Confront

1.5K 71 0
                                    


Jade's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nung may nangyari sa kanila ni David. Pero hanggang ngayon di niya parin sinasabi ang lahat kay Althea. At kahit na gulong gulo ang isipan niya ay pilit niyang inintindi ang papeles na binigay ni David at di nga nagtagal ay pinermahan niya na ito. Wala din kasi siyang nakitang mali dun. Tinawagan niya nalang si Sally at nakiusap na ito nalang ang magbigay kay David. Nakiusap din siya na wag komprontahin ang binata tungkol sa nangyari.

Napapitlag siya ng mula sa likod niya ay niyakap siya ni Althea. Kasalukuyan silang nasa isang park kasama si Batchi at Wila. Nag excuse siya sa mga ito at pinasyang maglakad lakad hanggang sa mapadpad siya sa isang fishpond. Kahit papaanoy naaliw siya sa mga klase klaseng isda na lumalangoy.

"Hey, are you okay lablab?" Bulong ni Althea sa tenga niya.

Hinarap niya ito. "Yes lablab, bakit naman di ako magiging okay gayong kaharap ko ang pinakamagandang babae sa mundo," sabay ngiti ng ubod ng tamis.

Napangiti narin si Althea. "Bola! Diba dapat ako ang magsabi niyan." Pinagdikit nito ang mga noo nila.

Napalunok si Jade ng maramdaman niya na unti unti nanamang may nabubuong luha sa mga mata niya. Agad nitong iniiwas ang ulo kay Althea. "Lablab tara balik na tayo kina Batchi," iwas niya kay Althea. At naglakad nasiya. Pero pinigilan siya ni Althea.

"Jade sigurado kabang okay ka lang?" Pag aalala ni Althea.

"Actually lablab medyo masakit nga ulo ko, but I'll be fine. Don't mind me okay?" Pagsisinungaling ni Jade kay Althea.

"Gusto mo bang umuwi nalang tayo para makapag paghinga ka?" Tugon ni Althea sa nag aalala paring tono.

Umiling si Jade. "No.. no.. kakarating lang natin. Ayoko masira ang araw natin ngayon. I'm okay lablab.."

Ngumiti ng pilit si Althea. Saka hinawakan ang magkabilang pisngi ni Jade. At hinalikan ito sa noo. "Just tell me kung gusto mo ng umuwi okay?"

Tumango lang si Jade.

~~~~~

Hapon na ng makauwi sila. Agad na pumanhik si Jade sa kwarto nila. Naiwan si Althea sa baba kasama si Batchi at Wila. Nag yaya pa ang mga ito na mag inuman muna sila.

"Sige na Chong, tawagin mo si Jade." Pilit ni Batchi.

"Bakit kailangan pang tawagin si Jade e, nagmamadali na ngang umakyat e. Tayong tatlo nalang," si Willa.

"Sshh! Huwag kayong maingay. Masakit kasi ulo ni Jade kanina pa sa park. Kayo nalang, sa labas na kayo mag inuman." Saway ni Althea sa dalawa.

"Ang KJ naman kasi ng babaeng iyan," inis na sabi ni Wila saka ito tumayo at akmang lalabas na ng bahay. "Tara na nga Batchi,"

"Mauna kana, susunod ako.." tugon ni Batchi.

"Huwag kang magtatagal ha? Hintayin kita sa kotse," sabi ni Wila bago ito tuluyang lumabas.

"Chong okay lang ba kayo ni Jade?" Pagkuway tanong ni Batchi kay Althea.

"Oo naman. Pero lately napapansin ko na parang may problema si Jade.... parang may tinatago siya sa akin," tugon ni Althea kay Batchi.

"Kung ano man iyan Chong wag niyo ng patagalin," napalingon sila sa labas ng may marinig silang busina ng sasakyan. Si Willa. "Bruha talaga tong babaeng to. Di makapaghintay."

"Sige na Batchi. Labasin mo na at baka makadisturbo pa iyan sa mga kapitbahay ko." ---Althea

"Okay Chong mauna na kami." Paalam ni Batchi.

~~~~~

Kinabukasan..

"Lablab may tumatawag sayo!" Tawag ni Althea kay Jade. Pero hindi ito tumugon. "Jade?" Tawag niya ulit. Pero nasa banyo ito at naliligo. Kinuha niya ang cellphone nito na nasa side table. Nagsalubong ang mga kilay niya ng makita na si David ang tumatawag. Tiningnan muna ni Althea ang pinto ng banyo bago sinagot ang tawag nito.

"Hello Jade? Thank God sinagot mo narin tawag ko... look Jade please let me explain... yung nangyari satin..."

"David?" Sagot ni Althea. "Anong pinagsasabi mong nangyari sa inyo ni Jade?"

"Althea?" Tugon nito sa kabilang linya

"Sagutin mo ako David, anong pinagsasabi mong nangyari sa inyo ni Jade?" Di alam ni Althea kung ano ang magiging reaction dahil sa narinig. Ayaw niyang bigyang kahulugan ang sinasabi nito. Pero naalarma siya sa boses ni David at dahil narin sa kinikilos ni Jade nitong mga nakaraang araw.

"Lablab?" Saktong paglabas ni Jade ng banyo. Nakita nito na hawak ni Althea ang cellphone niya. Agad nitong nilapitan si Althea at kinuha ang cellphone at pinatay nito agad.

"Jade? Anong pinagsasabi ni David na nangyari sa inyo?" Kompronta ni Althea kay Jade.

"Althea...." tanging nasabi ni Jade.

"Ano?" Kunot noong tanong ni Althea.

Hindi tumugon si Jade. Napayuko nalang ito at unti unti ng may namumuong mga luha sa mata nito.

"Jade?" Hinawakan ni Althea ang magkabilang balikat nito. "Ano?
.. May dahilan ba itong nararamdaman kong kaba? Ha!?"

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Jade. At sinalubong ng tingin si Althea. Dumating na ang araw na kinakatakot niya. "A-Althea..... ma....may...nangyari.....sa...sa...a.....amin ni......ni ......D-.....D-David..."

Gulat na nabitawan ni Althea ang mga balikat ni Jade. At unti unti siyang humakbang palayo dito. Unti unti naring nangingilid ang mga luha sa mata niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. At the same time ay sinasaksak ng makailang beses ang puso niya.

"Althea....," umiiyak na banggit ni Jade.

Napalunok si Althea. "K-kailan pato nangyari?"

"Nung araw na nakipagkita ako kay David..."

Kasabay ng pagpikit ni Althea ay ang pagtulo ng mga luha nito. "At ngayon mo lang sinabi sa akin Jade?" hirap na hirap na ang kalooban niya.

"Althea hindi ko alam kung papaano sasabihin sayo....natatakot ako... hindi ko ginusto yung nangyari sa amin. Wala akong matandaan nung mga oras na iyon. Nagising nalang ako na.....na magkatabi kami... please Althea believe me... mahal na mahal kita... hindi ko iyon magagawa!" Sabi ni Jade sa pagitan ng pag iyak.

"Yeah Jade?! Hindi mo magagawa??? E nagawa mo na nga e!!" Sigaw din ni Althea sa pagitan ng pag iyak.

"Wala nga akong matandaan!!"

"Akala ko sapat na kung anong meron ako Jade.... akala ko kaya kong punan ng pagmamahal ang mga bagay na di ko kayang ibigay sayo katulad ng isang lalaki.... pero akala ko lang pala lahat iyon... nagkamali ako," matigas na sabi ni Althea.

"Althea please.... huwag mo naman akong husgahan... alam mong mahal na mahal kita... ikaw lang ay sapat na sa akin.... please..." nilapitan ni Jade si Althea at niyakap ng mahigpit. "Lablab..." umiiyak na sabi nito.

Buong lakas na tinanggal ni Althea ang mga braso ni Jade na nakayakap sa kanya. "Ang sakit Jade. Ang sakit sakit!!" Pagkasabi ni Althea nun ay humakbang na ito palabas ng kwarto. Sinubukan siyang habulin ni Jade pero nagmamadali siyang pumanaog sa hagdanan at lumabas ng bahay daretsyo sa kotse niya.

"Althea!!!!!" Sigaw ni Jade. Habang dahan dahan itong napaupo sa sahig. "Althea...." humahagugul na sambit ni Jade.

Huminga ng malalim si Althea habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa manubela. Napahagulgul narin siya ng iyak. Itinakip pa nito ang isang kamay sa bibig. Na para bang sa paraan man lang na iyon ay maibsan ang ingay ng pag iyak niya. Napalunok siya bago ini start ang makina ng sasakyan niya. At pinasibat na nga to. Kung saan? Di niya alam.... napahampas pa siya sa manubela niya ng makailang ulit...... "Jade....bakit..."

Althea and JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon