan na natin iyan,"

"Pwede ba nating pag usapan ulit?" Malungkot na sabi ni Althea kay Jade.

Nilapitan ni Jade si Althea saka hinawakan ang pisngi nito. "Lablab naman, huwag na nating pahirapan mga sarili natin okay, nagkaintindihan na tayo diba? 3months lang naman akong mawawala e,"

Tumayo si Althea saka tinalikdan si Jade. "E ilang araw ba ang nasa tatlong buwan?"

"90 days," sagot ni Jade.

Hinarap ni Althea si Jade. "See? 90 days Jade, napaka tagal nun. Isipin mo nga, ilang segundo ba ang nasa isang minuto, ilang minuto ang nasa isang oras at ilang oras ang nasa isang araw.... diba napakahaba ng aabutin mo para mabuo ang isang araw? Pano pa kaya sa loob ng 90 days,"

Kumunot ang noo ni Jade saka tumawa ng mahina dahil sa reactions ni Althea. "Lablab huwag mo nalang kasi pansinin ang oras para mabilis ang..... pagdaan ng araw,"

"Paano ko hindi mapapansin ang oras na kung sa bawat segundo ay ikaw ang nasa isip ko," sabi ni Althea.

Tumayo si Jade saka hinarap si Althea. "Diba sabi mo dati napakabilis ng oras,"

"Oo dahil kasama kita. Bumibilis ang takbo ng oras pag kasama kita. Ngayong aalis ka parang slow motion nalang ang pag ikot ng orasan e,"

"Lablab intindihin mo ako please. Eto na ang kahulihulihang hiling ni Dada sa akin. after nito malaya na talaga tayo. Just this one. Pagbigyan na natin ang pamilya ko. Talagang gusto nila akong isama pauwi sa China e." Pangungumbinsi ni Jade kay Althea.

Napabuntong hininga nalang si Althea. "Nag babakasakali lang naman ako e, na baka magbago pa isip mo. Pero mukhang di na talaga,"

"Sus ang lablab kooooo..." niyakap ng mahigpit ni Jade si Althea. "Huwag ka ng malungkot. Don't worry tatawag ako lagi sayo and araw araw tayong mag bi video chat. Okay?"

"Promise?" --Althea.

"Promise," --Jade.

Napangiti na si Althea saka niya pinagdikit ang mga noo nila ni Jade. "I heart you lablab,"

Ngumiti narin si Jade. "I heart you to. I really really heart you,"

At nagyakapan silang dalawa..

Althea and JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon