Be With You

1.7K 76 1
                                    

"Althea and Jade"

Chapter 8 (Be with you)

Hindi maintindihan ni Jade kung ano ang mararamdaman. Walang luha ang tumutulo sa mga mata niya ngayon. Gustuhin niya man umiyak pero parang may sariling utak ang mga mata niya at di man lang mailabas ang mga luhang alam niyang nagtatago lamang doon. Hinimas ni Jade ang salamin ng kabaong.

"Dada...." bulong ni Jade.

Oo, Pumanaw si Oscar dahil sa atake sa puso. Hindi na sila umabot sa hospital nung araw na tinawagan sila ni Gabriel. Pumanaw itong walang kapamilyang kasama. Somehow iniisip niyang he deserved to die on that way. Oo hanggang ngayon hindi niya parin napapatawad ang ama. At hindi niya alam kung darating pa ba ang araw na iyon. Nandito lang siya dahil sa hiling ng ina niya na si Amanda.

~~~~~

Althea's Office

"Chong...?" Si Batchi.

"Hmm?" Tugon ni Althea pero hindi nililingon ang kaibigan.

Nilapag ni Batchi ang isang dyaryo sa table ni Althea. Doon lang nito nilingon ang kaibigan.

"What's this?" Tanong ni Althea.

"Basahin mo yung headline," tugon nito.

Biglang napatayo si Althea ng mabasa ang headline.

"Wala ka parin bang balak na makipagkita kay Jade? I'm sure more than anything else mas kailangan ka niya ngayon," sabi ni Batchi.

Hindi pa rin makapaniwala si Althea. Binasa niya ulit ang nakasulat sa dyaryo. Nakasaad dun na pumanaw na si Oscar Tanchingco.

"Excuse me..."

Sabay na napalingon si Althea at Batchi sa may pinto ng may magsalita.

"Althea... pwede ba kitang makausap?" Si David. Na nakatayo sa pinto.

Ilang sandali din ang nakalipas bago may nagsalita.

"Amm... Chong labas muna ako. Tawagan mo nalang ako kung kailangan mo ng resbak," sabi ni Batchi. Saka tinitigan ng masama si David at lumabas na.

Lumapit si David kay Althea.

"Anong kailangan mo David?" Tanong ni Althea.

"Althea..." napalingon si David sa hawak na dyaryo ni Althea. "So alam mo na pala," patungkol nito sa pagkamatay ni Oscar.

"Tungkol lang ba dyan ang sadya mo?" Nakakunot noong tanong ni Althea.

"No...... it's about Jade,"

Hindi tumugon si Althea. Tinitigan lang nito si David.

"Althea look... yung nangyari sa amin ni Jade.... it's tito Oscar's plan..."

Hindi parin umiimik si Althea.

"Nung nasa China pa sila, tinawagan ako ni tito Oscar.. gusto niyang akitin ko si Jade.. pero paano mangyayari iyon kung ilag sa siya sa akin.. na sa bawat oras ikaw ang nasa isip niya... so I decided na painumin ng pampatulog si Jade.... at first nagdalawang isip ako... pero nung narinig kong binabanggit niya pangalan mo while in her sleep... nagalit ako.. pati ba naman sa pagtulog niya ikaw parin ang nasa isip niya.. so I took the chance to make her mine.." mahabang paliwanag ni David.

Gustong patayin ni Althea si David ngayon dahil sa mga narinig. Nanggigil siya sa galit dito. Hindi para sa sarili kundi para kay Jade. Para sa babaeng pinakamamahal niya. Kaya hindi na siya nag dalawang isip pa. Ginawa niya ang pinakamatagal niya ng gustong gawin dito. Buong lakas na sinuntok ni Althea si David... ramdam niya ang sakit sa kamao niya. But who cares... kahit man lang sa pamamagitan nun ay mapaghiganti niya si Jade sa kahayupan nito.

Hinimas ni David ang gilid ng labi nito na pumutok ata dahil napansin ni Althea na may kaunting dugo dun. "Well I guess I deserve that.."

"Kulang pa iyan David sa ginawa mo kay Jade!" Sigaw ni Althea.

"I'm sorry... I'm really sorry.." tugon ni David.

~~~~~

Hindi maiwasan ni Althea na isipin ang mga ginawa niyang pagtataboy kay Jade nitong mga nakaraang linggo. Nakokonsensya siya sa ginawa niya. Bakit kasi mas pinairal niya pa ang galit dito. Maging ito palay biktima sa kahayupan ng Dada niya at ni David. Napangiwi si Althea ng kumirot ang kanang kamao niya. Tiningnan niya iyon na nakahawak sa manubela. Namamaga na ang kamao niya at namumula. Pero di niya parin iyon ininda. Mas pinabilis niya pa ang pagmamaneho. Gusto niya na makita si Jade. Pagkaalis kanina ni David ay agad din siyang nagpaalam kay Batchi. At ngayon nga ay papunta siya sa chapel kung saan pinaglalamayan si Oscar.

~~~~~

"Mama... uuwi po muna ako," paalam ni Jade kay Amanda.

Si Amanda na nakadungaw sa kabuong ni Oscar ay tiningala si Jade. At tumango ito. "Sige anak... umuwi ka muna ng makapagpahinga ka,"

Hinalikan ni Jade ang ina sa pisnge saka nagpaalam na din sa mga kapatid niya. Nagmano din muna siya kay Ama niya at pinaliwanag dito na babalik din siya bukas. Hindi rin kasi maintindihan ni Jade kung bakit nahihilo siya. Pinagpalagay niya nalang dahil sa pagod.

~~~~~

Mabilis na naipark ni Althea ang kotse niya. Walang pagmamadaling naglakad siya papunta sa chapel. Una niyang nakita si Paul na nakikipag usap sa isang lalaki. Nilapitan niya ito. "Paul.."

Nilingon siya nito at nag excuse pa ito sa kausap. "Althea..." nakangiting tugon ni Paul. "Anong ginagawa mo dito?"

Nilinga ni Althea ang paningin sa paligid. "Gusto ko sanang makausap si Jade,"

"Nako.. nagkasalisi kayo ni Jade. Kakaalis niya lang din," tugon ni Paul.

"Umuwi sa apartment niya. Nahihilo daw kasi siya e. Kung gusto mo puntahan mo nalang siya doon... I give you the address. Sigurado akong matutuwa iyon." Nakangiting sabi ni Paul.

Napangiti din si Althea. She can't wait to see and feel again the presence of the woman she love. Miss na miss niya na si Jade.

~~~~~

"Sandali!!" Sigaw ni Jade mula sa loob ng apartment niya ng marinig niya ang sunod sunod na doorbell. Katatapos niya lang maligo. At ngayon nga ay nagmamadali din siyang nagbihis saka nilabas ang kung sino man ang nasa likod ng gate. "Sabi ng sandali e," pagbukas ni Jade sa gate ay bouquet ng red roses ang tumambad sa paningin niya. Dahan dahan iyong binababa ng kung sino man ang may hawak.. hanggang sa lumantad na din sa paningin ni Jade ang ngiting kay tagal niyang hindi nakita. Ngiting kahit ilang beses niya pang makita ay di siya magsasawa. Ngiting paulit ulit na magpapatunaw sa puso niya.

"Kung kailangang suyuin o let's just say ligawan kita araw araw para lang bumalik ka sa akin....... gagawin ko..." nakangiting sabi ni Althea.

Nangingilid ang mga luhang napangiti si Jade. Saka niyakap si Althea ng napakahigpit. "Hindi mo naman kailangan suyuin ako e....." tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Jade. "Ngiti mo pa lang tunaw na ang puso ko,"

Ngumiti ng ubod ng tamis si Althea saka nito pinagdikit ang mga noo nila. Naiiyak na din ito. "I miss you much Lablab.."

"I miss you more Lablab..." nakangiting tugon ni Jade.

Unti unting tinawid ni Althea ang pagitan ng mga labi nila ni Jade. At parang may sumabog na mga fireworks ng sa wakas ay maglapat na naman ang mga labi nila.

Is it wrong that I feel this way... I don't know if I should walk away... but my heart tell's me otherwise.. for once in my life I want to do what feels right... no matter what they say we belong together... no matter what I do can't stay away from you... no matter what they say we should be together... all I wanna do is to be with you.....

Althea and JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon